TWENTY SIX

80 3 0
                                    

Unti-unti ko nang nararamdaman ang higpit ni halmeoni dahil bigla nalang may dumating na isang van na body guards na nakasunod sa amin ni Kiesh, kahit si Shai nagulat noong nakita niyang may nakasunod sa aming dalawa.

Alam kong ayaw rin ni Dad ang idea na ito kaya he even suggested na sa Korea nalang muna ako mag-aral at palabasin nalang na nagbreak kami ni Kiefer, pumayag ako actually. Dahil hindi ko naman talaga kayang mamili sa kanila. Kung ito lang naman ang pwedeng way para wala akong piliin sa dalawa. Magiging selfish ako, kahit ngayon lang.

"Babalik ka ba talaga ng Korea?" Malungkot na tanong sa akin ni Shai noong nakwento ko sa kanya ang plano namin ni daddy.

Tumango ako sa kanya bilang sagot. "It's the best decision kumpara sa mamimili ako between Kiefer and my family."

"Sasabihin mo ba sa kanya?"

"I actually tried, pero hindi ko siya macontact, maybe busy siya." Sagot ko at napatingin sa phone kong nakapatong lang sa mesa.

Ilang days narin kami hindi nagkakausap ni Kiefer. Ever since that day na pumunta siya ng bahay at umalis nalang bigla, hindi na ulit siya nagparamdam. He became cold and distant. Nararamdaman ko iyon dahil hindi naman siya ganito dati.

Iniisip ko nalang talaga na busy siya sa negosyo ng pamilya niya. Kahit na sumasagi rin paminsan minsan na baka kasama nanaman niya si Gianna.

"Uuwi uwi rin naman ako dito pagmayfree time." Sabi ko. Kahit hindi ko talaga alam kung magkakaroon ako ng free time dahil alam kong pagdating ko ng Korea, magiging sobrang bantay sarado talaga ako.

"I'm going to miss you Kei, wala na akong bubwisitin tuwing umaga." Malungkot na sabi ni Shai. I'm actually going to miss her too. Kahit paminsan minsan ay pain in the ass siya.

Walang nakakaalam na ngayon ang alis ko pwera kay Shai, kuya Keith at Kiesha. Maiiwan kasi dito sa Pinas sina kuya Keith at Kiesha dahil hindi naman sila nakasama sa ultimatum na binigay ni halmeoni.

Kasabay ko sila daddy sa pag-uwi, marami pa daw kasi silang aayusin at imemake sure din daw nila na hindi malalaman ni halmeoni na hindi talaga kami nagbreak ni Kiefer.

Kahit bago pa magboard ang eroplano ay hindi ko man lang nakausap si Kiefer. Nag-iwan lang ako ng letter sa kanya na I'm going back din naman. Sa totoo lang, natatakot ako sa LDR.

Ayon kasi sa mga nabasa ko, some relationships na LDR ay kadalasang hindi nagtatagal dahil its either naiinip yung naiwan or nakakahanap na sila ng bago. I just wish na hindi mangyari sa amin ni Kiefer iyon, dahil I'm doing this naman for the sake naming dalawa.

I can't afford to lose my Kiefer.

Agad kong tinawagan si Kiesha pagkalapag ng eroplano namin sa Korea, she said na hindi parin daw nagpapakita si Kiefer sa kanila. Kahit sina Jayden daw ay hindi alam kung nasaan si Kiefer.

I was worried, syempre. Ni hindi nga niya alam na lumipad ako ng Korea ngayon. "Are you okay anak?" Tanong ni daddy, tumango lang ako sa kanya at napabuntong hininga.

Walang iksayang oras si halmeoni pagkadating namin sa bahay niya sa Gangnam district. Agad niyang inutusan ang secretary niya naienroll ako sa SNU, isa sa prestigious university sa Korea. Ang alam ko nga mahirap makapasa doon, pero dahil sa connection ni lola, pasok agad.

"I'm happy about your decision, iha." Nakangiting sabi ni halmeoni, pero mayroon sa ngiti niya na nakakatakot. I don't know. Ngayon lang ako natakot ng ganito kay halmeoni eh.

The school will start at summer pa raw kaya I still have time para magbakasyon. I suddenly wanted to go home kahit halos kababalik ko lang ng Korea. I'm worried kasi dahil hanggang ngayon hindi ko parin nakakausap si Kiefer, although ilang beses ko siyang tinry i-contact sa Skype or kakao. Pero wala talaga.

"By the way, iha. Magprepare ka for dinner mamayang gabi. Gusto kitang ipakilala sa aking amiga." Lumabas siya ng kwarto ko at doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Habang nandito ako sa bahay ni halmeoni alam kong wala akong freedom. Mukhang kailangan ko talagang magpakabait para makabalik ako ulit ng Pinas.

Later that night, isang simpleng white dress lang ang isinuot ko at pinartneran ko ito ng flat shoes, hindi naman kasi ako sanay magsuot ng heels. Akala ko kasama sina mommy sa dinner na sinasabi ni halmeoni pero kami lang palang dalawa.

Sa isang sikat na high class restaurant kami pumunta. Pagpasok namin ay halos maamazed ako sa ganda ng lugar.

"Mrs. Jung! Kanina pa ba kayo nandito? Pasensya na't medyo natagalan kami." Bati ni lola sa isang ka-edad niya lang halos. Eto na siguro yung sinasabi niyang kaibigan niya.

"Aigoo, okay lang, Mrs. Kim. Halos kararating lang din namin nitong apo ko." Napatingin ako sa lalaking katabi niya. Nakatingin din ito sa akin at napansin ko ang pagsmirk niya.

Gusto ko sana siyang irapan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil kasama ko si halmeoni, panigurado kasing papagalitan ako nito dahil sa 'unlady like reaction' ko.

"Iyan na ba ang apo mo, Mrs. Kim?" Nakangiting tanong nito kay halmeoni. Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanila. "Kay ganda naman pala, kamukhang kamukha niya si Anthony."

"Sinasabi ko na ba't bagay sila niyang si Jaewon. Hindi ba, Mrs. Jung?" Napalingon ako dahil sa sinabi ni halmeoni. Nakangiti ito sa kaibigan niya.

No way. No freaking way. Sana naman hindi tama ang iniisip ko. "So, should we plan the wedding already?" Nakangiting sabi sa akin ni Mrs. Jung. Napatingin muli ako sa binatang nasa harapan ko. Tahimik lang siyang nakikinig sa pag-uusap ng mga lola namin.

"Kumare naman, hindi ba dapat ay magkakilala muna sila ng lubusan bago natin sila ihanda sa kasal? Why don't we just let them date?" Gusto ko sanang umepal sa pag-uusap nila pero hindi ko magawa dahil sa takot ko kay halmeoni.

"Oo nga naman, silly me." Humarap si Mrs. Jung sa apo niyang si Jaewon at hinawakan ang kamay nito. "I want you to date Keira okay? Oh, paano maiwan muna namin kayong dalawa nang makilala niyo ang isa't isa okay?" Agad tumayo sila ni halmeoni at hinalikan pa ako sa pisngi.

Magrereklamo pa sana ako ngunit mabilis umalis sina halmeoni. I was stuck with this guy named Jung Jaewon. I wonder kung kaano ano niya sina Chanlee. "Agree ka ba sa gusto nila?" Tanong niya sa akin.

Napayuko ako pinaglaruan ang mga daliri ko sa kamay. "Actually, I have a boyfriend na nasa Pilipinas at engage na kami but he doesn't know I went back here." Napatango tango lang siya at tinignan lang ako, as if may iniisip siya.

"Kung may boyfriend ka pala, ibig sabihin may chance na hindi matuloy ang plano nilang dalawa ni lola." Napangiti niyang sabi.

Ngayon ko lang napagtanto na gwapo rin pala itong si Jaewon, pero syempre mas gwapo parin si Kiefer. "Akala ko hindi ka tutol sa gusto ng lola mo."

Umiling lang siya. "Of course, ayoko rin naman sa idea na mafixed marriage ako ano. Gusto ko parin na ako mismo ang makakahanap ng taong mamahalin ko." Napangiti ako sa sinabi niya. "So paano, sabi sa atin ni lola we need to know each other. Saan mo gusto pumunta?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Tinignan ko lang siya. "To be honest, never ko pang naikot ang Seoul, so can you be my tour guide?" Natawa naman siya at napailing. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko and I gladly accepted it.

**
[A/N: another new character! :) Btw, I entered this story sa wattys2016, so I hope you'll support it. :) Don't forget to vote and leave a comment! (^・^) Gomawo~]

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon