Edited
💖💖💖
Halos matanga ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon. Siya, si Kiefer. Sinabi niya iyon. Para pa akong nananaginip dahil sa sinabi niya.
Pero naisip ko bigla si Bobby. Nilingon ko siya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya bago sa tumalikod at umalis. Gustong gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya.
Hindi ko tuloy alam kung magiging masaya ba ako sa nangyayaring ito.
"Maghihintay ako, kahit gaano pa katagal, Keira. I will prove my love for you." Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang sinasabi niya iyon. "I love you so much and I'm willing to do everything for you." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.
Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko dahil sa ginawa niyang iyon. Naramdaman ko nalang ang higpit ng pagyakap ni Kief sa akin.
*
"Iniisip mo nanaman siya." Pang-aasar sa akin ni kuya Keith noong naabutan niya akong nakatulala nanaman. Inirapan ko lang siya at muling dumungaw sa bintana ng bahay namin.
Gabi-gabing tumatawag sa akin si Kiefer dahil namimiss daw niya ako, halos one week narin kasi kaming hindi nagkikita. Gusto pa nga niyang sumama dito pero pinigilan ko lang siya. Hindi pa ako ready na ipakilala siya kay Halmeoni eh. Consistent din siya na iparamdam sa akin na mahal talaga niya ako.
Minsan tuloy nag-aalala ako kay Kiesh. Kahit hindi niya kasi sabihin halata namang nasasaktan siya.
Mayroon at mayroon talagang masasaktan sa mga magiging desisyon namin.
Tuwang tuwa talaga ako noong pumayag si halmeoni na pauwiin na kami nina Kiesh. Wala narin naman kasi kaming gagawin doon tapos na yung mga celebrations eh. Nakatunganga na nga lang ako sa bahay namin doon at paminsan-minsan ay lumalabas rin naman ako.
Pero madalas talaga, namimiss ko si Kief. Oo na, inaamin ko narin naman sa sarili ko na mahal ko parin si Kiefer. Pero umabot talaga yun sa point na ilelet go ko siya para piliin si Bobby. Pero nang si Bobby na yung mismong sumuko, parang naging sign din iyon para bigyan ko ng chance si Kiefer.
Kaya pagkababang-pagkababa ng eroplano, agad akong dumeretso sa mall para makipagkita kay Shai, nung E.K trip pa kasi yung huling kita ko sa kanya. Busy daw kasi siya sa Jowa niya. Nacucurious na nga tuloy ako kung sino yung jowa niya na iyon. Ayaw naman kasi niya ikwento eh.
"My gosh, still can't believe na kayo parin talaga ni Kiefer." sabi ni Shai sa akin habang nilalantakan niya ang fries na binili namin. "Akala ko talaga kayo na ni Bobby ang magkakatuluyan. That jerk! Kahit sa akin hindi na nakipag-usap!"
Nalungkot naman ako sa sinabi niya, totoo naman eh. After Christmas hindi na ulit nagtext sa akin si Bobby. Ang sabi lang ni Darren ay nasa bakasyon siya pero ayaw namang sabihin kung saan.
Looks like kahit sa mga close friends namin ay hindi rin nagpaparamdam si Bobby. I tried everything para macontact siya, pero wala talaga.
Naikwento ko rin kasi sa kanya yung sinabi sa akin ni Bobby that night. Alam daw niya iyon, sabi niya. Alam daw niya may gusto talaga si Bobby sa akin pero pinigilan niya ang sarili niya for the sake namin ni Kief.
Naisip ko tuloy what if sa una palang si Bobby na agad, siguro hindi na ganito kagulo yung nangyayari ngayon. Siguro lahat kami masaya ngayon. Pero siguro hanggang what if nalang iyon.
"I was disappointed with him too, Shai. Akala ko hindi niya ako iiwan, in the end iniwan parin niya ako." Sabi ko. Ewan ko ba, I felt betrayed by the guy who made me feel extra special.
BINABASA MO ANG
SPOILER • Kim Hanbin [FIN]
Short StoryWhen you think everything is already perfect but then problems rises up and drifted you apart. Is it just a coincidence or is it a spoiler of your The End? Are you going to stay or you'll walk away? What if there's a twist? Are you going to stay or...