LAST CHAPTER

147 3 0
                                    

Kiefer Kim

Sabi nila, kung mahal mo dapat ipaglaban mo hanggang dulo, sabi nila dapat hindi ko hinayaang humantong sa ganito, sabi nila hindi ko na dapat pa pinabayaan na makaalis siya, hindi ko dapat pinabayaan na makaalis siya ng wala man lang kaming usapang nagawa, dapat daw sinasagot ko padin ang mga tawag nya, nagrereply... kaso hindi ko kaya, kasi alam ko naman na walang patutunguhan, na wala ring mararating, na sa dulo wala padin talaga.

Tama nga ba ang naging desisyon ko? Para naman sa ikabubuti naming siguro pareho yun, tama nga naman siguro... Pero pano kung mali? Pano kung dapat pala pinaglaban namin, pano kung kaya naman naming ipagpatuloy? Hindi ko alam. Basta, susundin ko nalang kung anong mas makakabuti samin, sa aming dalawa, kasi mahal na mahal ko sya.

Ako si Kiefer Andrei Kim, galing sa kilalang pamilya, mayaman, gwapo, pinagaagawan, gago, babaero, walang gusto sa buhay... pero nagbago lahat nang dumating sa buhay ko si Keira Andrea Lee.

Si Keira, magulo ang naging kwento naming dalawa, sabi nga ng iba ang storya namin parang pangwattpad dahil sobrang fucked up, napakagulo, parang teleserye. Totoo naman, dahil kasi, gago ako. Nakilala ko si Keira sa isang bookstore, and me, being an asshole, kahit na gandang ganda ako sa kanya, I, the stupid jerk, pissed her off instead.

Actually, I've known Keira a long time ago, dahil kay Keith, kuya ni Keira, nung nagkakasama kami sa Korea, and habang kinukwento ni Keith samin yung mga qualities ni Keira, I really felt the interest, para akong nainlove sa isang book character, dahil kahit di ko naman siya nakikita, and di ko siya kilala, but nung kinwento sakin yung characterisitics nya, I felt that I fell in love with her.

Sa kagustuhan kong mas makilala pa si Keira, kahit na labag sa loob ng kuya niya, ay gumawa ako ng dummy account, inadd ko siya, and iniistalk ko siya, almost every day, I know it's creepy, but whatever.

Hindi lang characteristics ang nakakainlove sa kanya, pati yung looks nya... After some time me and my friends decided to transfer back to YGU, dahil sa kagustuhan kong makita si Keira Andrea Lee. A day before kami bumalik ng school, I was stalking Keira on her SNS using my fake account at nabasa kong inis na inis siya dahil her sister dragged her to the mall, so ako naman dahil wala din namang mawawala sakin, I went to the mall, hoping na makikita ko siya, and ayun nga, I saw her at the book store, and as I told earlier, I fucking pissed her off. Nung nakauwi na ako, kilig na kilig ako at paulit ulit na nagpplay sa utak ko yung boses nya. Yung cold na "Bitaw" na pagkakasabi nya. Tuluyan na nga akong nabaliw nang dahil kay Keira.

First day ng pagbabalik ng mga gwapo sa YGU, same old environment, ganun padin, tinitilian padin kaming iKON, wala na bang bago? Nakakasawa na din palang maging gwapo. Ang hirap pero ayun, pumasok kami and dumeretso sa cafeteria, all the girls were screaming at us, except for a group na patuloy lang sa pagkain.  Pero mukhang nagkukwetuhan sila and yung dalawa ay nakatingin na samin, but that one girl siya lang talaga ang nakatalikod padin at mukhang walang pakielam sa pagdating namin.

Dumerecho lang kami sa isang table at kumain na din, wala na ding masyadong tao nun sa cafeteria dahil malapit na ding magtime nang biglang may isang babaeng lumapit sa table namin, isang anghel, ang ganda ganda nya, and then narealize ko, it was fucking Keira Andrea Lee, yung babaeng nainis ko na imbis na magpaimpress ako, she was pissed af.

"Remember me" I gave her a smile dahil kinakabahan ako, ang bilis ng tibok ng puso ko, and hindi ko alam ang sasabihin ko, mukha akong tuod habang nakatitig sakanya, so I handed her the book and left, at sumunod na ang iKON sa akin. Iniwan ko siya doon at hindi ko matago ang ngiting rumehistro sa mukha ko.

"PRE KILIG NA KILIG AKO!" sabi ko sa mga kaibigan ko, pero ang mga gago tinawanan lang ako. Ang bakla ko raw, pero hindi kasi sila ang nakakaranas ng kilig na nararamdaman ko ngayon.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon