EIGHTEEN

131 2 0
                                    

Edited

💖💖💖

Sobrang nageenjoy ako sa panonood ng kdrama noong katukin ako ni Kiesh. It's time to decorate the cake na raw.

Every Christmas, talagang binibigyan namin ng time ni Kiesh ang pagbabake. ito rin kasi ang hinihintay ng mga pinsan namin.

Lagi kong inaabangan ang pasko kahit noong mga bata pa lang kami. Ito lang kasi yung season na buo ang family namin dahil umuuwi sina mommy at ate Chaerin dito. At syempre, lalo na ngayong nagkaayos na kami ni Kiesh kaya talagang masaya talaga.

Christmas Eve na at everyone was busy sa paghahanda ng mini party dito sa bahay namin. Mini reunion siya dahil magpupuntahan dito sa bahay ang mga titos at titas namin kasama ang mga pinsan namin.

"Are you ready for tonight sis?" Tanong ni Kiesha sa akin na nanggaling kung saan. She was smiling kahit na napapansin ko ang pamumugto ng mata niya. Hindi ko rin maipaliwanag ang excitement sa mga mata niya kahit na halatang umiyak siya.

Hindi man niya aminin sa akin, alam kong malaki talaga ang pinagdadaanan nilang problema ni Kiefer.

"Ano ba kasi iyon?" Tanong ko sa kanya pero iniwan niya lang ulit ako doon. Napairap nalang ako at napailing. Tinuloy ko nalang ang pagdedecorate ng cake habang sina ate naman ay busy sa pagseset up ng table.

Chineck ko muna ang phone ko kung nagtext na ba si Bobby. Nakakapagtaka dahil dalawang araw nang hindi nagtetext sa akin si Bobby at wala naman akong maalalang reason kung bakit hindi na niya ako tinetext or tinatawagan. Ni hindi na nga kami nakakapagroad trip eh.

Noong nag-6pm na ay isa isa nang dumarating ang mga iilang kaibigan at mga kamag-anak namin. Syempre bawal na kaming magtago nina Kiesha sa mga kwarto namin kaya nasa living room na kaming apat na magkakapatid. Habang sina mommy naman ay busy'ng busy sa pakikipagkamustahan sa mga tito namin.

Maya maya pa ay dumating ang mga Kim na siyang ikinagulat namin ni kuya Keith. Napalingon ako kay Kiesha pero nginitian niya lang ako. Sa pagkakaalala ko kasi hindi naman sila ininvite, dahil una para lang to sa mga relatives namin.

Halos tumigil naman ang mundo ko noong nakita kong papasok si Kiefer kasunod sina Jayden, Bobby at Darren. They're one of the Kims after all. Nakangiti silang apat sa amin kaya sinuklian ko nalang din sila ng isang tipid na ngiti.

Kitang kita ko rin sa mukha ni Bobby ang lungkot, I don't know why though. Hindi ko alam kung may problema ba. Nag-aalala tuloy ako. Actually plano ko talaga ngayon na sabihin na kay Bobby yung narealize ko. Na siya ang pipiliin ko if ever.

"Sino ang nag-invite sa inyo sa mga Kims?" Nagtatakang tanong ni ate Chaerin sa amin noong nakalapit na siya. Isa din kasi siya sa mga nag-iikot para mangamusta sa mga bisita namin.

Itinuro ko naman si Kiesha at napakibit balikat lang siya. "Boyfriend niya si Kiefer Kim ate, in case na hindi mo alam."

"Not anymore. Nagbreak na kami." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kaya siguro medyo namumugto pa ang mga mata niya. "At don't look at me like that. Okay na ako dahil mutual naman ang naging decision na iyon."

Napakibit balikat nalang ako at muli akong napatingin kay Bobby na ngayon ay nakikipag-usap narin sa isa sa mga pinsan namin.

Napaisip naman ako bigla, kaya ba ganun nalang siya makatingin kanina? Dahil dumating na yung araw na kinatatakutan niya? Pero wala naman dapat siyang katakutan eh. Dahil siya rin naman ang pipiliin ko.

Everyone was enjoying the party except sa akin na hindi parin maalis ang tingin ko kay Bobby. Hindi kasi ako talaga makahanap ng chance na makausap siya.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon