28

358 30 17
                                    

CYD

"Kain ka lang ha? Talagang pinaghanda namin yan para sayo" patawang sabi ni Atingst. So para sa kanya talaga to. Tinignan ko si Kimmy na nasa tabi ko at nagtaas baba lang ng kilay sa akin at nagpatuloy sa pagkain. Akala ko ba...

"Akala ko naman namalengke kayo talaga para sa akin"  nanlaki mata nilang dalawa sabay tawa.

"Palusot lang namin yun. Syempre baka mahuli mo kami eh di nasira yung plano ni Kim" sagot ni Ate Tishamee. Grabe talaga sila. Kinampihan talaga si Kimmy. So all this time? Alam na talaga nila? Kaya pala nagaayos si mama nun. Siya rin kausap ni mama nun?

"So alam niyo na talaga?"

"Syempre naman nak, tinawagan ako ni Kim bago pa siya nagplano pumunta dito" Siya nga talaga kausap ni mama. Akala ko ba 'mare' niya kausap niya?

"Ako yung kumare ni tita" as if nabasa niya yung nasa isip ko, natawa naman si mama. Hay. So nakaplano na pala hindi ko man lang nahalata or what.  Talagang nakaplano na pala talaga to. Hay Kimmy. Grabe tong plano mo.

Pero, hindi ko aakalain mageeffort si Kimmy, para lang magkaayos kami at makapagexplain. Knowing Kimmy, hindi siya sanay sa mga ganito. Pero ginawa pa rin niya, from Manila to Cebu? Di ako nagsisi minahal ko siya.

"Kumain ka na lang nga, tinititigan mo pa si Kim eh" tawang sabi naman ni Ate eshemee. Kailangan pa talagang ipoint out. Agad naman napatingin sa akin si Kimmy.

"Atingst naman!"  Sagot ko. Nakakahiya, mamaya ano pa isipin ni Kimmy. Tinignan lang ako ni Kimmy at ngumiti ng nakakaloko.

"Tinititigan mo pala ako ah?"
-________- ayan na po lumalaki na ulo niya.

"HA-HA" dumila ako at nagsimula nang kumain na muli. Ngumiti lang si Kimmy at nagpatuloy na sa pagkain.

"Bakit di muna kayo umikot pagkatapos? Tutal hanggang bukas na lang yan si Kim" eh kakadating lang niya, aalis na siya agad? Nakaramdam ako ng lungkot. Syempre gusto ko pa siya makasama ng matagal. Lalo na ngayon solo ko oh.

"Bukas na agad alis mo? Ang bilis naman?" Hays. Hindi ba siya pwede magstay ng mas matagal?

"Bakit didit? Ayaw mo pa siya pauwiin?" Itong atingst ko talaga kung makaasar eh! Syempre ayaw pa. Gusto ko kaya siya makasama pa.

"Atingst!"

"Hayaan niyo na muna nga yang kapatid niyo. Tulungan niyo na lang ako ayusin yung gamit para sa tindahan" Hay salamat. Buti naman at aalis na rin sila, walang ibang ginawa kundi asarin ako.

"Kain ka lang dyan ha?"  Bilin pa ni  mama kay Kimmy. Welcome na welcome talaga siya dito.

"Opo tita. Thank you po"  Umalis na sila at naiwan naman kaming dalawa ni kimmy na kumakain.

"Kahit gusto ko pang magstay, nakabook na yung flight ko at bibisita pa ko kayna mama" tinignan niya ako at ngumiti. Oo nga naman, syempre pupuntahan rin niya sina Tita since hindi naman siya palagi nakakabisita dun.

"Yiee. Ayaw pa niya ko umalis" ayan nangaasar na siya. Nakangiti pa siyang nakakaloko.

"Hindi no. Kahit umalis ka pa nga ngayon okay lang" sabay dila. Agad naman nawala yung ngiti niya. Syempre joke lang yun. Masyado naman to o

"Sige, aalis na lang ako" tatayo na sana siya ng hinawakan ko yung kamay niya. Di pa nga siya tapos kumain oh!

"Char lang eh. Masyado ka naman." bumalik yung ngiti niya at umupo ulit sa tabi ko.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon