TWENTY TWO

97 1 0
                                    

Edited

💖💖💖

P

arang nananaginip parin ako ngayon dahil sa nangyari kahapon. Alam mo yun, after ng ilang months nangyari na yung dating pinapangarap ko lang.

Naging usap usapan sa buong campus ang ginawang surprise proposal ni Kiefer. Halos lahat ng kababaihan tuloy ay naiinggit sa akin ngayon. May kumalat pa ngang video namin sa SNS, and everyone was really into Kiefer ngayon.

Kung maraming natuwa sa ginawa niya, marami rin nainis. Dahil hindi pa raw nakakathree months halos after makipagbreak kay Kiesh naging kami agad. Hindi naman mawawala iyon dahil una magkapatid ang pinatos niya. Pero hindi naman kasi nila alam ang totoong story behind that.

Napapangiti parin ako sa mga simple gestures niya. Maging pati ang pag-akbay niya or paghawak sa kamay ko kinakikiligan ko na. Sorry naman, matagal ko rin kasing pinangarap to eh.

I swear, hindi ko na talaga hahayaan na mawala pa siya sa akin, once is enough na nga. Ang gusto ko nalang ngayon ay maging masaya kami parehas. Maging si Bobby at Kiesh syempre.

Midterms na at napagdesisyunan namin ni Kiefer na sabay magreview. Papahiramin din daw niya ako ng mga notes niya para daw hindi ako mahirapan may kasamang tutorial din daw.

I really sucked at Math, and he's good at Math kaya siya na raw bahala sa aking magturo nun. May tiwala naman ako sa kanyang makakapasa ako kapag siya ang nagturo. Wala kasi akong tiwala sa teaching skills nung dalawa kong kapatid.

"Naintindihan mo ba?" Tanong niya sa akin pagkatapos niya maituro yung isang item na hindi ko talaga maintindihan.

Napakamot nalang siya sa noo niya noong narealize niyang hindi ko talaga naintindihan ang itinuro niyang item sa akin. "Seriously babe. How did you survive your first year here in YGU?" Napapout nalang ako sa sinabi niya.

Well, ang totoo niyan kasi gusto ko lang siyang itest kung hanggang saan aabot ang patience niya sa pagtuturo sa akin. Napag-aralan ko na rin kasi yung tinuturo niya and I can see na medyo napipikon na siya pero tinitiis niyang turuan ako. "Well, FYI, matataas ang grades ko. Baka nakakalimutan mong isa ako sa mga dean's lister dito sa college natin." Sinara ko ang librong binabasa namin at tinignan siya. "Let's go shopping."

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. He looked at me weirdly, as if may sinabi akong masama at nakamamatay. "Ikaw ba talaga si Keira?" He said. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Nagrereview tayo tapos babanatan mo ko ng let's go shopping? Nananaginip ba ako?" Natawa nalang ako sa kanya.

Hindi ko na siya sinagot at hinatak ko na siya palabas ng library. Free cut naman na kaya okay lang na umalis ng school. "Pero baby, did I really heard you right? You and shopping?" Tanong niya ulit sa akin bago ako sumakay ng kotse niya.

"Yep babe, you heard me right. Kaya tara na't magshopping." Sabi ki at sumakay na sa kotse niya.

Masyado kasi akong nasstress sa mga nangyari these past few months kaya itatry ko ang therapy na sinasabi ni Kiesha na nakakatanggal daw ng stress, one of her faves, shopping.

Agad akong dumeretso sa isa sa mga boutique na laging pinupuntahan ni Kiesha. Sikat kasi ito dahil anak daw ng kapatid ni kuya Jiyong ang may-ari nito, which is kaedad lang daw namin.

Nakakaamaze yung ganun, siguro nasa dugo narin nila ang mainvolve sa business. Sa pagkakaalam ko kasi si kuya Jiyong na ang ceo ng Entertainment company nila, at ang kapatid naman niya ang ceo ng Peaceminusone na fashion line nila.

Tahimik lang akong pinapanood ni Kiefer habang namimili ako ng damit. He looked bored kaya naman hindi na ako masyadong nagtagal sa pamimili at hinatak siya sa mga food stalls doon. Gusto pa nga niya na restaurant nalang daw kami pero hindi ako pumayag.

"You should try these sometimes. Hindi uubra sa akin yang reason na ikaw ay isang Kim. Dahil I used to tell that kay Kiesha tuwing hinahatak nila ako ni Shai dito." Sabi ko after ordering sa isa sa mga favorite food stalls na lagi naming kinakainan nila Shai. Ayaw pa nga ni Kiefer dahil mukhang marumi daw pero pinilit ko siya kaya naman nakasimangot siya ngayon.

"If I die ngayon, ikaw may kasalanan." Bulong niya at inirapan pa ako. Inirapan ko lang din siya dahil sa kaartehan niya.

Noong dumating yung dumplings at siomai na inorder ko, agad humalimuyak ang mabangong amoy nito. Susubo na sana ako noong napansin kong parang naglalaway na si Kiefer habang nakatingin sa siomai.

Tumusok ako ng isang piraso at wala anu-ano'y isinubo sa kanya. Noong una nga ay nakasimangot pa siya, pero habang nginunguya niya yung siomai ay unti unting sumilay ang dimples at ngiti niya.

"Ngayon ko lang to natikman but I guess it will be one of my favorites from now on." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ba pinatry sayo to ni Kiesh? This was one of her favorite foods though." Nagtataka kong tanong sa kanya. Si Kiesha talaga ang madalas dito sa stall na ito. Halos kilala na nga siya nung nagtitinda kaya nakakapagtakang hindi man lang niya nadala si Kiefer dito kahit isang beses man lang.

Umiling siya saka sumubo ng isang dumplings bago magsalita. "We even haven't have the chance to date." Tinignan ko siya with a weird expression. "Seryoso ako. You know how fcked up our relationship was."

I didn't know that. Somehow I felt sorry with Kiesh. She used to tell me kasi na once he got a boyfriend, and they go on a date, she'll make sure na papakainin niya ito ng siomai. Gusto daw niya kasi maging favorite din ng magiging boyfriend niya ang siomai dito. "I'm sorry." Bulong ko.

"You don't have to feel sorry. Hindi mo naman kasalanan iyon." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Mabilis lumipas ang oras at hinatid niya na ako pauwi.

He just stared at me for a moment before he kissed my forehead to bid goodbye. "I love you so much, Keira."

"I love you too, keep safe, Kiefer." Nakangiti kong sabi before I went out of his car. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok ng bahay.

Naabutan ko namang may kakaibang ngiti sa mukha ang kapatid kong si Keith. Yung ngiti niya para bang nahuli niya akong may ginagawang kalokohan. Nilampasan ko lang siya. "Keira." Paakyat na sana ako noong tinawag niya ako.

"Why?" Tanong ko. I could see na medyo bothered siya. I wonder why?

"Paano kung malaman nila halmeoni ang tungkol sa relasyon niyo ni Kiefer? You know how much they hated the Kims although business partners sila nila daddy?" Napabuntong hininga nalang ako. Ilang beses ko na rin yan inisip.

"Ilang beses na yan pumasok sa utak ko, kuya. Simula noong sinagot ko siya yan na yung iniisip ko." Di ko alam kung anong magiging reaction ni halmeoni once na malaman niya ang relasyon namin ni Kiefer.

Hindi ko talaga alam kung saan nag-umpisa ang away ng pamilya namin at ng mga Kims. Kung kila mommy ay okay na sila sa mga Kims, ibahin niyo si halmeoni. Ever since haraboji died, sobra na ang naging galit niya sa mga Kims. Ang sabi lang sa amin nila daddy, magiging okay din daw ang lahat.

Will everything be okay for us?

"If that day comes, Keira. Ipaglaban mo lang ang kung anong meron kayo, okay? We will always be supporting you." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Although hindi ko rin maintindihan kung bakit ganun nalang ang galit ni halmeoni sa mga Kims." Napapailing niyang sabi.

Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot akong mawala si Kiefer at syempre natatakot din akong mawala ang pamilya ko sa akin.

I don't know what will happen with my life oras na dumating ang pagkakataong pipili nanaman ako ng isa sa dalawang pinakamahalaga ngayon sa buhay ko.

[A/N: anyone who's excited for the 4th member of YG New Girl Group? ㅋㅋㅋ

Don't forget to vote and leave a comment! Thankyou. ヽ(^o^)丿 ]

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon