33

302 26 3
                                    

MIKA

Kailangan kong malaman ano yung email. At syempre sino yun. Feeling ko talagang naninira yun. Pano kaya nakuha yung number niya? Ibig sabihin nun, may nagbigay or kakilala ni Cyd.

Hmm..Mamayang gabi, habang tulog na siya kukunin ko yung phone niya at iccheck yung email niya. Pero syempre may passcode yung phone niya so babantayan ko siya hanggang mamaya. Tapos pagnakita ko na. BOOM! Malalaman ko na kung ano yun at Aalamin ko na kung sino yun.

Detective na detective dating ko. Natawa na lang ako sa sarili ko. Hays. Ibang klase ka talaga Ye.

Or tanungin ko na lang kaya si Achi. Papahirapan ko pa sarili ko. Eh di kung tatanungin ko siya at ipapakita niya sa akin yung email. Tapo. Alam ko na agad dba? Ang dali dali. Perfect na perfect!

"Hoy! Ngiti ngiti ka dyan. Kakatapos lang ng training, fresh na fresh pa ah" sabay bato sa akin ni Kim ng towel. Hindi lang basta towel, basang towel talaga. Pinampunas na ata niya ng pawis niya.

"Iniisip niya si Ate Aruhh"
Pangaasar ni Kianna. Nako, sa ngayon hindi siya yung nasa isip ko hehe.

"Oy hindi no!"

"Nako daks, andito na ko oh" Ayan humahangin na tuloy dito sa gym.

"Kapal! Di siya iniisip ko. May iba akong iniisip" sagot ko sa kanila. Napa 'Ohhhh' yung iba. Tumingin sa akin ng nakakaloko si Kim. Para bang hindi naniniwala. Akala mo naman oh.

"Hala may iba na ata si Ye, pano na yan bruh?" Loko tong si Kimmy oh. Nangaasar pa talaga.

"Sinoo?" Tanong agad ni Daks, nagseselos nanaman siya oh. Yiee. Hahaha. Don't worry babawi ako sa daks ko mamaya, ito muna uunahin ko.

"Wala!" Nagwalk-out ako. At tumabi kay didit. Na nasa may floor, nagpapahinga. Kausapin ko na kaya siya?

"Hi Achi!" Bati ko sa kanya. Ngumiti siya sa sa akin at patuloy na pagpunas ng pawis niya.

"May nabasa ka no?" Ano daw?

"H-ha? Anong--"

"May nabasa kang message no?" Wait. Tinutukoy ba niya yung unknown number na binasa ko? Pano niya nalaman?

"Ah.. Hindi ko naman sinasadya eh" talagang sinadya ko yun. Sorry Achi!

"Wag mong sasabihin kahit kaynino tungkol dun ah?"

"Teka, sino ba yun?" Mamaya kung ano ano na pumapasok sa isip ko yun pala, kilala na niya. Nagkibit balikat lang siya.

"Di ko rin alam."

"Ano yung e-mail na sinasabi niya?" Ito na yung chance para malaman ko kung ano talaga yun.

"Ah.. Wala yun, one week na nakalipas nun. Akala ko hanggang dun lang. Hindi pala"  matagal na pala, bakit nagparamdam pa ulit? At bakit ngayon pa talaga nagparamdam?

"Ano meron sa e-mail? Baka makatulong ako" tutulungan ko siyang alamin yun. Napabuntong hininga siya at nilabas yung phone niya. Hindi ko rin pala malalaman passcode niya. Since, fingerprint palagi niyang ginagamit. Hays.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon