TWENTY ONE

106 2 0
                                    

Edited

💖💖💖

"Oh my gosh. May PH concert ang Bigbang dito." Bulong ko habang binabasa ang news na pinost ng isang concert producer sa fb page nila.

Napatingin naman sa akin si Kief na busy sa pagkain ng burger niya. Inaya niya kasi akong tikman yung burger dun sa bagong bukas sa shop.

"Manonood ka?" Tanong niya. Napayuko nalang ako at umiling. "Bakit?"

"No budget. Saka baka di rin ako payagan ni kuya. Alam mo naman yon. Over protective." Sabi ko at napairap. Ilang beses na kasing hinarangan ni kuya yung pagattend ko ng concerts kahit pa kasama ko sina Shai at Kiesh.

Napangiti nalang bigla si Kief at hinatak ako palabas ng shop. Nalungkot tuloy ako bigla, hindi ko kasi naubos yung fries eh.

Napatigil ako sa paglalakad noong narealize ko na sa bilihan pala ng ticket kami pupunta. Medyo mahaba na ang pila dahil sa dami rin siguro ng fans ng Bigbang na naghihintay ng concert nila dito 3 years after ng Alive tour nila.

"Kief, wala akong pera. Uwi nalang tayo, maiinggit lang ako sa kanila eh." Bulong ko sa kanya pero parang wala naman siyang narinig at hinatak lang din niya ako sa pila.

Reservation palang pala ngayon pero dumagsa na ang tao. Halos napanganga ako noong nagpareserve ng ticket si Kief for five. Isasama raw niya si Hanna dahil fan daw ito ni G-Dragon, ang leader ng Bigbang.

Halos maiyak na nga ako noong nasa harapan na kami nung counter at nagfifill up si Kief ng forms. Binigay niya rin ang credit card niya at nakapamili na siya ng magandang pwesto. At eto pa, SVIP pa ang binili niya. Na malapit sa stage.

"Seryoso ka ba dito Kief?" Tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako at ngumiti lang siya.

"Gusto mo manood diba? Sasamahan na kita, panigurado din naman na manonood si Hanna eh. Saka wag ka nang mag-alala kay Keith. Ako na rin ang bahala sa kanya. All you need to do is to wait." Sobra naman akong natouch sa simpleng gesture na ito

Actually, isa sa mga goals ko pagnagkaroon ako ng boyfriend ang makasama siya sa concert ng gusto kong group, at ito nga. Si Kiefer ang tutupad noon.

Noong hinatid niya ako pauwi ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you Kief." Sabi ko at kiniss siya sa pisngi. Natawa pa ako sa naging reaction niya dahil halatang nagulantang siya.

*

Concert day.

Sobrang dami nang fans na naghihintay sa labas ng MOA arena. Marami ring mga Korean fans ang dumayo pa para manood ng MADE concert dito sa PH.

Maaga pa lang ay nasa labas na kami ng venue. Kitang kita ko ang excitement sa mga mata ng VIPs habang hinihintay nila ang oras ng concert. May kumakanta pa nga ng Haru haru at yung ibang fans naman ay nakikisabay din.

"Bigbang is seriously the best." Manghang sabi ni Hanna habang nakakapit din sa braso ni Kief. Kasama rin namin ngayon sina Shai at Kiesh na bumili lang panandali ng foods. Bawal daw kasi kumain sa loob ng venue.

Umagree naman ako syempre sa sinabi niya. Thanks to them naging fan talaga ako ng kpop eh. "I can't wait to see them." Bulong ko.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon