21

352 28 4
                                    

KIM

"Didit!" Tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon. Narinig ba niya ko?

"Huy didit!" Lalo ko pang nilakasan pero parang wala siyang naririnig. Tinignan ko siya ng mabuti, hindi naman siya nakaearphones.

Pinanuod ko lang siyang uminom ng tubig at sabay balik sa taas na may padabog. Ano nangyai dun? Badtrip ba yun?

Sinundan ko siya at pumunta na rin sa taas. Bigla akong kinabahan. Aba? Bakit ako biglang kinabahan? Eh wala naman akong ginawang masama dba?

Pumasok ako sa kwarto namin, at nakita ko si Cyd. Nakaupo lang sa kama at nakayuko.

"Tinatawag kita kanina ah? May problema ba?" Pagsisimula ko, hindi siya sumagot, ni hindi nga siya gumalaw. Ano na nangyari sa kanya? Parang kanina lang okay naman siya.

"Didit? Uy, ano nangyari sayo?" Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Hindi pa rin siya gumalaw, napabuntong hininga lang siya ng malakas.

"May nangyari ba? Andito ako makikinig sayo" Pinatong ko ulo ko sa kanya at niyakap siya.  Bigla naman ako nakaramdam ng pagpatak sa braso ko. Teka, umiiyak ba siya?!

"Didit?" Sinubukan kong iharap yung mukha niya sa akin pero tinulak niya yung kamay ko, tumigil ako at tinitigan lang siya.

"Kimmy, bakit?" Umiiyak nga talaga siya. Halata sa boses niya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Ano ba ibig sabihin nung tanong niya? Ano ba nangyayari?

"Kimmy, bakit ganun? Bakit?!" Napapalakas na yung boses niya, at pinunasan na niya yung luha niya. Pero hindi pa rin siya humaharap sa akin.

"Bakit ano? Sabihin mo kasi" hindi ko maintindihan. Ano ba nangyayari sa kanya bakit nagiging ganito siya.

"Bakit ba patuloy mo pa rin ipinaparamdam sa akin na may pag-asa? B-bakit ba patuloy mong ipinaparamdam sa akin na special ako sayo kung meron naman palang Tin?" Ha? Di ko alam. Di ko alam sasabihin ko, di ko alam ano irreact ko, naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi niya.

"B-bakit siya pa? B-bakit kailangan mo pa tumingin sa iba,  kung andito ako mismo sa harapan mo, matagal nang nagpapapansin sayo? " may lungkot at sakit sa boses niya. Ano ba sinasabi niya? Bakit? Pano?

"Did-"

"B-bakit kahit anong pilit kong pigilan tong nararamdaman ko, wala pa rin? Bakit ba sa bawat gawin mo maliit man na bagay lalo akong nahuhulog sayo? Bakit ba ganito nararamdaman ko sayo?" Pinunasan niya yung luha niya gamit yung jacket niya.

"Ang manhid mo Kimmy, napakamanhid mo talaga" tumawa siya bigla at humarap na sa akin, at namumula na yung mata niya at patuloy na tumutulo yung luha niya. Ito ayoko sa lahat, Ang makita siyang umiiyak, ayoko siyang nasasaktan.

"Hindi mo pa rin ba nakikita? Hindi mo pa rin ba nararamdaman? Na higit sa kaibigan ang tingin ko sayo. Na araw-araw palagi kong pinapangarap na sana, sana mahalin mo rin ako kagaya ng pagmamahal ko sayo kahit alam kong impossible kasi sabi mo hindi ka pwede mafall sa isang teammate mo. " tumayo siya bigla. tama ba lahat ng naririnig ko? Mahal niya ako?   Wait pano niya nalaman yung tungkol sa teammate?

Gusto ko punasan yung luha niya. Gusto ko siyang hawakan. Gusto kong sabihin 'okay lang' Gusto ko siyang icomfort, pero pano ko siya iccomfort kung ako yung dahilan kung bakit siya nagkakaganito in the first place.

"Ang tanga tanga ko talaga. Bakit mo nga pala ako mamahalin? Eh ni di mo nga ako gusto dba? Pero patuloy pa rin akong nagmamahal sayo ng palihim. Kahit nasasaktan na ko lahat lahat, ikaw pa rin sinisigaw ng puso ko. " tumalikod na siya sa akin. At mukhang aalis na siya ng kwarto.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon