NINE

148 3 0
                                    

EDITED

❇❤❇❤❇

Sembreak na at gaya ng sinabi ko kay Bobby, I'm staying in my room at maghapon na nagbabasa at nakahilata lang sa kama ko.

Ilang beses na akong kinatok ni Kiesh at Kieth para sumama sa mga gala nila pero I rather stay in my room nalang talaga. Tamad na tamad ako kumilos dahil jusko gusto ko lang masulit ang mga araw na makakahiga pa ako ng matino sa kama ko.

"Kei! Come on na kasi! Kasama naman si Shai at iKON!" Pangungulit ni Kiesh sa akin. Gusto niya kasi na sumama ako sa trip nila today. Eh kaso mas gusto ko talagang magstay sa bahay at matulog nalang.

Although I love travelling, may times na mas gusto kong taong bahay nalang ako. I don't know, maybe it runs in the blood. Si Daddy daw kasi ganun eh. He loves travelling pero he stays at home at times.

"Kayo nalang. Masaya naman akong kapiling ang kama ko." Sabi ko sa kanya while reading. Agad naman niyang inagaw yung binabasa kong libro at nagcrossed arms.

"Blah, blah. You'll come with us you like it or not." Sabi niya na para bang last decision na yun at wala na akong magagawa pa. "Your things are already ready na kaya wala ka nang magagawa pa." Nakasmirk niyang sabi at lumabas na ng kwarto ko.

Napairap nalang ako sa sinabi niya. Why bother asking me kung wala narin pala akong choice kundi ang sumama sa kanila. I lazily stood up at pumunta ng cr. Aalis narin daw kasi kami in two hours.

Two freaking hours, ganoon sila kaexcited. Ang alam ko lang road trip daw 'to. Kaya kailangan naming umalis ng gabi para bukas daw ng umaga nandoon na kami sa pupuntahan namin.

At exactly 6 pm ay dumating na ang iKON at si Shai sa bahay namin. Nakaready narin lahat ng gamit nila at G na G narin silang lumaraga.

Tamad na tamad naman akong lumabas ng bahay at sumakay sa van na pagmamay-ari nina Jeron. Siya daw ang in charge sa sasakyan, pero hindi siya ang magdadrive dahil may kasama kaming driver. Tinatamad daw kasi silang magdrive dahil malayo.

Malaki naman yung van kaya kasya kaming lahat. Napapagitnaan ako ng magkapatid na Bobby at Darren. Si Shai naman ay napapagitnaan ng magkapatid na Chanlee at Yael. Magkatabi naman sa likuran nila si Kiesh at Kiefer at nasa pagitan naman nina Jeron at Jayden si Hanna na kapatid ni Kiefer at Jayden.

Ayaw nga sanang patabihin ni Kief si Hanna sa kanilang dalawa kahit na katabi naman nito si Jayden pero mapilit si Jeron kaya wala rin siyang nagawa.

Kaya puro rant talaga ang naririnig ko lalo na kapag dumadamoves si Jeron kay Hanna. I swear, muntik na patalsikin ni Kiefer si Jeron palabas ng van.

Dinadaldal naman nila ako kaya hindi ako masyadong nabored sa byahe. I wanted to sleep sana kaso sobrang daldal nila at parang mga hindi nauubusan ng energy.

"I heard Keira loves to sing." Anunsyo ni Jeron. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang goofy smile sa mukha niya. How did he know? Tinignan ko si Shai at Kiesh pero nagkibit balikat lang silang dalawa. Sino naman kayang hudas ang nagsabi nun sa kanya?

"She should sing a song for us!" Excited na sabi ni Yael while looking at me.

Tahimik lang na nakikinig si Bobby sa pang-aasar sa akin ng mga kaibigan niya. Hindi nila ako tinitigilan kaya no choice ako kundi kumanta.

"There's something about the way that you smile, something about the way you hold me. I'm falling babe, I'm falling for you, falling crazy in love.

Something about the feeling inside, I can't forget the day you told me, I'm falling babe, I'm falling for you, falling crazy in love."

Natahimik ang buong kotse dahil sa kinanta ko. Natulala sila dahil first time talaga nila ako narinig kumanta. At yung kinanta ko? One of my favorite song of Jessica Jung.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon