22

322 27 3
                                    

KIM

"Andito na si Ate gurl!" Bunggad niya agad. Andito ako sa kwarto nina Ye. Napatayo naman ako nang malaman ko pero bigla akong hinawakan ni Ye.

"Sabihin mo dito matutulog si kimmy, wag na siya lumipat kamo" napakunot noo naman ako. Wala sa usapan namin na dito ako matutulog atsaka kakausapin ko si didit.Tumango na lang si Kianna at umalis na rin.

"Ye kail--"

"Kimmy, hayaan mo na muna siya. Pagod yun at mas lalong hindi pa niya kaya harapin ka" Hay. May point si Yeye. Iniisip ko masyado sarili ko, baka bukas maging okay na? Tutal may training naman kami. Sana lang wag maapektuhan yung training namin.

"Guys san ako matutulog?" Nagkatinginan yung dalawa sabay higa agad sa mga kama nila. Aba? Ano to? Ni Unan nga wala ako pati kumot tapos wala pa kong hihigaan?

"Dyan ka na lang sa sahig kimmy" Turo ni Ye sabay nagtawanan silang dalawa ni Ara. Binato naman ako ng unan ni Ara. Wow. Thanks. Ibang klase tong mga kaibigan ko.

"Tabi na lang ako kay Ara, sarap pa naman niya kayakap sa gabi" pangaasar ko kay Ye. Oo, alam kong may feelings siya para kay Ara. Di lang niya alam si Ara may feelings rin para sa kanya. Hay nako, parang kami lang ni didit no? Speaking of didit, natutulog na kaya siya?

Umurong na si Ara, signal na tatabi talaga ako sa kanya. Humiga ako sa tabi ni Ara at niyakap yakap siya.

"Bruh, bitawan mo nga ako! Pinapahiga ka na nga eh." Siniko naman niya ako. Itong babaeng to.

"Pero kapag siya yayakap okay lang?" Bulong ko sa kanya. Agad naman niya ako hinampas sa braso. Ang sakit, ginawan bola yung braso ko.

"Ang bango mo naman po" pangaasar ko pa lalo. Tinitignan lang ako ng masama ni Yeye. Hahaha. Mukha niya talaga eh.

"Okay ka lang Ye?" Tanong ni Ara. Tawang tawa naman ako. Nanlaki mata ni Ye at napathumbs up na lang siya.

"Swerte ko at ikaw katabi ko!" Napakunot noo si Ara sa akin,napapaisip siguro kung bakit ganito ako sa kanya.

"Kimmy, dito ka na nga lang. Ako na dyan" napaupo na si Ye, at hinawakan na yung unan niya.

"Bakit? Gusto mo katabi si Ara no?" Namumula na si Ye. Di ko alam kung nahihiya o kinikilig eh. Tinignan naman siya ni Ara, hinihintay yung sagot niya.

"Hi-hindi no! Kinukulit mo kasi yung daks ko, baka maasar pa sayo yan. Dito ka na, dyan na ko" Nako Ye, mga damoves mo rin no?

"Daks ko?" Lalong namula si Yeye. Hahaha.

"Lumipat ka na nga dun! Inaasar pa si Ye eh" pagtatanggol ni Ara. Isa pa to eh. Kinuha ko yung unan at humiga sa kama ni Ye.

Nagwork din yung plano ko. Solo ko isang kama. At may instant kumot na ko agad. Hinila ko yung kumot. Bango talaga kumot ni Ye.

"Hoy akin na kumot ko!"

"Goodnight!" Tumalikod ako sa kanila, hindi ko pinansin si Ye. Umuusok na tenga nun siguro.

"Bwi-"

"Gamitin mo na lang kumot ko" pagaalok ni Ara. Hay nako naman. Kinikilig na siguro si Yeye.

"Share na lang tayo" Humirit pa talaga? Itong dalawang to talaga oh.

----

Hindi ako makatulog, ikot ako ng ikot, tinignan ko yung oras 12:37 AM na, tinignan ko yung dalawa, ang sarap na ng tulog nila. Dahan dahan akong tumayo at pinicturan siya. Pang blackmail lang naman. Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kwarto namin ni didit. Buti na lang hindi niya nilock. Dahan dahan akong pumasok at lumapit sa kanya.

Basa yung unan niya, umiyak nanaman siya. Ang masakit pa dun, ako yung dahilan. Hinawi ko yung buhok niya. Ang ganda pa rin niya.

'Aayusin ko na. Promise, Didit.'
Kiniss ko siya sa forehead ng bigla siyang gumalaw. Agad ako tumago sa ilalim ng kama niya. Nagising ko pa ata siya. Naramdaman kong humiga ulit siya sa kama. Naghintay lang ako ng ilang minuto bago umalis sa ilalim ng kama. Sinilip ko muna siya, buti na lang tulog na ulit. Tinignan ko siya one last time bago tuluyan lumabas ng kwarto.

----

"Asan na ba si Coach? Sabi 7 AM sharp. Eh 7:40 na oh! Nagwarm up na tayo lahat lahat" pagrereklamo ni Majoy. Asan na nga ba si Coach? Di naman siya nallate ng ganito eh. Teka? Si didit. Asan na nga rin ba? Iniiwasan kaya niya ako?

"Asan siya? Bakit wala pa siya?" Pagtatanong ko kay Kianna. Napakunot noo naman siya at tinignan yung paligid.

"Oo nga no? Eh kanina pinuntahan ko siya sa kwarto, wala naman siya" san naman kaya pumunta yun? Pagnalaman ni Coach, nako malalagot pa siya. Baka kasama niya si Ricci? Dapat alam ni Ricci na pwedeng mapahamak si didit.

Maya maya dumating na si Coach Ramil. Finally! Magsstart na kami. Pero iba itsura ng mukha niya. May problema kaya?

"Ara, ikaw muna incharge. Noel, ikaw na muna." tumango lang si Coach Noel, habang si Ara napakunot noo at sumunod na lang.

"Kim, halika" Ha? Bakit ako?! Ano nagawa ko?

Sinundan ko na lang siya papunta sa may labas. Umupo siya at ako naman tumabi. Bakit kaya?

"Coach.."

"Kim, alam ko, wala akong karapatan para pakielaman yang love life mo. Alam mo hindi ako ganun" love life? Wala naman ah? Tungkol ba to kay Tin? Anong issue naman nakarating sa kanya?

"Pero Coach..wala naman po" napabuntong hininga na lang siya.

"Pero dahil nakakaapekto sa team, siguro pwede naman ako magsalita patungkol dun." Nakakaapekto? Sa Team?! Wait teka..

"Alam ko na yung nangyari sa inyo ni Cyd. Sinabi niya sa akin, kasabay nun yung pagpapaalam niya na bumalik muna sa Cebu, para makapagisip at magpahinga muna.." Agad ako natigilan. Dumating talaga sa punto na kailangan niya pang lumayo, lumuwas sa Cebu dahil sa nangyari.

"Pinayagan niyo naman Coach? Pero d--"

"Alam mo naman kung ano yung makakabuti dun ako dba?" Hindi na ko nakaimik pa. Kasalanan ko talaga to eh. Bakit kasi..bakit ba.. Ewan! Naguguluhan ako lalo. Napayuko na lang ako. Hindi ko na rin naman alam ano pa magagawa ko.

"Mahal mo rin no?" Napatingin ako kay Coach, nakangiti, lumalabas nanaman dimples niya. Hay, naaalala ko nanaman tuloy si Cyd. Yung dimples niya. Tumango ako at napailing lang siya.

"Kayo talagang mga bata. Pasabi sabi pa kayo di magkakagusto sa sariling teammate, ayan kinain niyo mga salita niyo" Napatawa naman siya.

"Ano pa ba magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na wag, kasi puso na mismo yan eh. Pag puso na nagsasabi sayo, wala ka na magagawa. Yan na yun eh." Hala si Coach. Totoo ba to?! Words of Wisdom galing sa kanya.

"Hala Coach.."

"Oh sige Kimmy, ituloy mo yan" Hindi na lang ako sumagot. Natatawa na lang ako, pero pinigilan ko baka malintikan lang ako kay Coach. Pinat niya ko sa balikat at umalis na. Ano yun? Wala akong training? Free time ko?

"Kimmy! Magttraining ka pa. Anong akala mo? Makakatakas ka? Porket pinag-"

"Opo Coach. Eto na!" Di ko na siya pinatapos. Nako mahaba pa sasabihin niya. Hay nako naman. Napakamot ako sa ulo at tumayo. Asan na kaya si Cyd? Kailan ba siya aalis?

"Kimmy.."

----
And Yes, nakapagupdate na rin 😂 sana naenjoy niyo tong chapter kahit medyo wala naman nangyari. Pang connect lang sa susunod na chapters. Thankyou sa patuloy na pagsupport sa story kahit ganito si Author 😂😂

Thankyouu! ❤️ Don't forget to leave a comment! And vote :)

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon