02

533 51 2
                                    

Kim's POV

Kimmyyyy!" Sigaw niya. Bigla naman akong lumingon nasa taas siya ng upuan.

"May ipis!" Tinuro niya dun sa may likod ng ref.

"Wala yun hin--" hindi ko na natapos biglang lumipad

"AHHHHHH!" Tumakbo siya papunta sa akin, at nahulog kami sa may sahig. Nasa ibabaw ko siya, nagkatitigan lang kami. Parang biglang tumigil yung oras. Ang ganda talaga ng mata niya. Ang ganda niya.

"Guys? Ano nangyayari diyan?" Sabay tayo kami agad ni Cyd. Nagayos siya ng damit, at yung usual na paghawi ng buhok niya sabay ipit sa tenga pag kinakabahan.

"W-wala, may ipis lang, natakot si--si Cyd" sagot ko naman. Huminga ako ng malalim. Tumango lang si Mika at pumasok na ulit sa kwarto niya.

"Sorry ah? Natakot lang" ngumiti siya sabay yuko, hindi ko alam kung naiilang siya o nahihiya. Tumango ako at bumalik na sa paghugas ng pinggan. Naalala ko yung itsura niya, ang ganda niya talaga. No! Ano ba naman yan kim! Erase erase. Wag kay Cyd, wag sa kaibigan mo, wag sa teammate mo.

Natapos na ko maghugas, pumasok na kami ni Cyd sa kwarto, kumuha ako ng towel at damit at pumunta sa CR, para magshower. Pagbalik ko sa kwarto, nakahiga na si Cyd. Tulog na ata. Baka pagod talaga.

"Night Cyd, salamat sa kanina" bulong ko sa kanya, nilagyan ko siya ng kumot at humiga na rin. May training pa bukas.

-//-

"Ate Kimmy! Gising naa!"

"Hmmmm" sagot ko lang sabay hila ng kumot sa ulo ko.

"Malalate na tayo, 20 minutes na lang start na ng training" bigla naman ako napaupo, kaya medyo nahilo ako. Kinusot ko ang mata ko, si Kianna nakangiti.

"Joke lang" bigla siyang tumawa. Tinignan ko siya ng masama. Akala ko talaga totoo na. Kinabahan pa naman ako, tapos ngayon sakit ng ulo ko.

"Labas ka na ate kimmy, kakain na." Naglakad na siya papuntang pintuan sabay dila, hanggang tuluyan na siyang lumabas. Pagkatingin ko sa oras 6:45 pa lang. 8 pa yung training, hindi man lang ako pinagbigyan ng 15 mins para matulog pa. Sakit ng ulo ko. Lumabas na ko at dumiretso sa sink, naghilamos at nagmumog.

"Morning guys" bati ko sa kanila. At nagbatian na lahat.

"Ako nagluto niyan" pagmamalaki  naman ni Ara. Hinihintay na niya ako Sumubo.

"Di masarap" sabi ko naman hanang patuloy sa pagkain. Bigla nawala ngiti ni Ara. Sabay kuha ng plato ko.

"Wag ka kumain!" Sagot naman niya.

"Joke lang eh. Masarap!" Tumawa lahat, at binalik na niya yung plato. Masarap naman talaga magluto si Ara. Kinalabit ako ni Cyd.

"Water or juice?" 

"Juice na lang" nilagyan na niya yung baso ko, nagthank you ako, at tumingin sa iba, lahat sila nakangiti, lalo na si Ara na nakangisi. Alam ko na ibig sabihin nun. Pangaasar nanaman.

"Daks, water or juice?" Tanong ni Ara kay Yeye. Yung ngiti ni Ara, si yeye naman, napakunot noo. Dahil meron na siyang inumin. Nagtaas ng kilay si Ara sabay tingin sa akin. Napa 'ahh' na lang si yeye.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon