SIX

145 2 0
                                    

EDITED

❇❤❇❤❇

Tinignan ko ang photo nina Kiefer at Kiesha na pinost ni Jeron. It says na it was uploaded three hours ago, which is nung break namin. Kaya naman pala MIA ang kapatid ko dahil kasama niya ang iKON.

Hindi naman ako galit sa kanya, in fact masaya ako dahil napapansin na siya ng crush niya, although hindi ko alam kung ginagawa ba yun ni Kiefer dahil sinabi ko. Ayoko namang mag-aassume. Malay natin kung si Kiesh naman pala talaga ang type niya at hindi ako, assuming lang ako na ako yung gusto niya.

Tinignan ko ang mga comments sa post na iyon at mostly ay positive ang comments at sinasabi pang bagay sila ni Kiefer. Napangiti nalang ako ng tipid. I did the right thing naman diba?

Pinatay ko na ang iPAD ko bago pa man makapasok sa kwarto ulit si Kiesha. Nagbasa na lamang ulit ako at pilit kinakalimutan ang picture na iyon.

I was in the middle of reading a book noong nakangiting pumasok si Kiesh sa pinto dala dala ang isang bouquet ng red roses. "Look what I've got?" Pakanta pa niyang sabi at nginiting ngiting sabi sa akin.

"Kiefer gave this to me kanina." Kinikilig niyang sabi. I wanted to be happy for her, really, pero hindi ko magawa dahil feeling ko napakasama kong kapatid.

I know I shouldn't be feeling this way, pero I don't know. Hindi ko narin maintindihan ang sarili ko dahil feeling ko ang gulo gulo na.

Parang bang mas lalong gumulo lang ang buhay ko after I allow Kiefer to enter my life.

"Really?" Tanong ko, tumango tango naman siya at mukhang hindi napansin ang pagbabago ng tono ng boses ko. Siguro sobrang sanay na talaga siya sa akin na laging ganito ang reaction ko.

Hindi ko alam kung napapansin ba niyang baka may gusto na rin ako kay Kiefer pero I don't want to spoil her happiness naman. Alam ko naman kasing matagal na niyang gusto si Kiefer at the time has finally come.

"Yup. I think he likes me." Nakangiti niyang sabi. From what I see, alam kong sobrang genuine nang smile na iyon, which is minsan mo lang makita sa kanya. Kaya hindi ko alam kung selos ba tong nararamdaman ko dahil ako rin naman ang may gusto nito eh.

"Are you sure about that? I mean, I know you like him, pero hindi ba masyadonv mabilis?" Tanong ko pero nag-iba ang expression niya na para bang nagulat sa naging tanong ko.

"What the hell, Kei. I know friends kayo ni Kiefer pero sana naman pagkatiwalaan mo yung nararamdaman ko. At once naman, pagkatiwalaan mo ako sa desisyon ko." Seryoso niyang sabi at iniwan ako sa kwarto mag-isa.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil sa nangyari. Alam ko naman iyon, at may tiwala ako sa kanya, pero natatakot ako na baka dumating yung araw na masaktan siya dahil kay Kiefer. As much as possible gusto ko siyang protektahan gaya ng pagpoprotekta nila sa akin.

Pero mukhang iba ang dating nun kay Kiesh. Napabuntong hininga nalang ako, wala na siguro akong magagawa kundi ang panoorin ang mga mangyayari.

Ginusto ko naman ito eh, I wanted to see Kiesh happy with the man she likes.

Kinabukasan, obvious na kalat na kalat sa buong campus ang tungkol kay Kiefer at Kiesha. Everybody were talking about them.

Napahinto ako sa paglalakad after kong marinig ang usapan ng isang magkaibigan. "I knew it! Sabi na nga ba't si Kiesha talaga ang magugustuhan ni Kiefer eh. Obvious naman na mas maganda at mas mabait si Kiesh kaysa kay Keira." Sabi pa nito at hindi man lang nararamdaman na nasa likuran lang nila ako at naririnig ko ang sinasabi nila.

"Ni hindi nga marunong ngumiti si Keira eh. She's as cold as an ice. Sino ba naman magkakagusto sa katulad niya." Dagdag pa nito. Mukhang napansin naman nung kasama niya ang presensya ko kaya sinesenyasan niya ito na tumahimik na pero patuloy parin ito sa pagdada. "What? As if nandito si Keira at naririnig niya ako."
Napacross arms nalang ako at napasandal sa pader malapit sa kanila. Mukhang nagets naman nito ang kaibigan niya at halos manlaki naman ang mata niya noong makita niya ako.

Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis at nilapitan siya. Halos mapausod naman siya dahil sa takot na nararamdaman niya. Tinitigan ko lang siya sa mata, "stop talking shits about us. Get a life okay?" Sabi ko at tinapik pa ang balikat niya.

Bago pa man ako makaalis ay muli ko silang hinarap. "By the way, masyadong makapal ang foundation mo. Mukha kang nasubsob sa harina." Nginitian ko siya at iniwang nakanganga doon.

Nagulat ako sa nakita ko noong pagkarating ko ng classroom namin. Instead kasi na si Kiefer ang katabi ko, ang katabi ko na ay si Bobby.

I quickly composed myself at umupo na sa tabi ni Bobby. "Baka nagtataka ka kung bakit ako na ang katabi mo. Nakipagpalit kasi sa akin si Kiefer para makatabi niya si Kiesha." Sabi nito at tinuro pa ang pwesto ng kapatid ko at ni Kiefer na masayang nagkukwentuhan.

I tried to ignore what I'm feeling right now pero parang lumilipad talaga ang thoughts ko buong araw. There's a part of me wishing na sana hindi ko nalang ginawa iyon. He made me realize everything that happened in my life, pero I just choose to push him away.

Siguro napapansin din ni Bobby ang uncomfortable feeling ko ngayon dahil parang every 5 seconds ay lumilingon siya sa akin. He even tried to make me laugh throughout the day and I felt thankful for that, pero hindi parin ako mapakali.

"You look different today." Sabi ni Shai habang kumakain kami ng fries sa McDo. "Nag-away ba kayo ni Kiesh?" Tanong niya.
Nagkibit balikat lang ako. I don't know kung away bang maituturing ito pero since that day hindi na kami nagpansinan pa ni Kiesh. And hinahayaan ko lang siya, dahil lilipas din naman iyon.

"Sa tingin mo, gusto talaga ni Kiefer si Kiesh?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Napaisip siya sandali bago nagsalita ulit. "I don't know. The last time I check ikaw talaga ang gusto ni Kief eh." Nabigla ako sa naging sagot niya na parang balewala lang yung sinabi niya.

Napansin din siguro niya yung pagkagulat ko kaya inirapan niya lang ako. "C'mon, Kei. Are you too blind to see that?" Sabi niya with nakakalokong gestures pa. "Or natatakot ka nanaman kasi baka masaktan ka kaya itinutulak mo siya palayo?"

Tumango lang ako sa kanya as a sign na agree ako sa mga sinasabi niya. Simula noong dumating sila sa YGU obvious na hindi na normal ang nangyayari sa akin. Kahit pa hindi niya pa pinaparamdaman na he likes me, the way he looks at me palang alam ko na kaya nga I'm trying my best na ilayo siya sa akin. Dahil natatakot akong masaktan, natatakot ako na baka maulit nanaman yung nangyari three years ago.

Kinwento ko lahat kay Shai ang mga nangyari, from the bookstore hanggang noong party at isa lang ang sinabi niya sa akin. "I hope you won't regret ang naging desisyon mong itulak siya palayo sa'yo. And I hope hindi mo pagsisisihan na tinulak mo siya papunta kay Kiesh."

"I hope so too, Shai. Pero mukhang I need to face the consequences." Malungkot kong sabi.

Dahil I realize something.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon