EDITED
❇❤❇❤❇
I have realized something, at yung realization na iyon ang nagpasisi sa akin sa ginawa ko.
Halos two weeks narin nga kaming hindi nag-uusap ni Kiesh. At nabalitaan ko nalang na totoong nililigawan na talaga siya ni Kiefer.
Wala naman din akong magagawa, ginusto ko to. Ako yung nagtulak sa kanya palayo.
"You alright?" Tanong ni Bobby sa akin noong umupo ako sa pwesto namin. Tinanguan ko lang siya at dumukdok sa mesa ko.
Actually I feel so shit right now, sobrang bigat ng pakiramdam ko at any time ay parang babagsak na ang katawan ko. Wala kasi si Kuya Keith sa bahay tapos di naman kami nag-uusap ni Kiesh. Lumipat din kasi siya sa kwarto ni ate Chae kaya mag-isa ako sa kwarto namin ni Kiesh.
"Are you sure na okay ka lang?" Bakas sa boses ni Bobby ang pag-aalala. Tinanguan ko lang siya habang nakadukdok parin ang ulo ko sa mesa. Sobrang sakit kasi, parang binibiyak na ewan.
Parang isang normal na araw lang ang lumipas pero dahil masama ang pakiramdam ko, masama rin ang mood ko buong araw. Si Bobby laging tinatanong kung okay lang ako talaga. He even insisted na samahan ako sa clinic pero tumanggi ako. Kaya ko pa naman eh.
"Ang tigas talaga ng ulo mo Kei. Sabi naman sayo wag ka na pumasok e." Inis na inis na sabi ni Shai habang inaalalayan niya ako papuntang classroom namin.
"Alam mo namang ayoko sa lahat yung umaabsent diba? Kahit pa mamamatay na ako ngayon, papasok parin ako." Sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya at inupo ako sa pwesto ko.
Maya maya pa ay dumating na ang iKON kasama si Kiesh. Ni hindi man lang lumingon sa pwesto ko ang mabait kong kapatid, di ko nga alam kung alam niyang may sakit ako ngayon e.
"Oh, chocolates, baka sakaling makatulong sayo." Sabi ni Bobby at iniabot sa akin ang isang Hershey's na chocolate. Nginitian ko lang siya at inumpisahan nang kainin yung chocolate.
"Thankyou pala dito." Sabi ko sa kanya at binigyan siya ng isang tipid ngiti.
"No prob. You know you can count on me anytime." Sabi niya at kinindatan pa ako. Inirapan ko nalang siya pinagpatuloy ang pagkain ng chocolate na bigay niya.
Uwian na at mag-isa akong naglalakad noong nakaramdam nanaman ako ng matinding pagkahilo. Nasa gitna ako ng hall at malay ko kung may tao pa nang ganitong oras dito.
Tinry kong kumapit sa railings pero feeling ko talaga anytime ay babagsak na ako. I tried reaching out my phone pero parang pati kamay ko ay nanghihina na din.
At parang in a snap, nagblack out na ang paligid.
Nagising nalang ako na nasa isang kwarto na ako ng hospital. Sinubukan kong tumayo pero ang tindi parin ng hilo ko.
Sinubukan ko ring alalahinin kung paano ako nakarating dito sa hospital. Ang huling naalala ko lang ay yung nahilo ako ng bongga sa gitna ng hall.
Walang tao nun, sino kaya ang nagdala sa akin dito sa hospital? Impossible namang si Shai dahil mas nauna siyang unuwi kaysa sa akin dahil may pupuntahan pa siya, si Kiesh naman galit parin sa akin at lalong lalo naman si Kiefer na sobrang impossible talaga. Impossible din si kuya Keith dahil nasa kabilang ibayo pa siya ng YGU. Lalo lang sumakit ang ulo ko kakaisip kung sino ang nagdala sa akin dito.
Nagbalik lang ako sa reality noong narinig kong magbukas yung pinto ng kwarto. Napatingin ako sa mga bagong dating. Bakas sa mukha nila na nag-aalala talaga sila sa akin. "Bobby, Darren" mahina kong bulong.
Lumapit naman agad sa akin yung dalawa. "Okay ka lang ba? May masakit ba?" Nag-aalalang tanong ni Bobby.
Umiling lang ako sa kanya at ngumiti. "Okay na ako, medyo nahihilo lang." Tumango naman sila sa akin at mukhang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ko. "Sino nga palang nagdala sa akin dito?" Tanong ko.
Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot. "Ako." Sabi ni Bobby. Mukhang nagulat naman si Darren sa sinabi ni Bobby pero agad naman niyang nabawi ang pagkagulat niya.
"Salamat. Nakakahiya naman, nakaabala pa ako." Sabi ko at muling bumalik sa pagkakahiga. Nararamdaman ko parin kasi ang matinding hilo parang literal na umiikot ang mundo ko.
Nabasag lang ang matinding katahimikan noong bumukas ang pinto at iniluwa doon ang dalawa kong kapatid at si Kiefer. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala, si Kiesh naman ay halos mangiyak ngiyak na lumapit sa akin at niyakap ako.
"Kei naman! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na masama pala ang pakiramdam mo?" Naiiyak niyang sabi habang nakayakap sa akin.
"Wag ka munang umiyak, buhay pa ako." Natatawa kong sabi habang yakap parin siya. "Nilagnat lang ako, wala pa ako sa bingit ng kamatayan." Sabi ko at naramdaman ko naman ang malakas na hampas niya sa likod ko. "Aray ko naman. Ikaw pa ata ang papatay sa akin." Napapailing kong sabi at humiwalay na sa pagkakayakap niya.
"Nakakainis ka alam mo yon? Pinag-alala mo ako eh." Sabi ni Kiesh habang patuloy parin ang pagtulo ng luha niya.
Kilala ko siya, I'm sure sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Iniisip niyan ngayon na kasalanan niya kung bakit nahospital ako, iniisip niya na siya ang dahilan. "Wag mong sisisihin ang sarili mo dahil lang sa nahospital ako. Hindi naman ako naaksidente or what." Sabi ko sa kanya. Lumapit narin sa amin si kuya Keith para patahanin ni Kiesha.
"Eh kahit na! Wala man lang ako sa tabi mo nung hinimatay ka! What if hindi dumating sila Bobby dun? Edi wala nang nakakita sayo?" Sabi niya sabay punas ng luhang lumandas sa mukha niya.
Napailing nalang ako dahil sa pagdadrama ni Kiesha, grabe naman kasi buhay pa naman ako at nilagnat lang pero feeling ko may cancer na ako dahil sa iyak na ginagawa ni Kiesh.
Napadako ang mata ko kay Kiefer na tahimik lang na nanonood sa amin, nagtagpo ang mga mata namin pero agad ko itong iniwas ang itinuon kay Kiesh na ngayon ay mukhang nahimasmasan na.
Sabi naman ng doctor kanina na pwede na akong lumabas dahil bumaba naman na daw yung lagnat ko at negative naman ang results ng test na ginawa nila. Tumawag na din sila mommy sa akin at napagalitan ang dalawa kong kapatid, hindi daw nila ako inaalagaan. Mom can be so OA at times like this, halatang kay mommy nagmana si Kiesh.
Gamit namin ang kotse ni Kief pauwi, nasa tabi niya si Kiesh habang kami naman ni Kieth ay nasa likuran.
As if on cue, biglang tumugtog ang 'That Should Be Me' ni Justin Bieber. Isa sa mga favorite kong kanta yun, pero ngayon pinakahate ko na. Sobrang perfect kasi sa nangyayari ngayon eh, tugmang tugma. Feel na feel.
Sinasabayan ko pa yung kanta noong napatingin si Kief sa akin from his rearview mirror, agad naman akong napaiwas ng tingin. Baka isipin pa niya na para sa kanya yung kanta.
Nakarating naman kami sa bahay with the super awkward na atmosphere, or ako lang talaga ang nakaramdam nun.
Inalalayan ako ni kuya Keith papasok ng bahay habang si Kiesh naman ay naiwan para hinatayin na makaalis si Kief.
Napalingon ako sa kanilang dalawa.
Kung hindi ko siguro itinulak palayo si Kiefer, siguro ako ang gumagawa ng mga ginagawa sa kanya ni Kiesh.
Mas masakit pala lalo kung late mo nang narealize na nafall ka rin pala kahit na pinilit mong umiwas sa kanya.
BINABASA MO ANG
SPOILER • Kim Hanbin [FIN]
Short StoryWhen you think everything is already perfect but then problems rises up and drifted you apart. Is it just a coincidence or is it a spoiler of your The End? Are you going to stay or you'll walk away? What if there's a twist? Are you going to stay or...