THIRTEEN

129 4 0
                                    

EDITED

💕💕💕

Weeks have passed and we can't do anything but to accept the fact that we must go to school already. Back to reality kumbaga.

"You ready to see them again?" Tanong ni Bobby sa akin at tumango lang ako sa kanya.

Pagkapasok namin ng classroom ay agad kaming sinalubong ng mga tingin at bulong ng mga estudyante. Kiefer and Kiesha were looking at us din. I wanted to avoid them as much as possible. Ayoko rin naman kasi magcause ng kahit anong misunderstanding.

Hindi ko alam kung nakakaramdam na ba si Kiesha dahil sa pag-iwas ko sa kanila. Weeks narin kasi simula noong huli kaming mag-usap. When she was home with Kief kasi I choose to either stay at my room or go on a road trip with Bobby.

Nginitian ko lang ang kapatid ko nilagpasan sila.

"I'm expecting a cat fight, Kei." Natatawang sabi ni Shai. Well, Shai was actually in the middle of us kahit ako ang madalas na kasama niya. She chose me talaga over Kiesha.

"Shut up, you're not helping." Bulong ko sa kanya at natawa lang siya.

I was anxious buong klase, madalas kasing nahuhuli kong nakatingin sa akin si Kiefer. I'm not even hallucinating or something dahil nakikita rin ito ni Shai dahil napapansin ko ang pag-irap nito.

"I can't understand Kiefer Kim's fucked up mind." Napapailing na sabi ni Shai after ng class namin. Kaming dalawa lang ang magkasama dahil may lalakarin pa raw sina Bobby at Darren. "He already has Kiesha pero he still keeps on looking at you. Seriously, is he playing with the both of you?" I side eyed her. I don't want to think of anything na may kinalaman kay Kief at Kiesh. I've been already hurt e. Atsaka as I said, ayoko narin ng gulo.

"Stop talking about him, Shai or else iiwanan kitang mag-isa dito." I used my warning tone to her kaya napatigil din siya sa pagsasabi ng kung anu-ano.

Ilang beses namin silang nakakasalubong ni Shai, syempre iisa lang naman ang school namin at malamang sa malamang talaga ay magkakasalubong kami.

I can see the longingness in his eyes. I'm 100% sure about that. Mga tingin palang niya kasi sa akin obvious na may gusto siyang sabihin pero he can't cause he is with Kiesh atsaka I know he loves Kiesh kaya kahit na ganun, I'm still giving him my 100% trust sa pag-aalaga sa kapatid ko.

My sister's feelings is one my of my priorities in life. I don't want to see her crying kahit na alam kong darating din ang panahong masasaktan at masasaktan siya.

"Pero Kei, have you ever wondered kung paano naging sila? I mean, the day before that he clearly said na he will still love you pero after ng ilang days naging sila." Ilang beses ko narin naisip iyon. I sometimes wondered if he's only playing with my feelings.

Pero the way he looked at me that night, I can really feel his sincerity with every words he said. Kaya nga umasa rin ako eh. And here I am, hurt as fuck.

But then his words were the cause of my heartaches.

"Cut it out, Shai. Ayoko nang pag-usapan iyon." Sabi ko at sinara na ang locker ko. I sighed when I realize that kahit na tinutulungan ako ni Bobby na kalimutan siya, there is still a part of me na ayaw parin bumitaw kay Kief.

Natatakot tuloy ako na dumating ang araw na masasaktan ko si Bobby. I know that day would eventually come. Pero as much as possible talaga, ayokong dumating ang araw na kailangan kong mamili.

"Hey there. Lunch? Shai?" Speaking of. Tumango lang kaming dalawa at sabay sabay kaming naglakad papuntang cafeteria. As usual, everyone's attention were on us.

Lalo na noong sa table din namin umupo ang buong iKON with my sister. Hindi ko tuloy alam kung paano ko lalagukin ang pagkain ko.

"Hi Keira!" Nakangiting bati sa akin ni Jeron. Ngitian ko lang siya at itinuloy ang pagkain ko. Hindi ko narin binigyang pansin ang mga tingin na binibigay ng magboyfriend.

Halos mabilaukan naman ako dahil sa pagtitig sa akin ni Kiefer, mukhang napansin naman ni Bobby ang pagkauncomfortable ko kaya inakbayan niya ako at tinap ang balikat ko na parang sinasabi na wag akong magpaapekto sa lalaking iyon.

"Yung totoo pre, kayo na ba ni Kiesh?" Napaubo naman ako sa naging tanong ni Jayden kaya agad akong inabutan ng tubig ni Bobby.

"No." Nakangiting sagot ni Bobby. "But I'm willing to wait." Narinig ko naman ang pag-impit ni Shai at pag-aray ni Darren. Mukhang si Darren ang kawawang biktima ni Shai ng hampas.

Nginitian ko lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Not minding the dagger looks na binabato sa akin ng mga fangirls ni Bobby at ni Kiefer na katabi ang girlfriend niya.

"Kayo ba Kief, kamusta na kayo ni Kiesh?" Nang-iintrigang tanong ni Yael. Napatingin ako sa kanilang dalawa na nakangiti lang.

"Okay naman." Simpleng sagot ni Kiesha. Sa mukha niya ngayon, halatang may problema sila. Alam mo yun, hindi na sila kasing sweet katulad ng dati.

Mukhang narealize din nila Yael na may silent war sa pagitan nila ni Kiefer kaya hindi na ulit nagsalita si Yael. Mukhang lagot nanaman siya kay Kief or kay Jayden mamaya.

Wala nang kumibo pa ulit sa amin hanggang sa mag-uwian na. Hinatid ako nina Bobby at Darren sa amin kahit na I insist na magcommute nalang ako pauwi. Nakakahiya narin naman kasi sa kanilang dalawa na lagi akong sumasabit sa kanila.

Pagkarating ko ng bahay, nagulat ako na nauna pang umuwi sa akin si Kiesha na nakaupo sa sala namin at halatang hinihintay ako. Usually kasi ako talaga ang nauunang umuwi dahil lagi silang may date ni Kiefer, pero ngayon mukhang wala.
Bakas sa mga mata niya ang pagod. Napaisip tuloy ako kung bakit.

"Kei." Tawag niya sa akin kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan na nasa harap niya. "Do you like Kiefer?"

I was taken aback by her sudden question. "Bakit mo naman natanong yan?"

"Obvious naman. I'm your sister." Sabi niya. Halatang pinipigilang lumabas ang galit na namumuo sa kanya.

I remained calm. Ayaw kong ako yung magtrigger para lumabas yung galit niya. Pero mukhang ako naman talaga ang magtitrigger nun dahil sa tingin palang niya pwede na akong paglamayan. "Yes, I like him pero ikaw ang mahal niya. Matagal na akong sumuko, Kiesh." I honestly answered. There's no point of hiding rin naman.

Mukhang nagulat naman siya base sa expression niya. "Why didn't you tell me?" Bulong niya.

"I chose not to." Sagot ko at akmang aalis na pero isang malakas na sampal ang nagpahinto sa akin sa pag-alis.

Halos manlaki ang mata ko dahil sa sampal na iyon. Hinawakan ko ang pisngi kong sinampal niya. "Why?" Gulat kong tanong sa kanya.

"You're silently taking away Kiefer from me. Alam mo ba yon ha?!" Sigaw niya. Hindi ito ang unang beses na nag-away kaming dalawa but hindi ito umabot sa puntong magkakasakitan na kami. This is actually the first time na nasampal niya ako.

"Do you think it's my fault na unti unti siyang nawawala sayo, Kiesh?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya makasagot sa naging tanong ko. She just stood there for a minute at halata parin ang galit sa kanya.

Unti unting lumandas ang luha sa pisngi naming dalawa. "Alam mo ba kung gano kahirap para sa akin na makita kayong masaya?" Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. I stared at her.

She was silently crying dahil sa mga nabitiwan kong salita. "I chose not to tell you dahil alam kong gusto mo si Kiefer at ayokong makita kang nasasaktan ka. Pwede ko naman pairalin ang pagkaselfish ko, Kiesh. Pero mas pinili ko ang kasiyahan mo. Mas pinili kong masaktan para lang sumaya ka. Then now sasabihin mo sa akin yan?" Punong puno ng hinanakit ang bawat salitang binibitiwan ko.

I was hurt, pero mas masakit pa palang manggaling sa mismong taong mahalaga sa iyo ang mga ganoong salita. "I wish marealize mo kung gaano kadaming sacrifices na ang nagawa ko for you, Kiesh." I said at iniwan siya doon na umiiyak.

*

[A/N: I'm sorry for a very sabaw na update. I'll try my best next chapter. :) don't forget to vote. (≧▽≦)]

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon