TEN

148 4 0
                                    

EDITED

❇❤❇❤❇

Ang daming pumasok na what ifs sa isip ko dahil sa sinabi ni Jayden. Madaling araw na nga at hindi parin ako dinadapuan ng antok kaya napagdesisyunan kong lumabas nalang muna para magpahangin.

Halos matakot pa nga ako dahil ang dilim ng hallway, parang any time makakasalubong ako ng lumulutang or what. 

"Keira?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Kiefer na kalalabas lang din ng kwarto niya, mukhang di rin siya makatulog. "Can't sleep?" Tanong niya.
Tumango lang ako sa kanya at nauna nang maglakad, naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. I didn't mind him following me. Hindi ko naman siya masisisi dahil halos puro lalaking lasing ang nakakasalubong namin sa lobby. At karamihan pa sa kanila ay tumitingin sa akin. Nakakatakot din kaya.

Naramdaman ko ang pag-akbay niya kaya napatingin ako sa kanya. Halos maghurumentado naman ang puso ko dahil sa ginawa niya. Lord naman, I'm trying na wag magpahalata na nafall narin ako sa kanya so please please help me.  Parang wala lang sa kanya yung pag-akbay niya hanggang sa makarating kami sa shore habang ako naman ay halos himatayin na doon. Sorry na, malakas lang talaga ang epekto sakin ni Kiefer. 

"Ang dami mo sigurong iniisip." Sabi niya habang nakatingin siya sa madilim na dagat.

"Yeah, I think so too. Jayden really made me think." I honestly said. I felt him looking at me. "I felt like I really made the wrong decision." I smiled at him.

He was just looking at me at para bang binabasa niya ang iniisip ko. "Bakit tuwing napapatingin ako sa mga mata mo, puro nalang lungkot ang nakikita ko?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"I've never been happy. Tuwing masaya ako may kasunod agad na kalungkutan kaya I just choose to be like this." Sabi ko at niyakap ang tuhod ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang hangin na tumatama sa mukha ko. Naramdaman ko ulit ang comfortable silence between us. Yung kahit na hindi kami mag-usap, komportable parin ako.

"I really wanted to make you smile, hindi ko alam kung nararamdaman mo yon everytime we talk. I really wanted to see you smile, Keira." Sabi niya. "Why can't you just love me?" Bulong niya. Napalingon ako sa kanya at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinitigan ako sa aking mga mata.

Para akong sinaksak ng paulit ulit dahil sa tanong niya. Bakit nga ba hindi ako naging selfish ano? Bakit ba kasi iisang lalaki ang nagustuhan namin ni Kiesh? Hindi ko kayang masaktan ang kapatid ko dahil lang sa selfishness ko. Ayokong iyon pa ang dahilan kung bakit mag-aaway ulit kami.

I really wanted to love him. In fact, pinipigilan ko lang na mahulog ang loob ko sa kanya. Pero I can't, I just can't. "Kief, you know my sister likes you alot, and I think naiinlove narin siya sayo. Please be there when she falls, saluhin mo siya kapag nahulog na siya siya sayo. Alam mong hindi pwede, I have my reasons so I hope naiintindihan mo iyon." Sabi ko. "I can't afford to see my sister hurting, lalo na kung ako yung dahilan."

Unti-unti niyang binitawan ang mga kamay ko. I just crashed his last hope. "We're not even breaking up pero bakit kasing sakit ng break up tong nararamdaman ko?" Natatawa niyang sabi habang pinupunasan ang luhang lumandas sa mga mata niya.

"I'm sorry, Kief. I really do." Sabi ko at tumayo na para pumasok ulit ng kwarto. Gusto ko lang lumayo sa kanya at ilabas ang bigat na nararamdaman ko. Ang sakit lang na makita mong nasasaktan ang taong mahal mo.

"I know. But I won't stop loving you, Keira." Sabi niya at hindi ko na napigil pa ang pagtulo ng luha ko. Gustong gusto ko na nga siyang balikan doon at sabihin na mahal ko rin siya pero mas pinili ko parin na maging selfless, for my sister.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon