THIRTY

115 2 4
                                    

Hindi ko alam kung paano kami nakauwi. Nakalimutan ko na nga rin halos na kasama ko pala si One dito. Buti nalang pala at kasama ko siyang bumalik, sabi sa akin ni Kiesha nakatanggap pa raw si Kiefer ng suntok doon sa tatlo. Gusto ko pa nga sana siyang kamustahin kaso naalala kong break na nga pala kami.

Hindi ko naman pinagsisihan ang pagbalik ko sa Pinas since sinubukan talaga ng iKON, except doon sa lalaking iyon, ang lahat para mapangiti ulit ako. Palagi din kaming lumalabas nina Shai at Kiesh kapag nakikita nila akong nalulungkot. Lagi rin akong kinukwentuhan ni One ng kung anu-ano pagkami lang magkasama.

Basically, lahat sila sinubukan talaga nilang mapasaya ako ulit. At masasabi kong okay naman dahil kahit papaano ay gumaang ang loob ko.

At si Kiefer? Simula noong araw na iyon ay hindi ko na siya ulit nakita. I think, this is really the 'the end' sa storya naming dalawa.

What happened sa aming tatlo nina Gianna ay parang isang spoiler para makita namin ang ending ng relasyon naming dalawa. And I guess, this is really our 'the end'.

"Aalis ka na ba talaga?" Malungkot na tanong ni Shai sa akin. Nasa airport na kami ngayon at babalik na kami ulit ni One sa Korea.

"Kailangan, Shai. For a better me." Pagbibiro ko, pero hindi siya natawa. Bagkus ay umiyak siya habang nakayakap siya sa akin.

"Sht ka bes, iiwan mo pa kami ni Kiesh dito. Promise natin noon na sabay sabay tayong gagraduate eh." Naalala ko bigla noong first year college kami, bago kami pumasok sa YGU noon, pinromise namin sa isa't-isa na sabay sabay kaming gagraduate dito sa school na pinangarap naming tatlo.

Nakakalungkot lang na hindi ako kasama sa pagtupad noong pangakong iyon dahil sa gusto ni halmeoni at dahil rin sa nangyari sa amin ni Kiefer. "Promise ko naman na babalik ako, Shai. Babalik parin ako dito. Kahit anong mangyari, babalik ako. Pero ngayon mas okay siguro na lumayo muna ako. Since sariwa parin ang lahat sa akin. Masakit parin." Tumango lang siya sa akin at humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya. "Ugly mo na bes." Pinalo lang niya ang balikat ko at pinunasan niya ang pisngi niyang basang basa dahil sa pag-iyak.

Niyakap ko silang lahat, kasama din kasi ang iKON, except sa kanya, sa paghatid sa amin ni One. Naging close narin siya sa iKON kahit sa maiksing panahon lang.

Nakipagbro hug pa siya kina Bobby bago kami pumasok sa loob ng airport. "Pre, alagaan mo yan ha! Pag-umiyak patawanin mo agad." Bilin ni Chanlee. Tumango lang si One at nag-okay sign pa.

I bid them a goodbye bago kami pumasok ng entrance ng airport. Muli ko silang nilingon bago ako tuluyang makapasok. This is it, new life here I come.

*

Hindi rin pala masama ang naging desisyon kong sa Korea mag-aral dahil I'm actually enjoying it. Although medyo nahihirapan ako sa hangeul, keri lang nandyan naman si One para tulungan ako. At syempre tinutulungan din niya akong makamove-on. Mahirap sa una pero kinakaya ko naman.

Two years narin halos ang lumipas since that day, at aaminin kong minsan ay umiiyak parin ako tuwing naaalala ko iyon. Masakit parin, hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan iyon.

"Oh ice cream, siya nanaman naalala mo ano?" Napatingin ako kay One na may hawak na ice cream. Alam na niya halos ang mga gusto at ayaw ko. Naalala ko tuloy sa kanya si Bobby, para ko siyang kuya.

Nakatambay kami ngayon sa may Han River, same place kung saan kami unang nagkwentuhan. Naging hang out place namin to at natutuwa talaga ako na he's making the effort para mapangiti ako ulit.

"Sinong nagsabi sayong iniisip ko nanaman siya?" Walang emosyon kong sabi pero ginulo niya lang ang buhok ko. Kilalang kilala na niya talaga ako.

"Wag mo kong pagtripan Keira." Sabi niya habang napapailing. Natawa lang ako sa kanya at muling ibinalik ang atensyon ko sa view na nasa harapan ko.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon