TWENTY

126 3 0
                                    

Edited
💖💖💖

Tahimik parin kaming lahat hanggang sa binasag ni Hanna, na kapatid nila Kiefer, ang katahimikan.

"Ya! Kuya Jayden! Kuya Yael! Bakit suot niyo ang damit ko?!" Napatingin naman kaming lahat sa suot na damit nung dalawa at napatingin kay Hanna na nakacrossed arms na.

"Ah... eh...." napakamot nalang sa batok si Jayden at hinatak na palabas si Yael.

Naiwan kami doon... na awkward talaga. Ako nakatingin kina Darren at Bobby na naglalaro ng video games at si Kiefer na mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

Alam kong pati siya ay naaakwardan na, sino ba naman ang hindi diba? Nasa iisang kwarto kami, feeling ko nga pati si Kiesh naaakwardan na kasi tumayo siya at lumapit sa pwesto nina Bobby.

"Ehem. Bobby tara sa labas, mag-uusap tayo." Sabi ni Kiesha at hinatak palabas si Bobby. Pinanood lang namin sila na lumabas ng kwarto saka kami napahinga ng maluwag.

"Ang intense." Wala sa sariling sabi ni Jeron. "Seriously, what happened to Bobby hyung?"

Napabuntong hininga nalang ako. He told me na magiging masaya siya. Pero bakit ganito? Anong nangyari sa kanya? Galit ba siya?

"Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Kiefer sa akin. Tumango lang ako sa kanya at muling napatingin sa pintong nilabasan nina Kiesha at Bobby.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang siya makitungo sa amin ngayon. He changed. At nakakalungkot makitang nagkakaganun siya.

Nasasaktan ako na nagkakaganun siya nang dahil sa akin.

Days have passed at pasukan nanaman. Nakakatamad man isipin pero iyon ang realidad eh.

"KEIRA LEE! GISING NA! NANDYAN NA YUNG SUNDO MO!" Sigaw ni Kiesha. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa kwarto ko, pero ang annoying niya. Gusto kong pasakan ng something yung bibig niya para matigil ang bibig niya.

"Shut up Kiesh." Sabi ko at nagtalukbong pa ng kumot. Ayokong bumangon, ayoko nang pumasok.

Muling natahimik ang kwarto ko, siguro umalis na si Kiesh. Lalalim na ulit sana ang tulog ko noong naramdaman kong parang may umupo pa sa kama ko. Grabe naman tong si Kiesha. Sarap tanggalan ng kilay.

"Baby, gising na." Hanggang sa panaginip ko ba naman ay naririnig ko parin si Kiefer?

Naramdaman ko pang may parang kumikiliti pa sa may ilong ko kaya hinampas ko siya ng unan. "Ouch!" Napadilat ako noong narealize kong parang hindi ata ako nanaginip. Sinilip ko pa kung tama ba talaga ang naiisip ko.

At hindi nga ako nananaginip dahil nandito nga sa loob ng kwarto ko si Kiefer. Na hawak hawak ang mukha niyang tinamaan ng unan ko. "Aish! Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kanya. Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang kumot ko.

Shit, hindi pa ako nakakapagsipilyo or nakakapagsuklay man lang! Nakakahiya naman kay Kiefer Kim na makitang nasa ganitong state ang girlfriend niya. Wow ha, Keira, girlfriend agad eh hindi mo pa nga siya sinasagot. Ilusyunada.

"I'm here to fetch you. First day of classes ngayon at willing akong maging driver mo." Sabi niya sabay smirk. So wala talaga akong takas sa kanya.

Agad ko siyang tinulak palabas ng kwarto ko. Remind me to kill Kiesha later pagnakita ko siya. Alam kong siya ang may pakana nito.

Siguro nasa fifteen minutes lang ako naligo at mga five minutes para makapag-apply ng mga nilalagay ko sa mukha. Simpleng crop top at pants lang ang suot ko at ready to go na.

Naabutan kong nakikipagkwentuhan si Kiefer kay Keith na himalang hindi pa umaalis. "Oh, nandyan na pala si Keira eh. Tara na." Nakangiti pang sabi ng walanghiya kong kapatid.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon