19

338 27 5
                                    

CYD

Ano na nangyari dun kay Kimmy? Wala sa focus ah? Tanong ko nga. Pumasok ako sa kwarto namin, napatingin sa akin si Kim at agad lumapit. Niyakap ako agad. Ano nangyayari?

"Kimmy? May problema ba?" Pagaalala kong tanong sa kanya. May nangyari ba?

"Gusto lang kita yakapin." Niyakap ko na rin siya pabalik. Sorry ba to? Kasi kung oo, pinatawad ko na siya kahit masakit.

Oo alam ko, nakita ko sila. Bago pa makita ni Kianna. Nagtala din ako bakit kailangan niya magsinungaling. Pero siguro ginawa lang niya yun kasi alam niyang di ako matutuwa, kaya okay lang. Kung siya na talaga mahal ni Kimmy, magiging masaya na lang ako para sa kanila. Sino ba ako para pigilan siya? Sino ba naman ako? Eh di hamak isang kaibigan at teammate lang ako.

Pinigilan ko sarili ko na hindi maluha. Ayoko naman magisip pa siya. At mapaamin ako sa wala sa oras.

"Clingy mo" pagbibiro ko sa kanya. Bumitaw na siya sa yakap. Sana nga di na lang bumitaw.

"Sige di na kita yayakapin" nagcross arms naman siya. Wag! Gusto ko nga niyayakap mo ko.

"Di wag, bahala ka dyan" nandila ako at umupo sa kama.

"Joke lang eh. Ikaw di mabiro" ginulo niya yung buhok ko bago umupo sa kama niya. Humiga na ako at nagkumot:

"Oo na, matulog ka na nga dyan!" Binato ko siya ng unan agad naman niya nasalo. Oo nga pala, magaling sumalo yan, kaso ako lang yung di sinalo. Char.

"Ayaw mo na ko kausap?" Nagpout siya at binato sa akin yung unan ulit.

"Gusto mo pa magusap?" Gusto mo siya kausap. Kahit pinakawalang kwentang bagay gusto ko pagusapan, basta siya kausap ko.

Grabe no? Kahit sobra na yung sakit nararamdaman ko, nawawala rin. Wala eh, mahal ko. Ganun talaga.

"Bukas samahan mo ko" hindi ba magagalit si Tin? Bakit ako pa?

"Saan?" Tapos yun pala sa savemore lang. Assuming lang ako na may pupuntahan pang iba. Kaya nasasaktan eh, masyadong assuming.

"Basta. Samahan mo ako ah?" Ayaw pa sabihin. Mapapaisip pa tuloy ako kung saan.

"Ba't ako? No choice?" Kasi syempre first choice niya magpasama dun kay Tin, tapos baka budy kaya no choice ako na lang.

"Ikaw yung only choice. Sige na, bawal tumanggi. Good night" Ano daw? Only choice niya ko? Pakirewind nga.

'Ikaw yung only choice' wag ka nga kiligin diyan didit. Sa pagsama lang kasi. Hindi sa buhay niya. Hay nako. Tumingin ako sa kanya. Nakahiga ay nakatalikod na sa akin. Oh? Akala ko ba gusto niya pa magusap?

"Daya mo. Sige na, goodnight"  tinignan ko pa siya one last time, hindi na talaga siya lumingon, bago pa ko humarap sa wall at nakatalikod sa kanya.

------
"Gising naaaa"  ang Ingay naman oh. Alam kong si Kim yon. Boses pa lang siya na talaga eh.

"5 minutes pa" tinakpan ko yung mukha ko ng unan. Naramdaman kong hinila yung kumot ko. Ang lamig kaya.

"Kanina ka pa dyan sa 5 minutes mo, pangatlo mo na yang 5 minutes." Pangatlo na ba? Grabe naman. Hays. Wala naman na ko magagawa, hindi naman siya titigil kung hindi ako tatayo.

"Eto na oh. Eto na" nagstretch ako at kinusot yung mata ko. Pagbukas ko ng mata agad ko kinuha yung phone ko. 5:27 pa lang?! Kaya pala eh. Masyado pang maaga para gumising.

TEAMMATES (KimCy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon