EIGHT

152 3 0
                                    

EDITED

❇❤❇❤❇

Various thoughts came into my mind after I witness that scene of Kiefer and Kiesha, at doon ko lang rin narealize na mas bagay nga talaga sila. I could see how happy Kiesha is.

Agad akong sumalampak sa kama at mahigpit na niyakap ang paborito kong unan. I'm so damned tired at sobrang sama parin ng pakiramdam ko. Thank God tapos na ang exams kaya pwede nang magchill kahit papaano.

Muli kong naalala ang mga munting sulyap ni Kiefer sa akin kanina, I'm sure gusto niya akong makausap pero nagdadalawang isip siya dahil alam niyang nilalayuan ko siya.

Nagulat ako noong nagring ang phone ko at unregistered yung number ng tumatawag. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ba or hindi. Hindi ko na sana sasagutin pero paano kung emergency pala to?

"Keira?" Nangunot naman ang noo ko. Si Kief ba to? Never kong binigay ang number ko sa kanya kaya nakakapagtaka kung paano niya nalaman ang number ko.

"Sino to?" Tanong ko. Gusto ko lang makasigurado kung tama ba ang hinala ko. Baka kasi nag-aassume nanaman ako.

"Si Kiefer to. Kamusta na pakiramdam mo?" Bakas sa boses niya ang pag-alala, ayokong mag-assume kaya hindi ko na iyon pinansin.

Humiga ako ng maayos at saka sumagot. "I'm fine. Thanks for the concern tho." Hindi ko alam kung bakit, pero kinikilig ako. Alam kong hindi ko na dapat nararamdaman yun dahil ako na mismo ang nagtulak sa kanya palayo. Pero shit, hindi ko mapigilan na hindi kiligin eh.

Lalo na't mas masarap pakinggan ang boses niya sa phone.

Tahimik lang kami pareho at wala ni isang gustong magsalita. Bakit ganun, kahit through phone lang, comfortable parin yung silence na bumabalot sa samin?

"I was worried." Narinig kong bulong niya. "I was worried because I wasn't even there para saluhin ka man lang." Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya.

Why is he doing this to me? Why is he telling me these? Bakit pinahihirapan pa niya ako?

"Magpahinga ka na." Sabi niya at ibinaba na ang tawag. Hindi ko maiwasan hindi mag-isip ng kung anu-ano dahil sa sinabi niya.

Hindi ko na alam, dahil sa mga sinabi niya lalo lang akong nasaktan. Nasaktan sa ginawa kong panunulak sa kanya palayo.

I guess, nasa huli talaga ang pagsisisi. Marerealize mo nalang ang bagay agay once na nawala na sila sayo.

The next morning, maaga akong pumasok. Okay narin naman ang pakiramdam ko at hindi na ako nahihilo. The usual morning happened. Nakakasawa rin na araw-araw ganito ang sumasalubong sa iyo.

"Okay ka na ba?" Tanong sa akin ni Shai noong nagkasabay kami sa locker room.

"Yup! I feel okay na." Nakangiti kong sagot sa kanya. Mukhang nagulat naman siya at parang nakakita ng multo.

"Did I just saw Keira Andrea Lee smile?" Manghang tanong ni Shai.

Bihira lang talaga akong magsmile, kaya ganun nalang ang reaksyon ni Shai. At pagnagsmile ako, itinuturing nila iyon na isang himala. "Baliw." Napapailing kong sabi at iniwan siya doon. Pero sumunod din naman siya sa akin at kinukulit parin ako kung may nangyari daw ba.

Pagkarating namin ng classroom, sinalubong agad kami ng ngiti ng iKON. Sobrang inggit na inggit na nga yung other girls dahil kami lang ang nagpapangiti ng ganun sa iKON. Halos kaibigan narin naman ang turing ko sa kanila kahit ilang beses ko palang silang nakausap at nakasama.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon