Hindi ko akalain na madali kong magiging kaclose si One, halos parehas kasi kami ng ugali at iisa lang din ang mga gusto namin. Hindi ko rin akalain na mabait pala talaga siya. Ideal guy for others, pero para sa akin si Kiefer parin ang ideal guy ko.
As he promised, itinour nga niya ako sa buong Seoul. I was laughing the whole time we were together at nakalimutan ko pansamantala ang mga problema ko. Thanks to him, nakatawa na ulit ako.
"I don't even know anything about you but I'm having fun." Natatawa kong sabi habang siya naman ay tahimik lang na nakasunod sa akin. Naglalakad kami ngayon sa park na malapit sa Han River.
This is one of my favorite place na gusto kong mapuntahan kasama si Kiefer. Alam kong baka ilang beses na siyang nakakapunta dito pero I still wanted to come with him. Lalo na sa Namsan Tower, gusto ko talagang makasama siyang pumunta doon. Kaso sa ngayon sobrang imposible ang nais kong iyon dahil panigurado pagtungtong palang ni Kiefer dito sa Korea nakakasigurado akong haharangan agad siya ni halmeoni.
"Nakalimutan ko palang magpakilala, ako si Jung Jaewon but people call me One. And I'm currently studying at SNU." Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya with a shocked face.
"Sa SNU narin ako mag-aaral! Mukhang hindi ito ang last time na magkikita tayo ah." Nakangiti kong sabi sa kanya. He just smiled at me at ibinalik ang tingin sa tahimik na river. I was amazed by its beauty. Kung maganda na ito pag-umaga, mas maganda ito paggabi, dahil buhay na buhay ang bawat sulok at parte ng Han River pati ang park kung nasaan kami ngayon.
Bigla ko tuloy naalala yung moment namin ni Kiefer noon sa Ilocos, yung panahong everything looks perfect, yung panahong hindi pa nalalaman ni halmeoni ang tungkol sa amin ni Kiefer at yung panahong hindi pa dumadating sa buhay namin si Gianna. "Know what, I'm really curious about you. Para kasing you're just hiding the real you." Napalingon ako sa kanya. Mukhang kanina pa niya ako tinititigan pero hindi ko iyon napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.
"There's nothing interesting sa buhay ko, except sa fact na ayaw ni halmeoni sa boyfriend ko dahil isa siyang Kim. I still can't understand kung bakit ayaw niya sa mga Kim eh halos ka-business partner nga nila daddy ang family ni Kiefer. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun si halmeoni." Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang luha ko. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kamay niya sa mukha ko.
"Iniwan ko ang boyfriend na walang kaalam-alam sa nangyayari. Iniwan ko sa siya sa mga panahong sobrang labo ng relationship naming dalawa dahil sa pagdating ng bestfriend niya. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos dahil wala siya noong panahong nahihirapan akong magdecision. Naguguluhan ako noon kung sino ang pipiliin ko, my family or siya. But he's giving me reasons para wag siyang piliin." Pinunasan ko ang luhang bumagsak mula sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung bakit ba lagi nalang may pagsubok para sa amin ni Kiefer. Tuwing kapag dumadating ang panahon na akala ko okay na ang lahat saka naman may kontrabidang papasok. At this time, dalawa pa sila at sabay pa silang dumating. Hindi ko tuloy alam kung isa ba to sa mga spoiler ng buhay ko na nagsasabing hindi kami ang para sa isa't isa.
Natutuwa ako na nandyan si One para pakinggan ang mga hinaing ko sa buhay at kahit papaano ay gumagaang ang pakiramdam ko. "To be honest, I don't know what to feel anymore. I felt like my whole life has a great amount of spoilers." I laugh, pero isang malungkot na tawa lang ito. "Hindi ko alam kung anong iisipin ko dahil wala man lang siyang text or calls sa akin. Totoo ngang pinakamahirap sa lahat ang ginagawa kang tanga."
"Shh, stop saying that. Hindi ka tanga, okay? Nagmamahal ka lang din naman. At may pagkukulang din ang boyfriend mo, he's being an insensitive jerk." I couldn't agree more. From what he's doing, binibigyan niya na ako ng reason para iwan siya. Pero sabi nga nila diba, if there's a million reason for you to leave, there's still one reason for you to stay. And that one reason kung bakit hindi parin ako bumibitaw ay dahil mahal ko siya. It's enough naman to make you stay diba?
"You're right, he's being really insenstive jerk simula noong umuwi yung bestfriend niya from New York eh. Ever since that day, nagbago siya." Naalala ko yung moment na hindi siya sumipot dun sa date namin the day bago kami bumalik ng Manila. Then yung pag-alis niya sa bahay habang magkasama kami at ang hindi niya pagsagot sa mga texts at phone calls ko.
"Do you want to go back sa Pinas? I can help you. I know you're really worried about your boyfriend." Parang nabuhayan naman ako ng dugo sa sinabi niya. I really wanted to know na rin kasi kung ano ba talaga ang pinagkakaabalahan ng boyfriend ko.
Pumayag ako sa plano ni One, buti nalang talaga at nandyan siya para samahan at alalayan ako sa pagsstay ko dito sa Korea. May mabuting idudulot din pala paminsan-minsan ang gusto ni halmeoni.
Kinabukasan, nagulat ako noong maaga ko siyang nakita sa bahay namin, seems like pinagbubutihan niya talaga ang pag-aacting na he's courting me. He needs to pretend kasi lalo na sa harap ni halmeoni na nagkakamabutihan na kami para madali kaming makakilos sa mga plano namin. Yes, we have a plan at isa na doon ang pagbalik ko ng Pinas.
"Can we really do it?" Bulong ko sa kanya. Magpapaalam kasi siya kina halmeoni if pwede kaming bumisita sa Pinas since hindi pa naman nagsstart ang klase.
"Trust me." Nakangiti niyang sabi at sabay kaming pumasok sa library ng bahay. Nagulat pa nga si daddy noong nakita niya ako pero binigyan ko lang siya ng isang assuring na smile.
Nakita ko naman ang ngiti ni halmeoni noong nakita niya kaming magkasama, siguro akala niya talaga na there's something going on between us, well meron naman talaga but hindi yung katulad ng iniisip niya.
"Goodmorning ma'am. Ipagpapaalam ko lang po sana itong si Keira if pwede siya sumama sa akin sa trip ko sa Philippines this weekend." Nakangiting sabi ni Jaewon kay halmeoni.
Napakunot naman ang noo niya sa akin bago niya muling tignan si Jaewon. "Of course, alam ko namang aalagaan mo ang apo ko." Nakangiting tumingin sa akin si One bago siya nagbow kay halmeoni bilang respect. "And, Jaewon iho, you can also call me halmeoni. Since ikaw naman ang mapapangasawa nitong apo ko in the future right?" Nakangiting sabi ni halmeoni sa aming dalawa.
Isang awkward na ngiti lang ang binigay namin pareho atsaka kami lumabas ng kwarto. Isang matagumpay na ngiti ang nakapaskil sa mukha namin pareho. "Thankyou One." Tumango lang siya sa akin at nagpaalam na aayusin na niya ang ticket namin para sa trip namin.
Agad naman akong tumakbo sa kwarto ko para tawagan si Kiesha, I'm sure matutuwa iyon kapag nalaman niyang babalik ako. Ilang araw narin niya kasi akong kinukulit kung kailan ako babalik ng Pinas. Namimiss narin daw niya ako.
I wonder kung namimiss narin ba ako ni Kiefer? Paniguradong alam na niya ngayon ang pag-alis ko. Sana lang talaga hindi siya galit sa akin. Ayokong magalit siya sa akin.
I dialed Kiesh's number. I'm really excited to meet them again, kahit ilang araw palang kasi ako dito sa Korea, nahohome sick na agad ako. Ibang iba kasi ang kwarto ko dito at ang kwarto ko sa Pinas. Sa Pinas feel at home, eh dito para akong nakakulong.
"Hello, Kiesh. I'm going back to Manila this weekend." Excited kong sabi kay Kiesha pero tanging katahimikan lang ang narinig ko sa kabilang linya. "Hello, Kiesh? Okay lang ba?" Nag-aalala kong tanong.
"A-ah, o-oo. Oo, okay lang ako. I'll see you this weekend okay? Be strong, Keira. We love you." Bakas ang kalungkutan sa boses niya. I wonder why?
**
[A/N: Don't forget to vote and leave a comment. :) Gomawo~]
BINABASA MO ANG
SPOILER • Kim Hanbin [FIN]
Short StoryWhen you think everything is already perfect but then problems rises up and drifted you apart. Is it just a coincidence or is it a spoiler of your The End? Are you going to stay or you'll walk away? What if there's a twist? Are you going to stay or...