SEVENTEEN

146 2 0
                                    

Edited

💖💖💖

Kiesha Lee

Ilang beses ko nang tinatawagan si Kiefer pero hindi niya sinasagot ang phone niya. May usapan kasi kami ngayon pero hanggang ngayon hindi parin siya sumasagot.

Naghahalo na tuloy yung pag-aalala at inis sa sistema ko. Hindi ko rin kasi mapigil eh, ang tagal naming pinlano to pero hindi lang pala niya ako sisiputin?

I tried calling him again pero patay na ang phone niya. Tinawagan ko narin sina Jayden pero hindi rin daw nila alam kung nasaan si Kief.

Sa sobrang inis ko pinatay ko nalang din ang phone ko at humiga sa kama ko. Gusto ko sanang ayain lumabas si Kei ngayon para man lang makabawi ako, pero naalala kong magkaaway nga pala kaming dalawa. Though gusto ko na talaga siya makausap ulit.

Miss na miss ko na kasi siya pero nauunahan ako ng hiya sa lahat ng nangyari. Feeling ko kasi kasalanan ko rin lahat ng to eh. Kung hindi ako naging selfish walang ganito.

Halos mag-iisang buwan na simula noong mangyari iyon. At sobrang pinagsisisihan ko talaga iyon. Hindi ko talaga sinasadya na masaktan si Kei or something. Masyado lang talaga akong nadala ng emosyon.

Halo-halong emosyon na naipon. Frustrations sa nangyayari sa amin. Minsan nga tinatanong ko bakit kailangan pang umabot kami sa ganitong point? Na nagkakasakitan kami dahil lang sa love.

Pero sa huli may isa parin na talo, may isa paring nasasaktan. At ako iyon. Kahit saang anggulo mo naman kasi tignan, ako ang talunan. Ako parin ang talo kahit kami na si Kiefer.

Alam mo yung kami na, pero yung puso niya wala naman sa akin. Masakit, pero sinusubukan kong tanggapin. Masakit, pero kailangan kong tanggapin.

Napabangon ako sa pagkakahiga noong narinig ko ang busina ng kotse ni Bobby. Siguro may lakad nanaman sila ni Keira.

Pero noong nakita kong nasa loob ng kotse si Keifer para akong binasag.

Doon talaga sumampal sa akin ang reality na sinadya niyang hindi sagutin ang mga tawag ko.

Eto ba yung way niya para iparamdam sa akin na hindi talaga ako yung mahal niya?

Pinunasan ko nalang ang luhang lumandas sa pinsgi ko at pinanood ko nalang ang pag-alis ng kotse ni Bobby.

Hindi ko alam kung ngayon ba iyong pinlanong lakad nina Jayden, sinasama talaga nila ako pero umayaw ko. Hindi ko feel sumama sa kanila. Panigurado kasi magiging awkward nanaman ang atmosphere sa pagitan naming tatlo nina Kief. Ayoko naman na masira ang lakad nila dahil sa amin.

At sa sitwasyon namin ngayon, alam ko namang baka hindi na ulit mabalik yung samahan naming iyon dahil sa mga nangyari. Magkakaroon at magkakaroon ng isang awkward na atmosphere pag nagkataon.

At isa pa, Keifer and I both needed a break. After all these thing happened from the past months, alam kong kailangan namin pareho ng space.

Hindi man niya sabihin, pinaparamdam naman niya. At napakasakit noon para sa akin. Yung tipong parang sa isang iglap lang nawala na yung sweetness niya para sa akin.

Sa isang iglap, wala na ulit sa akin yung mga tingin at ngiti niya. Sa isang iglap wala na ulit sa akin si Kiefer Kim.

Alam ko naman nang this relationship is not working anymore. At madalas naiisip ko na sumuko nalang, na iwanan nalang silang lahat.

At alam kong I've caused too much damage na. Mula sa sarili kong kapatid hanggang kay Kiefer. Maging sa sarili ko and being too selfish wasn't even helping.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon