THREE

182 4 0
                                    

EDITED

❇❤❇❤❇

Fourth year high school kami noon, nung makilala ko ang bestfriend kong si Hazel, ayaw ni Kiesh sa kanya dahil nararamdaman daw niya na pinaplastic lang ako ni Hazel, syempre hindi ko naniwala.

At that time, meron akong guy na friend, he started courting me the same year, he likes me because of my voice. I was a singer that time. I always join on different competitions at nagiging panlaban din ako sa mga interschool competitions. He was always by my side lagi.

Pero nagulat nalang ako one day, hindi na siya nagparamdam nor nagpakita man lang sa akin, same with Hazel. I was worried about them, pero sabi sa akin ni Kiesh she saw them sa bahay ni Hazel.

Hindi parin ako naniwala until I saw them with my own eyes, they were kissing under a tree sa park malapit sa school namin.

I don't know what to do, nasaktan ako. Yung dalawang taong pinagkatiwalaan ko, niloko ako. Instead na sugurin ko sila at gumawa ng eskandalo, I chose to walk away.

Since that day, mas pinili kong ishut down ang sarili ko sa mundo. Iilan lang ang naging kaibigan ko, kasama na doon si Shai.

❇❤❇

Mabilis lang kumalat ang chismis, may nakakita daw sa amin na nag-uusap sa parking lot.

At sabi nila nililigawan na ako ni Kiefer, like what the fuck, kakakilala lang namin. I don't even trust him, medyo lang. We're just friends pero ayaw nila maniwala kaya mas pinili kong wag na silang pansinin. Isipin nalang nila ang gusto nilang isipin.

Sobrang kinulit pa nga ako ni Kiesha noong nalaman niya iyon. Gusto ko na sanang palayasin sa bahay tong si Kiesha kasi napakakulit nya

Napagod din naman siya sa kakakulit sa akin kaya payapa akong nakapagbrowse ng SNS ko.

Nakaagaw pansin sa akin ang pangalan ng pitong bagong lalaking nagsend ng friend request sa akin. Naisip ko naman na walang mangyayaring masama if iaccept ko sila kaya I pressed the accept button.

And once again, I feel so irritated kasi dumami nanaman ang nagpopost sa wall ko, and they were all commenting tungkol sa pagaccept ko ng friend request ng iKON.

Seriously, ganon ba talaga kabig deal sa kanila ang nangyayari sa buhay namin?

"Ngayon lang kita nakitang ganyan." Natatawang sabi ni Keith, our brother. "Mukhang inis na inis ka na ah."

"Paanong di maiinis yan, mukhang lalo pa siyang mauunder sa spotlight sa school dahil sa new guys." Sagot ni Kiesha kaya napairap nalang ako.

Napatingin sa akin si kuya Keith with a curious look on his face. Aalis na sana ako pero hinatak nila ulit ako paupo. Wala nanaman akong takas sa kanilang dalawa. "Why? Anong nangyari? Who are the new guys?" tanong niya.

"The new guys wanted her attention, lalo na yung leader nila na si Kiefer Kim. Someone saw them talking sa parking lot at chinismis na nanliligaw na si Kiefer kay Keira." Kinikilig pang kwento ni Kiesha.

Napaisip naman sandali si kuya Keith at napailing. I curiously looked at him. "Ah, seriously, that guy. Sinabi ko namang lumayo eh." Natatawa niyang sabi.

"Bakit kuya? You know him? I mean, alam kong kilala mo siya dahil sikat siya sa school pero what do you mean?" Nagtatakang tanong ni Kiesh. It seems kasi na may alam si kuya Kieth sa mga nangyayari.

"I told Kiefer na may dalawa akong kapatis na babae. And they were really curious about you two kaya siguro sila lumipat ulit sa YGU." Napapailing na sabi niya. "Lumayo kayo dun, gago yon." Natatawang sabi niya at ginulo pa ang buhok ko.

So nakilala ako ni Kiefer dahil sa kuya ko. He never mentioned my brother though. Malamang sa malamang they attended the same academy sa Korea dati.

Natural lang naman kay kuya Keith na ipagmalaki niya kaming mga kapatid niya. Pero he's really protective sa aming tatlo. Lalo na sa akin.

Sila lang ni Kiesh ang kasama ko sa bahay bukod sa mga maids namin. Wala kasi lagi sila mommy at ate dahil busy sa business ng family. Kaya kaming tatlo lang ang magkakasama sa bahay.

Ate Chaerin is currently the CEO of Lee Entertainment, ang business ng family namin. Mom and dad naman ang nag-aasikaso sa mga business partners kasi busy na si Ate sa pagmamanage ng artists niya.

Si Kuya Kieth naman is 4th year college at kami naman ni Kiesh ay 2nd year college. Lahat kami Business Management ang kinukuhang course, although mas prefer ko talagang mag-applied music, pero dahil sa nangyari years ago, sinunod ko ang gusto nila.

Katulad nga ng sinabi ng aking pinakamamahal na kapatid, I really tried my best na umiwas sa pitong yun noong pumasok kami kinabukasan.

Halos patayin naman ako sa tingin ng mga fangirls nila dahil nga sa nangyari the other day, at sa pag-accept ng friend request. Imagine, dahil lang doon nagkakaganun na sila.

"Dude, kung nakakamatay lang ang tingin kanina ka pa patay." Natatawang sabi ni Shai while looking at those girls na masama ang tingin sa amin, especially sa akin.

"Ang ganda mo kasi sis. Dami tuloy naiinsecure sayo." Malakas na sabi ni Kiesha kaya karamihan sa mga nakatingin sa amin ay umiwas ng tingin. Takot talaga sila kay Kiesh, bruha din kasi yan magalit.

One time nga may binuhusan siya ng mud sa gitna ng hallway, yung girl na yun yung nang-agaw sa boyfriend niya that time. Kaya halos karamihan takot kay Kiesha lalo na paggalit ito.

Pagdating namin sa classroom ay naabutan naming nakangiti sa amin ang iKON, nag-hi sa kanila yung dalawa at ako asahan niyo pang bumati sa kanila.

Pagkaupong pagkaupo ko, nagulat ako noong biglang lumapit ang mukha ni Kiefer sa akin at bumulong. "I messaged you, pero mukha nainbox-zoned ako." Agad kong inilayo ang mukha ko sa kanya. Mahirap na, baka bigla pa akong mahalikan nito or what. "Mukhang pursigido talaga si Kieth na bakuran ka kasi alam niyang popormahan kita once na magkita tayo."

"What message?" Nagtataka kong tanong.

Sa totoo lang, hindi ko talaga nabasa yung sinasabi niyang message niya, I was busy reading kahapon bago ako kulitin nina Kiesha about samin nitong lalaking ito.

"I think I didn't receive your message." Sagot ko sa kanya.

"Ganyan ka ba talaga? I mean, sobrang tipid mong magsalita and you rarely smile. Pero sa mga pictures mo naman you are always smiling?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Are you stalking me?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, I mean No. Syempre pinakita sa amin ni Keith yung picture mo dati na nakangiti ka. I thought you are always smiling pero nagkamali ata ako, kasi lagi kang nakasimangot eh." Nakangiti niyang sabi.

I just stared at his face for like a minute. I can't believe na naobserve niya agad yun. Naiisip ko tuloy na baka stalker ko nga talaga itong lalaking ito.

"Do you like me?" Halata sa kanya na nagulat siya sa naging tanong ko, agad naman niya iyon na binawi at binigyan lang ako ng tipid na ngiti. "You know what, I have these issues na hindi ko alam kung maiintindihan ba ng ibang tao once na malaman nila. Natatakot ako na baka iwan din nila ako gaya ng ibang taong dumaan sa buhay ko." Hindi ko alam bakit ko iyon inopen sa kanya. Siguro dahil I feel comfortable with him? Atsaka mukha naman siyang sincere sa pakikipagkaibigan sa akin, hindi katulad ng sinasabi ni kuya Keith.

"Then you should overcome those issues. Dapat hindi ka magpaapekto sa takot na nararamdaman mo, you should bring back your smile. Sabi ko naman sayo hindi ba? Mas maganda ka kapag nakangiti." Nakangiting sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti rin ako sa sinabi niya.

Dapat nga siguro na maovercome ko ang issues na yun for a better me.

"I can trust you naman diba?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

Agad ko naman pinalo ang kamay niya at binigyan siya ng masamang tingin. "Not my hair." Pero natawa lang siya at ginulo parin ang buhok ko.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon