31

313 32 5
                                    

KIM

Tama bang hindi ko sinabi kay Cyd? Ayoko naman kasi na isipin niya na nakalimutan ko siya itext, tapos nakipagkita ako kay Tin.

Pero nakakaguilty. Baka yung hindi ko pagsabi sa kanya. Mas lalo pang lumaki yung problema. Hays. Ano ba gagawin ko?

Kanina ko pa tinext si Cyd. Pero hindi man lang siya nagrreply. Tulog na kaya siya? Pumunta ako sa contacts at hinanap yung pangalan niya.

"Hello?" Gising pa pala siya. Bakit di siya nagrreply?

"Akala ko nakatulog ka na, kanina pa ko nagttext sayo"

"Ah, ganun ba? May ginagawa ako eh" Cold niyang sabi. Bigla naman siyang naging cold. Kanina di naman siya ganito eh. Huminga ako ng malalim. Sana tomg gagawin ko hindi makasama.

"May gusto kasi akong sabihin.."

"Ano yun?"

"Kanina. Yung tinulungan ko. Di ko talaga kaklase yun. Si Tin talaga yun. Nasiraan kasi siya, tinawagan niya ako. Kaya ayun tinulungan ko siya" please wag ka magalit. Wag ka magalit.

"Bakit di mo na lang sinabi kanina?" Mahinang sagot niya. Walang halong gulat sa pagsabi niya.

"Baka kasi magalit ka, ayoko naman magaway tayo or what"

"Di naman ako magagalit eh"

"Sorry.."

-----

Hindi nagttext sa akin si Cyd. Buong araw wala, nagalit kaya siya sa akin? Tungkol sa nangyari kagabi? Alam ko okay na kami eh. Bakit ganun? Tinawagan ko naman siya pero hindi siya sumasagot. Ano na kaya nangyari dun? Okay lang kaya siya?

Biglang tumunog yung phone ko. Agad ko naman sinagot.

"ATE KIMMMYYYYYY!" Bigla kong nilayo yung phone ko. Nagulat ako dun.

"Aray! Kailangan talaga sumigaw?" Hay nako Kianna.

"Sorry na. Di ka pa uuwi?" Pagmamadali niyang tanong. May problema kaya?

"Pabalik na ko. Bakit ba?"

"Wala. Miss lang kita" natawa agad ako. Wow. Di ako naniniwala.

"Hindi mo ko maloloko, bakit nga?"

"Wala nga, kulit nito. Sige na nga. Byee" Binabaan agad ako?

Ano meron dun? May ginawa nanaman siguro yun. Baka may kinuha sa gamit ko yun kundi nasira niya. Lakas rin talaga trip nung babaeng yun.

Maya maya, nakarating na rin ako sa dorm. Pagpasok ko, normal lang. Nasa may sofa, yung iba sa may kainan. Yung usual lang na nangyayari sa loob ng dorm.

"Ate Kimmy! Andito ka na pala" malakas na pagsabi ni Mayang. Kailangan talaga pasigaw?

"Oo nga! Buti dumating ka na" malakas na dagdag ni Dawn. Ano ba nangyayari sa mga to? Dahil ba walang training kaya ganito?

"Kailangan talaga pasigaw? Asan na nga pala si Kianna?"

"Lumabas, kasama si Marc" aba, nakipagdate ah? Sinusulit ang last day ng pagpapahinga.

"Oh sige, punta na ko sa kwarto"

"Sige! Punta ka na sa kwarto!" Sigaw ni Dawn. Agad naman nagtawanan sina Majoy. Lakas ng trip ng mga to. Baka mamaya may ginawa sila sa kwarto kaya ganyan sila.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon