ELEVEN

143 3 0
                                    

EDITED

❇❤❇❤❇

"So you're jealous." Bakas sa boses ni Shai ang pang-aasar. "You're wishing na sana ikaw nalang siya. Hay nako, Keira ikaw sana yon kung hindi mo sana tinulak palayo si Kiefer sayo." Bakas sa boses niya ang pagkainis sa nangyayari.

Kahit ako rin naman naiinis sa sarili ko. I let myself fall for him kahit na itinulak ko na siya palayo sa akin. I really hate myself for making that decision. If naging selfish man lang ako this time, baka masaya rin ako ngayon.

At if naging selfish ako, masasaktan ko ang kapatid ko. And I don't want to see her hurting because of me, because of us.

"I heard inaya nang maging girlfriend ni Kiefer si Kiesha yesterday night. Noong tulog tayong lahat." Napalingon kami kay Yael na kausap sina Darren at Jeron.

Napakunot ang noo ko, anong ibig nilang sabihin? Sila na ni Kiefer? Magboyfriend na si Kiesh at Kiefer?

Hindi na dapat ako masaktan diba? Dapat nga matuwa ang sa balita dahil may boyfriend na ang kapatid ko, pero bakit kabaliktaran ang nararamdaman ko ngayon?

"Ang bilis talaga ni pareng Kiefer." Napapailing na sabi ni Jeron at naglakad na sila palabas ng hotel.

Para akong binagsakan ng isang malaking malaking bato dahil doon. Kakasabi niya lang na he won't stop loving me. Tapos after ilang days sila na ng kapatid ko.

"Kei." Nag-aalalang tawag sa akin ni Shai, marahil narinig din niya ang pinag-uusapan nina Jeron.

"Don't worry, I'm fine." Pinilit kong ngumiti sa harap ni Shai. Ayokong ipakitang nasasaktan ako. Ginusto ko rin naman kasi ito eh.

I hate myself for everything. Naiinis ako dahil naniwala ako sa sinabi ni Kiefer. Iyon nalang kasi talaga yung pinanghahawakan ko eh. Yung sabihin niyang mahal niya talaga ako. Lalaban na dapat ako pero huli na pala ang lahat.

Kasalanan mo rin naman yan eh. Tinulak mo siya palayo, ngayon iiyak iyak ka dyan. I tried to keep myself calm. Hindi ako iiyak dito, never.

Pero pinakamasakit narin nga siguro ang makitang masaya ang kapatid ko sa piling ng lalaking mahal ko. It fucking hurts.

After ng ilang days ng pagsstay sa Camsur ay nagdesisyon na silang umuwi. Sila lang din naman halos ang nag-enjoy dahil halos hindi narin ako lumabas ng kwarto.

Ayoko rin naman makita na masayang naglalandian sina Kief at Kiesh. I really really wanted to go home narin dahil halos araw araw, oras oras, minu-minuto nakikita ko ang lambingan at masayang mukha nilang dalawa.

For the first time in my life, nakaramdam ako ng inis sa kapatid ko, although wala naman talaga siyang kasalanan. Nagmahal lang din naman siya, at ako naman talaga ang may gusto nito.

"Finally!" Nakangiting sabi ni Darren noong nakarating na kami ng Manila. Nakatulog kaming lahat sa byahe dahil narin siguro sa sobrang pagod. Bago kasi kami umuwi tinry pa nila yung mga water sports doon.

Agad akong pumasok sa bahay namin para magkulong sa kwarto ko. My comfort zone.

Di ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha kong ilang araw ko rin na pinigil dahil ayokong masira ang bakasyon naming lahat. Si Shai lang ang nakakaalam sa tunay na nararamdaman ko. Lahat sila clueless sa nangyayari sa akin.

Even my own sister was really clueless sa nangyayari sa akin. I felt like unti unti naring nagkakalayo ang loob naming dalawa, maybe dahil narin dito.

Noong mga bata pa kasi kami, we always make sure na there's a time for us to share own deepest and darkest secrets. Dala namin yon hanggang nagcollege kami, pero nagbago ang lahat noong dumating si Kiefer sa buhay namin.

Since that day kasi, she won't share her secrets to me anymore. Minsanan nalang din namin siya makasama ni Shai dahil lagi silang magkasama ni Kiefer. Nakakalungkot, pero ganun na siguro talaga kapag nagkaroon na ng boyfriend ang kapatid mo. 

Hindi naman din kasi natin alam kung kailan magbabago ang pakikitungo ng ibang tao sayo.

"Kei? Can I come in?" Narinig kong sabi ni Kiesh. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakita ko ang nakangiting mukha ng kapatid ko.

Alam ko na yan, Kiesh. Wag mo nang sabihin sa akin, please lang.

Halatang halata na masaya ito ngayon. "I have a news. Hindi ko na nasabi sayo kagabi kasi I was too happy." Nakangiti nitong sabi at umupo sa kama ko, habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa tabi ng kama.

For the first time in my life, I put up a fake smile in front of my sister. "What is it?" Tanong ko.

"Boyfriend ko na si Kiefer." Kinikilig niyang sabi. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko lalo na't sa kanya ko na mismo narinig iyon.

Akala ko masakit na yung marinig mo sa iba yung balita, pero mas masakit pala pag sakanya mo mismo narinig iyon.

Kitang kita ko ang saya niya habang nagkukwento. "Really? I'm happy for you." Sagot ko.

"Yes! Sobrang sweet niya! I can't believe na sobrang romantic pala niya." I just listened to her silently. Para kasi akong sinasaksak sa sobrang sakit eh.

Kinwento niya lahat. Gusto ko na sana siyang palabis dahil naiiyak na talaga ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Para akong sinampal ng katotohanan na he will never be mine.

Pagkalabas ni Kiesh ay para akong sumabog. Hinayaan kong lumabas lahat ng luhang nagwawala kanina pa. Buong araw lang akong umiyak at hindi lumabas ng kwarto. They even thought that I was really tired kaya hinayaan din nila akong magkulong sa kwarto.

I looked like a mess. Hindi na ako nagulat noong humarap ako sa salamin. My hair was a mess, my eyes were puffy, I looked like rudolf the red nose reindeer sa pula ng ilong ko. My room was also a mess dahil hindi man lang ako nakapag-ayos ng gamit since we got home.

I heard my phone ringing kaya kinuha ko iyon. Si Bobby.

"Hey. Wanna go out?" I just sighed. Iiyak nanaman ata ako dahil narinig ko ang boses ni Bobby.

"Okay." Sagot ko.

"I'll be there in fifteen." Sabi niya at ibinaba na ang tawag.

Naligo ako sandali at inayos ang sarili ko. I wore a simple jeans and cropped top. I also hide my puffy eyes through concealer.

Maya maya pa ay narinig ko na ang busina ng kotse ni Bobby kaya lumabas na ako ng kwarto. I felt empty lalo na noong nalaman ko sa mga maid namin na umalis din si Kiesh at si kuya Keith.

Naabutan kong nakasandal sa kotse si Bobby at pinaglalaruan ang phone niya. He was wearing a shirt and pants din, at kahit na ganoon ay malakas parin ang dating niya.

Noong magkaharap kaming dalawa ay hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin niya. Mukhang nagulat naman siya dahil sa biglaang pagyakap ko sa kanya.

"What happened?" Tanong niya.

"Ang sakit, Bobby. Sobrang sakit." And I burst out again. Hinayaan niya lang ako na umiyak. Instead of bringing me sa mall or sa bar he brought me sa place na pinagdalhan niya sa akin last time.

"Just cry, Keira. Let it out." As if on cue ay lumabas ulit ang mga luha ko. Parang ngang walang katapusan ang pag-iyak ko eh.

He just comforted me with silence. Alam naman niya ang reason kung bakit ako nasasaktan.

I looked at him at tinakpan ang mukha ko. Alam kong ang pangit ko ngayon dahil sa pag-iyak ko. Mukha na siguro akong dinaanan ng bagyo dahil sa pag-iyak ko. "Can you help me get over him? Ayoko nang umiyak ulit. I feel so out of character na." Ngumiti lang siya at niyakap ako.

"Don't worry Keira. I will help you." Sabi niya at hinalikan ako sa noo at muling niyakap.

Thank God, I still have him.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon