FIFTEEN

153 3 0
                                    

Edited

💕💕💕

"Magkaaway ba kayong dalawa?" Seryosong tanong ni Kuya Keith sa amin habang tahimik lang kaming dalawa ni Kiesh.

Napabuntong hininga nalang siya at napasabunot sa buhok niya. Ilang beses na kasi niyang tinanong iyon pero wala ni isa sa aming dalawa ang sumagot. I guess it was pride after all.

"If this was about the boys, utang na loob wag niyo namang sirain ang bond niyong dalawa dahil lang sa kanila." Seryosong sabi ni Kuya Keith at iniwan nalang kaming dalawa sa sala.

Since that night kasi hindi na ulit kami nag-usap pa ni Kiesh. Cold war ang peg naming dalawa at mukhang napikon narin si Keith sa aming dalawa. No one wanted to talk kasi, at mukhang na pissed na talaga si Keith, ayaw kasi nun na hindi siya sinasagot---kahit ano pang tanong niya sayo.

Nauna na akong lumabas ng bahay. Ayaw ko rin naman kasing magstay doon. Kating kati narin kasi ako lumabas. Ilang araw rin kasing walang pasok dahil sa mga practices. Malapit na kasi ang foundation day at Christmas break.

Napadpad ako sa isang playgroud sa loob ng subdivision namin. Walang tao doon kaya doon ko naisipan tumambay. Dala ko naman yung librong binabasa ko kaya keri lang.

Umupo ako sa isa sa mga bench na malapit sa puno at sinimulang magbasa na. Hindi gaanong mainit dahil December na rin naman, kaya mas nakakaenjoy magbasa.

I was in the middle of enjoying my moment noong may biglang tumabi sa akin. Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko noong narealize kong si Kiefer iyon.

"What you doing here?" Gulat kong tanong sa kanya. Natawa naman siya sa naging reaction ko kaya lalo lang akong napasimangot.

"I was amazed to see you here." Namiss ko ang boses niya. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"I was amazed too." Simple kong sagot sa kanya. Hindi na ako makapagconcentrate sa pagbabasa kaya I chose na isara nalang yung book.

Tahimik lang kaming nakatingin sa mga batang unti unting dumadating sa playground. Naalala ko tuloy nung bata pa kami ni Kiesh, tumatakas pa kami sa mga body guards nila daddy para lang makapaglaro. Tapos pag-uwi namin, wala na silang nagagawa kasi nakalabas na kami.

"I miss being with you Keira." Narinig kong bulong niya. Halos mapasinghap ako noong naramdaman ko ang pagpatong ng ulo niya sa mga balikat ko.

Hinayaan ko lang siya na ganoon although nag-aalala ako na baka may makakita sa aming dalawa. Alam mo yung feeling na wala ka namang ginagawang masama pero feeling mo meron dahil sa mga kilos ni Kiefer?

At para bang in a flash bumalik sa akin ang mga emosyong pilit kong kinakalimutan. Parang in a snap nawala lahat ng pinaghirapan naming buuin ni Bobby. Natibag nanaman ang walls sa paligid ko.

Alam ko parin sa sarili ko na mahal ko parin talaga si Kiefer, pero hindi na pwede. Hindi pwede dahil siya ang boyfriend ng kapatid ko.

I decided na umalis na at iwan siya doon. I don't to create a bigger damage sa bond namin ni Kiesh.

Pagdating ko ng bahay naabutan ko si Bobby na naghihintay sa akin. Nakalimutan ko rin palang may plano kaming dalawa ngayon. "Saan ka galing?" Tanong niya.

"Playground. I decided to go out at napadpad ako sa playground." Sagot ko at lumapit sa kanya.

"Improving ah. Lumalabas ka na ng bahay." Natatawa niyang sabi at ginulo pa ang buhok ko, agad ko namang pinalo yung kamay niya kaya natawa siya sa naging reaction ko.

"Wait mo ko, kukunin ko lang yung bag ko sa itaas." Sabi ko sa kanya at nagmadaling pumasok ng bahay.

Naabutan ko parin sa sala si Kiesh na nanonood ng movie, alam niya kayang nandito sa subdivision namin ang boyfriend niya? Napailing nalang ako at dumeretso sa kwarto ko.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon