Edited
💕💕💕
Puro may nakakalokong ngiting nakapaskil sa mukha ng mga kaibigan namin the whole time na naglalakad kami papunta sa grand carousel kung saan tatapusin namin ang trip to E.K namin.
Shai was with Bobby this time kaya naman kaming dalawa ni Kiefer ang magkasabay na naglalakad. They were teasing us the whole time kaya halos pagtinginan na kami nung ibang nakapila. Kulang na nga lang ay itago ko na ang mukha ko dahil sa kahihiyan eh.
"Holding hands pa ah." Pang-aasar ni Yael sa amin pero natigil lang siya noong hinawakan na siya ni Kiefer sa balikat as a sign na tumahimik na siya.
Nagiging awkward narin kasi kami ni Kiefer kahit kanina ko pa gustong gustong tumawa dahil sa expressions niya. Halata kasing napipikon narin siya sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan niya.
"Pero pre, akala ko talaga ako lang. Noong una si Kiesha tapos ngayon si Keira. Ilang beses mo pa ba akong sasaktan?" Sabi ni Chanlee, umaarte pa siyang parang sinaksak siya sa puso niya with matching iyak iyak pa.
Hindi na napigilan pa nina Darren ang pagpipigil kaya natawa narin sila. Pati nga ako halos maiyak na katatawa dahil sa mga trip nila.
"I'm happy to see you happy." Bulong ni Kiefer sa akin na siyang nagpatigil sa akin sa pagtawa. Obviously, hindi nila narinig iyon kaya halos mabato ako sa kinatatayuan ko.
Kitang kita ko ang pagngiti ni Kiefer mula sa kinatatayuan ko. Badtrip siya the whole day at ngayon lang siya ulit ngumiti. To be honest, I missed seeing him smile.
"Matunaw si Kiefer niyan." Natatawang sabi ni Shai na siyang nagpabalik sa akin sa realidad. Ako nalang pala ang hinihintay nila dahil lahat sila ay ready nang sumakay ng carousel.
"Guys kapit kayong mabuti ha! Baka malaglag pa kayo niyan." Natatawang sabi ni Yael habang nakayakap siya dun sa bakal na nasa harap ng kabayo.
"Tse! Hanggang dito ba naman takot ka parin Yael? How gay." Pang-aasar naman ni Jeron sa kanya. Pinagtulungan pa nila si Yael habang kami ni Shai ay tawa lang tawa habang pinapanood sila. Sina Bobby at Kiefer naman ay napapailing nalang.
While everyone was busy prepairing our dinner, napagdesisyunan kong mag-ikot muna mag-isa. Alam ko naman kung saan nakapark yung sasakyan namin at malaki ang tiwala kong hindi naman nila ako iiwan. Hinihintay din kasi namin na magmidnight para mapanood namin yung grand fireworks display.
I'm happy na nakapunta ulit ako sa E.K. the last time na nagpunta kami dito ay 10 years old palang yata kami ni Kiesh. Nakakalungkot lang dahil hindi namin kasama si Kiesha ngayon. Well, magiging awkward naman kung magkasama yung magjowang magkaLQ diba? At ako.
Imaginin niyo nalang ang set up nun, baka nga walang ni-isa ang magkatangkang magbato ng jokes or what.
Parang ngayon kasi hindi pa ulit pwede pagsama-samahin ang mga pangalang Kiesha, Kiefer at Keira. Parang isang malakas na bagyo ang mabubuo pagpinagsama ang pangalan naming tatlo.
Pero kung hindi siguro nangyari ang love triangle na ito sa amin, masaya kaming lahat ngayon. Pero wala eh, nangyari na. And we just need to do is to deal with it.
Lingid sa kaalaman ko na sinundan pala ako ni Bobby. Well, nakita ko nalang kasi siyang nakasunod sa akin. "Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang siya at inakbayan ako. "Hay Keira, natatakot ako na dumating yung araw na bawiin ka sa akin ni Kiefer." Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Tahimik lang kami pareho habang nakaakbay siya sa akin.
Nakatingala lang siya sa mga nakasakay sa EKstreme tower. Natatawa siya paminsan-minsan dahil sa mga naririnig naming mga sinasabi noong mga nakasakay doon. "Bobby, what if nga dumating yung araw na iyon no? Magiging masaya kaya tayong lahat? I mean, ikaw, ako, siya at si Kiesha?"
BINABASA MO ANG
SPOILER • Kim Hanbin [FIN]
Short StoryWhen you think everything is already perfect but then problems rises up and drifted you apart. Is it just a coincidence or is it a spoiler of your The End? Are you going to stay or you'll walk away? What if there's a twist? Are you going to stay or...