TWENTY EIGHT

77 1 0
                                    

Kiesha Lee

"Anong ginagawa niya dito?" Gulat kong tanong kay Bobby nung nakita kong kasama si Gianna sa bar kung saan napili naming magrelax.

Sa pagkakaalam ko talaga pumunta kami dito para magrelax, pero bigla nanamang sumulpot tong babaeng to kaya feeling ko lalo lang akong nastress.

"I don't know either." Bulong niya sa akin.

Mainit ang dugo ko sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit nasasaktan ang kapatid ko ngayon. Nilet go ko si Kiefer hindi para agawin niya, ginawa ko iyon para mapasaya ang kapatid ko pero obviously, Kiefer was enjoying Gianna's company to the point na nakalimutan na niyang may girlfriend siya. How did I know?

Simula nung umalis si Keira, lagi siyang tumatawag sa akin kung kamusta na si Kiefer at kung bakit hindi pa rin siya kinocontact nito. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin na inaahas na ni Gianna ang boyfriend niya. Alam kong once na malaman niya iyon paniguradong uuwi iyon kahit magalit pa sa kanya si halmeoni.

Alam kong kayang gawin ni Keira ang lahat for the sake ng relationship nila ni Kiefer, pero naawa ako sa kapatid ko dahil her boyfriend is not doing anything. Feeling ko nga he's not the same Kiefer that we know.

"Kamusta na si Keira, Kiesh?" Nakangiting tanong ni Chanlee. Buti pa sila naalala ang kapatid ko.

Tinignan ko si Kiefer na halata namang nakikinig sa usapan namin kahit na nakikipag-usap ito kay Gianna. "She's doing fine. Kaso gusto niyang bumalik dito dahil gusto niya makita ang boyfriend niya. But she can't dahil bantay sarado siya ni halmeoni." Nakita ko ang pagtigil ni Kiefer sa ginagawa niya.

Nagising na ba siya sa realidad na meron siyang girlfriend na nag-aalala sa kanya?

"Namimiss ko na si Keira. Namimiss ko na yung katarayan niya." Malungkot na sabi ni Darren. Napatango naman ang iba maliban kay Kiefer na nakatungo.

Doon ko lang napansin na wala na si Gianna sa tabi nito. Mukhang nasa dance floor na ang babaita at hindi ito sinundan ni Kiefer dahil sa mga sinabi ko.

"Let's visit her sometime." Nakangiting sabi ni Bobby na siyang inagreehan ng lahat maliban ulit kay Kiefer.

Seriously, what the f is wrong with him? Anong problema niya at hindi man lang niya naalala si Keira? "Ikaw ba Kiefer, namimiss mo na ba ang kapatid ko?" Deretso kong tanong sa kanya.

Natahimik silang lahat at hinihintay din ang sagot ni Kiefer. "Syempre naman, she's my girlfriend." Sagot niya. Pero wala ni isa sa amin ang nagreact sa naging sagot niya.

I'm right, he's not the Kiefer that I used to know. Nagbago siya since that day na bumalik si Gianna sa buhay nito.

Naramdaman ko ang paghawak ni Bobby sa mga kamay ko. Nararamdaman narin siguro niya yung tensyon sa pagitan namin ni Kiefer. Of course, gusto kong ipagtanggol ang kapatid ko, lalo na sa mga gustong manakit sa kanya.

"Do you really miss her? As far as I know, ni isang beses hindi mo man lang tnry na tawagan siya." Kalmado kong sabi.

Nag-igting ang panga niya sa sinabi ko. At deretso niya akong tinignan sa mata. "Ni hindi nga niya sinabi sa akin ang tungkol sa pag-alis niya. Pinagmukha niya akong tanga." Walang emosyon nitong sabi.

Sasampalin ko na sana siya pero nagulat nalang ako noong may lumipad na kamao sa mukha ni Kiefer at doon ko nakita si Bobby na sobrang lalim ng paghinga dahil sa galit. Ngayon ko lang ito nakitang galit na galit. Naiintindihan ko naman, dahil alam kong mahalaga din sa kanya si Kei.

"Tangina pre! Alin ba ang hindi mo maintindihan don ha?!" Galit na galit na sigaw ni Bobby habang si Kiefer naman ay pinunasan lang ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Ano din ba ang hindi mo maintindihan sa point ko?! Lalaki ka dapat alam mo nararamdaman ko?! Ikaw ba iwan ng girlfriend mo para pumunta ng ibang bansa ng di sinasabi sayo ano mararamdaman mo?!" Agad tumayo si Kiefer para sana gantihan ng suntok si Bobby tumayo ako sa pagitan nila para hindi sila maglapit.

Agad din lumapit sina Darren para tulungan akong pigilan ang dalawa pero ayaw nila magpapigil. "Oo naiintindihan kita! Pero tangina naman pre, dapat intindihin mo din yung girlfriend mo! Ikaw yung lalaki! Ikaw dapat umiintindi, eh kung hindi ka ba naman wala sa sarili mo dapat kinontact mo agad yung girlfriend mo!" Nagtinginan ang mga tao sa nangyayaring gulo sa pagitan nina Kiefer at Bobby. Nakita ko rin ang pagyakap ni Gianna kay Kiefer para awatin ito.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Bobby noong nakita kong susuntukin dapat ulit ni Bobby si Kiefer pero buti nalang at may dumating nang security para tulungan kaming awatin ang dalawa.

Dahil sa nangyaring gulo, mas pinili naming umalis nalang kaysa magstay, nakakahiya din kasi dahil halos lahat kami ay galing sa prominenteng pamilya. Buti nalang kakilala nina Jeron ang may-ari ng bar kaya napakiusapan nila itong walang lalabas na balita tungkol sa nangyaring suntukan.

Agad ko namang binatukan si Bobby dahil sa pang-aagaw niya ng scene kanina. Dapat ako kasi yung sasampal pero umepal siya bigla. "I'm just doing it for Keira, Kiesh. Alam mo naman kung gaano kahalaga din sa akin nyang kapatid mo." Sagot nito at hinatak na ako papunta sa parking lot.

Pasakay na sana ako ng sasakyan noong naalala kong naiwan ko ang wallet ko sa loob ng bar. Kaya nagpaalam muna ako sa kanya na babalik lang ako sandali sa loob para kunin ang wallet ko.

"Samahan na kita?" Tanong ni Bobby sa akin pero umiling lang ako sa kanya at nag-umpisa nang maglakad pabalik ng bar.

I was texting noong may napansin akong pamilyar na likod. Nakasandal yung babae sa pader at nakakulong sa bisig ng lalaki, mukhang may ginawa pa silang kalokohan. Pero dahil mabilis akong macurious nilapitan ko sila. Pero pinagsisihan ko iyon dahil nakita ko doon si Kiefer na kahalikan si Gianna.

Kasabay ng pagkagulat ko ay ang pagtawag ng kapatid ko. Muli akong napatingin kina Kiefer at pikit mata kong sinagot ang tawag ni Keira.

"Hello, Kiesh. I'm going back to Manila this weekend." Bakas sa boses niya ang sobrang excitement. Sobrang excited niya siguro makita ulit si Kiefer. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang nakita ko pero ayoko naman iispoil ang excitement niya.

Hindi agad ako makasagot dahil sa scene na nasaksihan ko. Fuck, what the hell happened with Kiefer? Paano niyang nagagawang lokohin ang kapatid ko?"Hello, Kiesh? Okay lang ba?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Napailing nalang ako sa mga bagay na naiisip ko. "A-ah, o-oo. Oo, okay lang ako. I'll see you this weekend okay? Be strong, Keira. We love you." Agad kong binaba ang tawag at nagmamadali akong pumasok ulit ng bar para kunin ang naiwan kong wallet.

Napansin din siguro ni Bobby ang biglang pagbaba ng energy ko pagbalik ko sa sasakyan niya. Ikaw ba naman makakita ng naghahalikan diba? Tapos yung naghahalikan yung taong alam kong makakasakit sa kapatid ko.

Isama pa ang pagbabalik ni Keira this weekend. Ano nalang ang sasabihin ko?

"Okay ka lang ba?" Bakas sa boses niya ang pag-alala. Hindi ko na nga namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko. "You look tired." Sabi niya at hinawakan niya ang mukha ko.

"Keira is coming back this weekend." Sabi ko. Nakita ko ang pagngiti niya. "Sana hindi na makarating sa kanya ang nangyari." Tumango lang siya sa akin.

"Goodnight." Nakangiti niyang sabi. Tumango lang ako at bumaba na sa sasakyan niya.

Hinintay ko muna siya umalis bago ako napaupo sa tapat ng bahay namin. Gumugulo talaga sa isip ko ang nakita ko kanina. I know dapat kong sabihin kay Keira iyon, pero ayoko siyang masaktan kaso pakiramdam ko mas masasaktan ang kapatid ko kapag hindi ko sinabi sa kanya ang nalaman ko.

**

[A/N: CREDITS NGA PALA KAY @ilaganlorenz PARA SA PAGAWA NUNG SAGUTAN SCENE NI KIEFER AT BOBBY. ヽ(^o^)丿

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT. (≧▽≦) GOMAWO~]

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon