TWENTY THREE

103 2 0
                                    

Edited

💖💖💖
5

months later.

Isa lang ang masasabi ko. Sobra sobra ang saya ko ngayon. At sobrang thankful din ako na unti unti nang bumabalik sa dati ang friendship namin ni Bobby. Umabot pa nga sa point na nagselos si Kief sa kanya.

Summer na at this is our first summer together. Tuwang tuwa pa nga sila mommy kina Jeron at sa mga kalokohan nila.

Himala nga't nakasama namin sila ngayon summer, usually kasi talaga Christmas at New Year lang kami nagkakasamang pamilya. I am surprised na kasama namin sila ngayon magbakasyon.

Pero pinayagan din naman nila kami na magkaroon ng sarili naming get-together. Kaya we decided na magroad trip to Ilocos. First time kong makakarating doon kaya wala sa akin kung mahaba yung byahe. Katabi ko naman si Kief e.

Hapon na nang dumating kami sa Pagudpod, same set up, sina Jeron ulit ang gumastos for the hotel. Seriously, gaano ba talaga kayaman tong sina Jeron? Mukhang sila ata ang may-ari ng mga sikat na hotels sa bawat kilalang beach dito sa Pilipinas.

At mukhang tama ang hinala ko noong binati siya ng isa sa mga staff doon. Nagkatinginan pa nga kami ni Shai noong tinawag siya nung mga staff doon ng 'young master'.

"Gaano ba kayaman sina Jeron?" I asked Kiefer noong kaming dalawa nalang ang naiwan.

"More than you imagine, baby." Nakangiti niyang sagot at hinatid na ako sa designated room ko kasama si Kiesh at Shai.

"I still can't believe na ganito kayaman sina Jeron." Manghang sabi ni Shai habang nililibot niya ng tingin ang buong kwarto. Mukhang isa ito sa mga VIP rooms dahil nakaharap ito sa dagat.

"Yeah, you're lucky with that guy." Natatawang sabi ni Kiesha habang nakahiga sa kama at kinakalikot ang phone niya.

Inirapan lang ni Shai si Kiesh. "Whatever you say Lee. Hinding hindi ko papatulan yung lalaking iyon. Sobrang lakas ng hangin to the point na akala ko may paparating nang bagyo." Napailing nalang kami ni Kiesha sa naging remarks ni Shai.

Pero hindi nakaligtas sa mata namin ni Kiesh ang maliit na ngiti sa mukha ni Shai. Kahit hindi naman niya sabihin, obvious na may something sila ni Jeron na ayaw nilang ipakita sa amin.

Ganyan din yung sinabi ko noon nung makilala ko si Kiefer eh, I will never allow myself na mahulog sa kanya, but tignan mo ang nangyari ngayon? Kami pa ang nagkatuluyan. That's how destiny play her games.

Later that night, inaya ako ni Kiefer na magstroll sa tabing dagat. Syempre excited ako dahil hindi naman namin to nagawa noong nasa CamSur kami. Those moments..

"Know what, I feel really lucky to have you walking beside me." Sabi ko habang inililibot ang tingin sa mga taong napapatingin sa amin. HHWW pa kami.

"Syempre, katabi mo ba naman ang isang gwapong Kim. Sino bang hindi mapapatingin." Nakangiti pa niyang sabi pero pinanliitan ko lang siya ng mata.

"Ikaw at ang kayabangan mo." Napapailing kong sabi at iniwan siya doon. Napatawa naman siya sa sinabi ko at hinabol ako.

"Okay, Ms. Lee. What should we do?" Sabi niya habang nililibot ng tingin ang buong lugar.

Maraming tao ang nakatambay ngayon sa labas, yung iba naman ay nagpaparty sa isa sa mga bars.

"Stargazing?" Sabi ko sabay turo sa mga stars sa kalangitan. Pareho pa kaming napa-wow sa ganda ng kalangitan ngayon. It looks so peaceful kasi.

Inilatag niya yung suot niyang jacket sa buhanginan at sabay kaming umupo. Nasa pagitan ako ng binti niya kaya nakasandal ako sa dibdib niya, habang siya naman ay nakayakap sa akin at nakapatong ang baba niya sa ulo ko.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon