EDITED
❇❤❇❤❇
Nagkukwentuhan lang sina Kiesha at Shai habang papunta kami sa cafeteria, samantalang ako naman ay tahimik na nakasunod lang sa kanila.
"I heard Kiefer Kim is here again." Napatingin ako kay Kiesha, ofcourse alam na agad niya ito. Social butterfly yan eh, lahat ng tsismis alam nyan.
Everyone, as in, everyone sa school yung Kiefer Kim na yon ang pinag-uusapan nila. How great is he, na siya ang pinakasikat na leader ng group nila, na siya yung nag-iisang anak ni Ferdinand Kim. Yung mga ganon.
Like seriously, kailangan ba talagang gawing big deal iyon?
"Excited to meet him?" Narinig kong tanong ni Shai. Syempre hindi ko pinapahalatang nakikinig ako sa kanila. Nakapoker face lang ako at diretsong nakatingin sa dinadaanan namin. Habang ang ibang estudyante naman ay nakatingin at yung iba naman ay bumabati or umiiwas naman.
"Of course! The KIM will be finally here. I'm going to meet that KIM na." Maarteng sabi ng kapatid ko. Inirapan ko siya ng palihim. Seriously, Kiesha Lee, talagang may 'THE'?
Pagdating namin sa cafeteria ay agad kaming umupo sa pwesto namin na nasa tabi ng bintana. Kahit naman kasi medyo famous kaming magkapatid, mas prefer namin na nasa gilid lang. Ayokong pati pagkain ko ay pinapanood parin no.
Umorder na kami ng foods kanina kaya naman pagdating namin ay kinuha nalang namin ito at binayaran.
"Kailan kaya siya papasok? I heard pati ang barkada niya lilipat din dito. Omg! Dadami nanaman ang gwapong boys dito!" Kinikilig pang sabi ni Shai habang subo subo niya ang fries na inorder niya.
"Ang balita ko, within this week daw. May mga nagsasabi na they already saw them." Kibit balikat na sabi ni Kiesha at tinuloy ang pagkain niya.
Nabulabog ang cafeteria noong may mga nagtilian kasabay noon ang pagpasok ng pitong mga lalaki. They were wearing their casual outfits kaya obvious na mga transferee sila.
Niliitan ko pa ang mata ko para maaninag sila ng lubusan at doon ko narealize na sila na yung mga transferee na pinag-uusapan nitong dalawang to.
"Omg! They're here!" Kinikilig na bulong nung dalawa at tumayo pa sa upuan para makita ang pagpasok ng grupo.
Maya maya pa ay lalong lumakas ang tilian ng kababaihan dahil sa pagpasok noong lalaking sa tingin ko ay leader nila.
"Kiefer! I love you!" Narinig kong sigaw ng isang babae na nakapwesto somewhere sa caf. Seriously? Ganon ba talaga kasikat ang gagong iyon?
Napasimangot ako dahil sa init ng pagtanggap sa kanila. Oo, mga gwapo sila at halatang may ipagmamayabang. Hay ewan, ang wiweird talaga ng mga tao sa school na ito.
Hindi ko na sana sila titignan pa pero agad akong hinatak ni Shai para ituro sa akin isa isa ang profile nung pitong lalaking iyon.
"Darren Kim, ang pinakagoodboy sa kanilang lahat, pinsan ni Kiefer at kapatid ni Bobby." Napatingin ako sa tinuturo ni Shai na lalaki, mukhang matalino siya at hindi gagawa ng kalokohan. Medyo may kahabaan lang ng konti ang baba niya pero ang gwapo parin niyang tignan.
"Next is Chanlee Jung, ang pinakabata sa kanila, ang katabi niya ay si Yael Jung, kakambal niya." Itinuro naman ni Kiesha yung dalawang lalaking magkaakbay at tahimik na pinagmamasdan ang mga babaeng halos magkandapa sa kanila.
"Jeron Goo, ang playboy. Balita ko halos buong school na nila ang nabiktima niya. Well, hindi natin sila masisisi. Ang gwapo naman kasi talaga ni Jeron." Nakangiting sabi ni Shai habang nakatingin kay Jeron na nakikipaglandian na agad doon sa isa sa mga cheerleaders na nakapalibot sa kanila.
BINABASA MO ANG
SPOILER • Kim Hanbin [FIN]
Short StoryWhen you think everything is already perfect but then problems rises up and drifted you apart. Is it just a coincidence or is it a spoiler of your The End? Are you going to stay or you'll walk away? What if there's a twist? Are you going to stay or...