TWENTY FOUR

89 3 0
                                    

"Gianna Abigail Kwon, the only daughter of Dami Kwon, the niece of the famous Kwon Ji Yong. Their family owns the ever famous Be Fab fashion line. And she's the heiress of Kwon business empire." Shai, Kiesh and I stopped reading her personal info after realizing who Gianna really was. Never kong naimagine na ganun pala kayaman sina kuya Jiyong, napakaswerte naman ni ate Dara sa kanya.

"Gosh, didn't know she was the heir of that fashion line." Nakatulalang sabi ni Kiesh. "No wonder the boys like her a lot. Kitang kita naman sa kanila na they enjoy Gianna's company." Dagdag pa niya. Sabay sabay nalang kaming napabuntong hininga.

Wala kaming idea kung kailan ba sila nagkakila-kilala, pero mukhang sobrang tagal na talaga nila magkakakilala dahil yung mga ngiti at tuwa nila? Sobrang priceless, halatang namiss nila si Gianna.

After meeting Gianna kasi, iniwan kami ng iKON boys, akala namin may trip lang silang gagawin but we found out na nakikipaghang out sila kina Gianna at sa mga kaibigan nito.

Even my boyfriend, mukhang enjoy na enjoy makita ang 'long lost friend from New York' niya. Hindi ko maiwasan na hindi magselos, seryoso. Ngayon na nga lang kami nagkasama ng ganito tapos biglang ganito. Sinong hindi magseselos? Sinong hindi maiinis hindi ba?

"Pwede naman nila tayong isama but they choose to leave us." Nakatulala ring sabi ni Shai. She felt betrayed by her kalandian na si Jeron. They looked like a couple but actually they're not a couple, naikwento na sa amin ni Shai after ng mahaba-habang pilitan though medyo nahalata naman namin yon dahil naging reaksyon niya rin kanina.

Hindi naman kasi siya magrereact ng ganoon kung walang something sa kanila hindi ba?

"Let them enjoy their time." I said kahit naiinis na ako. Kiefer didn't even bother to text me kung anong nangyayari sa kanila. Tinignan lang ako nung dalawa at nagulat sila kung gaano ako kakalma ngayon.

"Seriously Kei, are you not even threatened?" Tanong ni Shai.

Napabuntong hininga nalang ako. "Of course I am. Malay ko ba kung gaano kaclose si Gianna sa boyfriend ko hindi ba?" I said while looking at my phone waiting for some message from the boys, pero wala talagang ni isa sa kanila ang nakaalalang kasama nila kami. Nakakainis lang, sana hindi nalang nila kami sinama kung ganito lang din.

Dumating ang second day at ganoon parin, parang hindi na talaga kami nageexist, konting konti nalang talaga uuwi nalang ako sa bahay kesa makita kong ganito ang boyfriend ko. Nakakairita.

Gianna really enjoyed the company of the iKON boys, akalain mong sumama pa sa amin sa whole trip namin at hindi man lang kami makapagmoment ng boyfriend ko dahil silang dalawa ang magkasama. Nakakahiya naman sa akin diba? Nakakahiya naman sa girlfriend. At eto namang si Kiefer, hindi rin makaramdam na naiinis na ako, buti pa nga sina Bobby nahalata nang hindi na natutuwa sina Kiesh sa nangyayari eh.

I was trying to keep calm, ayokong madala sa mga gustong mangyari ni Gianna, she obviously wanted me to lose my cool. Halata namang iniinis niya ako, tinitignan niya siguro kung hanggang saan ang pasensya ko. Pero syempre hindi ko hahayaan mangyari yon, tinuturuan ako nila mommy na magkaroon ng sobrang habang pasensya. Kaya hangga't maaari hindi talaga ako mapipikon sa ginagawa niya, kahit na konting konti nalang itatapon ko na siya sa dagat.

Umaakyat kami ng bundok ngayon, sabi kasi may isang magandang falls daw doon kaya nagkaayaan kami, kaso hindi nanaman ako nainform na solo flight pala ako at hindi ako ang kasama ng boyfriend ko.

"Ate, bagay kayong dalawa ni kuya." Napalingon ako sa little girl na nagsabi noon. She was talking about Gianna and Kiefer. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng selos. I swear konting konti nalang siguro iiyak na talaga ako.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon