FOURTEEN

155 5 3
                                    

Edited

💕💕💕

Kiesha Lee

One of the most happiest feeling I ever felt in my life ay noong umamin sa akin si Kiefer na gusto niya ako. Sobrang crush na crush ko kasi talaga siya, yun nga lang mapansin niya ako, masaya na ako pero ang marinig talaga mula sa kanya na gusto niya ako? Beyond happiness.

Dati tinitignan ko lang kasi siya sa malayo, wishing na someday mafeel ko yung mga nakakakilig things with him, then ngayon kasama mo na siya araw-araw, siya na yung nagiging source of happiness and strength mo. My life almost depends on him.

I was happy to have him to the point that I almost forgot that I have a sister who also likes him but chose to sacrifice. I felt a pang of guilt dahil sa mga sinabi ni Keira. In the first place din naman kasi sarili ko lang talaga ang iniisip ko.

Alam ko naman, aware ako sa nararamdaman niya. Pero mas inuna ko parin ang sarili kong kaligayahan.

Matagal ko nang napapansin na may gusto si Kei kay Kiefer. Pero pinagbalewala ko lang iyon dahil kabisado ko ang kapatid ko. Never siya basta bastang nagkakagusto sa mga lalaki. But I guess Kiefer was her only exception.

That night when I saw her crying after Kief left her, isa iyon sa mga hindi ko makalimutan. Hindi naman kasi iyakin si Kei. In fact, sa aming magkakapatid, siya ang pinakastrong.

I was thankful that Bobby was there for her. Nasaktan ko kasi siya. Ako yung reason kung bakit siya umiyak.

Ako yung reason bakit nagsacrifice siya. Pwede naman kasi niyang sagutin at payagan manligaw si Kiefer sa kanya. Wala naman sa akin iyon, as long as masaya si Kei. Pero as usual, mas pinili niya parin ang kaligayahan ko over sa kaligayahan niya.

To be honest, everything was almost perfect for us. Sa loob ng ilang buwan naming magkasama, feeling ko nasa isang fairy tale ako, at siya ang prinsipe. Pero panandalian lang pala iyon.

Napapansin ko na kasi unti unting lumalayo sa akin si Kief. I could clearly see the longingness in his eyes tuwing tumitingin siya kay Keira na masayang nakikipag-usap kila Bobby.

Hindi ko rin naman magawang magalit sa kanila. Kasi in the first place naman, ako ang kontrabida sa pagmamahalan nilang dalawa.

Syempre masakit din sa akin tuwing nakikita ko siyang nakatitig kay Kei. Pero mas masakit parin yung makita mo mismo sa mata niya na hindi naman talaga ikaw yung mahal niya. Parang isang malaking sampal kasi sa akin eh.

Hindi ko nga alam kung paano ko nahaharap si Keira na parang wala lang ang lahat sa akin. Pero sa kaloob looban ko, sobrang nagiguilty ako sa ginawa ko.

Nasa huli na nga talaga ang pagsisisi. Kung kaya ko lang talagang ibalik ang panahon, uunahan ko na si Keira sa gusto niyang mangyari.

At ngayong feeling ko ay kaya ko na siyang i-let go, nakikita ko naman na unti-unti ring nahuhulog si Bobby sa kapatid ko. Yung mga tingin palang niya, halatang halata na eh.

I wanted to keep him for me, pero alam ko namang sa huli ako parin ang talo. Ayoko naman na awa nalang ang umiiral sa relasyon naming dalawa.

Gusto kong pairalin pa ang pagkaselfish side ko dahil alam kong may sasalo naman kay Keira, but there is also a part of me na nakukunsensya tuwing nakikita kong malungkot si Kief.

I didn't even intended to slap Keira. Nadala lang ako ng emotion. Naguguluhan narin kasi ako sa nangyayari. Like alam ko namang gusto niya si Kief at gusto siya ni Kiefer. Ang feeling ko tuloy, kay Keira nanaman mapupunta ang mga gusto ko.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon