Sobrang kabang kaba ako habang hinahanap ko si Kiefer. Halos nalibot ko na kasi ang buong resort pero hindi ko parin siya mahanap. Nakasalubong ko pa nga ang mga kaibigan namin at inaaya akong mag-bar pero hindi ako sumama dahil may usapan kami ni Kiefer.
Nakalimutan nanaman ba niya?
Bumalik nalang ako ng kwarto at humiga, nawalan ako ng ganang gumala at lumabas. I feel so disappointed with Kiefer. I just hope na hindi tama ang hinala kong magkasama sila ni Gianna, dahil kung hindi maghahalo ang balat sa tinalupan. Bumabalik nanaman tuloy yung inis ko sa kanilang dalawa.
Napalingon ako sa pintuan noong pumasok doon sina Bobby at Kiesha na mayroong pag-aalala sa mga mata. Kasabay ng pagyakap nila ay siyang pagbagsak ng luha kong kanina ko pa pinipigilan. Akala ko kasi okay na, saglit nanaman pala ang kasiyahan mararamdaman ko.
"Everything will be alright, Keira." Sabi ni Bobby habang hinahagod ang likod ko. "Don't worry, I will punch him kapag nakita ko siya." Humawalay siya sa pagkakayakap at nginitian ako.
"Keira, kuya Keith just called at pinapauwi na tayo. Halmeoni wanted to see us." Halos manigas ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ni Kiesh.
Si Halmeoni, nasa Pilipinas na siya at imposibleng hindi niya pa alam ang relasyon namin ni Kiefer.
Tinignan ko siya sa mga mata niya at malungkot na tumango lang siya sa akin. "Si Bobby ang magdadrive sa atin pauwi. Pinauuwi narin sila ni Darren eh." Tumango lang ako sa kanya at inayos na ang mga gamit ko. Bahala na, bakit ko pa hahanapin ang isang taong ayaw naman magpahanap diba?
Aalis nalang ako sa lugar na ito na hindi man lang kami makakapag-usap ni Kiefer dahil hindi ko alam kung saang lupalop siya ng resort pumunta.
Nagtataka ang iba naming kaibigan sa biglaan naming pag-uwi ni Kiesha. Sila nalang ni Bobby ang napaliwanag at wala rin naman silang ibang choice kundi ang pumayag, wala rin naman kasi silang palag kay halmeoni eh.
Wala akong imik buong byahe, hindi narin naman nagsalita pa sina Kiesh at Bobby. Nakatingin lang ako sa labas habang kinakapa ang singsing na nasa daliri ko. Hinahanap kaya ako ni Kiefer ngayon? Or nag-aalala man lang ba siya na wala ako sa resort?
Pagdating namin sa bahay ay naabutan na naming nandoon si halmeoni na mukhang hinihintay ang pagdating namin. Nasa 70's na si halmeoni pero hindi halata ang edad niya sa lakas ng pangangatawan niya hanggang ngayon. Nasa kanya parin ang authority ng pamilya namin kaya naman halo halo na ang nararamdaman ko ngayon. Kaba. Takot. Frustrations.
Parang ilang sandali nalang sasabog na iyon.
At ngayong nandito na si halmeoni, paniguradong nakarating na sa kanya ang balita tungkol sa amin ni Kiefer.
Sa totoo lang wala talaga kaming idea kung anong nangyari dati at ganito nalang ang galit ni halmeoni sa mga Kims.
"Halmeoni." Bati namin sa kanya at niyakap siya. Sa totoo lang, natatakot talaga akong lumapit sa kanya. Natatakot ako sa pwede niyang maging desisyon, katulad nga ng sinabi ko nasa kanya ang authority ng pamilya. Kahit ayaw namin ay kailangan naming sumunod dahil iyon ang gusto niya.
Nginitian niya lang kami at nauna na siyang pumasok ng bahay. "We need to talk." Nagkatinginan lang kami ni Kiesha at tahimik na sumunod kay halmeoni. Panigurado kinakabahan din si Kiesh ngayon. Sino ba namang hindi.
Nasa loob din ng library sina mommy at daddy, maging sina ate Chaerin at kuya Keith ay nandoon. Mukhang kami na nga lang talaga ni Kiesha ang hinihintay.
Nababalot ng isang nakakasuffocate na katahimikan ang library. Sinubukan ko pang itago kay halmeoni ang singsing na suot ko pero mukhang huli na ang lahat dahil mukhang nakita na niya iyon.
BINABASA MO ANG
SPOILER • Kim Hanbin [FIN]
Short StoryWhen you think everything is already perfect but then problems rises up and drifted you apart. Is it just a coincidence or is it a spoiler of your The End? Are you going to stay or you'll walk away? What if there's a twist? Are you going to stay or...