27

361 33 23
                                    

CYD

Tumunog yung cellphone ni Mama. Agad ko nakita yung pangalan na "Kim" bigla naman ako nakaramdam ng kaba, si Kimmy ba to? As in Kim Fajardo? O nagaassume lang ako?

Bakit naman siya tatawag kay mama? Sasagutin ko ba? Ready na ba kong makausap siya? Well, malay niyo si mama talaga kakausapin niya dba? May Tin naman na siya dun, baka masaya pa nga siya na wala ako dun. Ano ba didit! Mga iniisip mo, sasagutin mo na nga lang yung phone eh.

"Hello?"

"Oh? Sino yan nak? Akin na" pagtatawag sa akin ni mama. Hindi na ko nagdalawang isip agad ko naman binigay kay mama yung phone.

"Hello, mare? Napatawag ka" Masyado akong nagassume. Bakit nga ba tatawag si Kimmy kay mama? Eh wala ka lang naman sa kanya. Hay nako Cyd

"Oh sige, text mo na lang ako ha? Okay. Bbye" binaba na agad ni mama at nakangiti naman siya.

"Sino yun ma?"

"Kumare ko nak, bakit? Iniisip mo si Fajardo?" Tumawa naman si mama habang ako nakatingin lang sa kanya, di umiimik.

"Hay nako anak, mga iniisip mo" tumawa na lang din ako. Musta na kaya sila? Musta na si kim? Wala pa kong balita galing sa kanila. Hays.

KIM

Muntik na yun. Baka masira pa plano ko kapag nalaman ni Didit na tumatawag ako kay Tita. Sa ngayon magpapahinga na muna ako at maaga pa ako bukas. Kukunin ko pa yung bulaklak at cake na inorder ni Kianna.

Inayos na ni Kianna, may tinawagan na siya at inorderan from Cebu. Galing talaga no? Number 1 supporter ata ng KimCy yan. Pati yung iba tinulungan rin ako, ang supportive talaga nila sa akin. Kaya mahal na mahal ko sila eh. Maya maya nagvibrate yung phone ko. Aba napatawag ata si Ye.

"Oh wafs, bakit?" Miss na ko siguro nito. Hahaha. Pero hindi naman siya tatawag kung trip lang niya eh

"Wala masama ba tumawag?"

"Hindi naman. Pero bakit ka nga napatawag?"

"Si Ara kasi eh" agad na akong natawa. Sabi na nga ba may gumugulo sa isip nito eh.

"Sabi na eh. Ano nanaman ginawa nun?" Napabuntong hininga na lang siya bago pa magsalita ulit.

"Kanina pa niya kausap yung girl na ewan" halatang halata may inis sa boses niya. Selos naman tong wafs ko.

"Uy, nagseselos siya. Yieee" pangaasar ko sa kanya. Halatang halata na oh! Hay nako.

"Che. Mangaasar ka pa! Dapat di na kita tinawagan eh!" ang kulit talaga nito ni Ye eh

"Biro lang eh. Sino daw ba yun? Asan ka ngayon?"

"Di ko alam. Wala rin akong pake, nasa guest room lang" Ayan, wala daw pake pero tignan mo, selos na selos.

"Hay nako Ye. Syempre matagal siya nawala dyan. Baka naman ngayon lang nagkita. Halatang halata na nagseselos ka oh"

"Oo na, nagseselos--- Sino nagseselos?" Rinig kong sabi ni Ara. Hala paktay kay Ye! Di man lang naglock ng pinto.

"Hello? Hello?" Maya maya binaba na yung call. Ano na kaya nangyari dun? Magkakaaminan na kaya? Sana. Please.

---

Eto na ko papunta na ko sa kanila. Kinakabahan talaga ako. This is it pancit. Kaya ko na ba talaga? Sabi ni tita, nasa kwarto lang si Cyd ngayon. As usual. Okay lang kaya siya? Galit pa ba siya?

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon