THIRTY TWO

79 1 0
                                    

Keira Lee

"Something is obviously bothering you. Kanina ko pa napapansing natutulala ka nalang bigla. May problema ba?" Seryosong sabi ni One habang kumakain kami ng ice cream.

"I thought I saw Kiefer kanina." Napatingin naman siya dahil sa sinabi ko. "At hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko noong feeling kong nakita ko siya."

"You still love him. You obviously still do." Napayuko nalang ako dahil sa sinabi niya. Totoo naman eh, sa sarili ko lang naman tinatanggi ang totoo. "Aigoo, if I can just do something." Sabi niya at napabuntong hininga. Ganyan lagi niyang sinasabi sa akin for the past two years. Kaso parehas lang naman kaming walang magagawa eh.

"You can do something One. Get a girlfriend or something para macut natin ang gusto nilang mangyari." Tinaasan niya lang ako ng kilay at pinitik ang noo ko.

"I do have a girlfriend though. Pinagseselosan ka nga niya minsan dahil mas may oras ako sayo kaysa sa kanya, pero naiintindihan din naman niya." Halos manlaki ng bongga yung mata ko dahil sa sinabi niya.

"What?!" Gulat kong tanong. "Sino? Bakit ngayon ko lang nalaman?!" Natawa siya dahil sa naging reaction ko.

He just smirked at ginulo ang buhok ko. "You're too busy para mapansin na may girlfriend na ako." Napasimangot nalang ako sa kanya. Narinig ko naman ang pagtawa niya. "You know her."

Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinakita niya sa akin ang picture ng girlfriend niya. At sa pangalawang pagkakataon, nanlaki nanaman ang mata ko. Si Katie Kim ang girlfriend niya. Siya yung pinakamaganda sa buong college department namin.

"Whoa, ang gwapo mo talaga! Paano mo siya pasagot ha?" Natatawa kong sabi. "Pero seriously, I'm happy na finally nahanap mo na ang kaforever mo. Sana ako din."

"Ako pa ba?" He smirked at ginulo nanaman ang buhok ko. Gawain niya ang guluhin ang buhok ko, it reminds me of Bobby and Kiefer. "Nahanap mo naman na eh, kaso ginago ka lang niya." Napasimangot nalang ako dahil sa sinabi niya.

Totoo naman dahil inisip ko narin na baka si Kiefer nga ang ka-forever ko, ang ka-red string ko. Pero all the bullshits happened kaya nagkaganito.

Ilang minuto pa kaming nagstay doon bago namin napagdesisyon na umuwi na. Nagpresinta naman si One na ihahatid niya ako kaya hindi na ako umangal pa.

Halos gabihin na ako sa pag-uwi dahil sa mga kalokohan namin ni One at as usual tanging mga maids lang ang sumalubong sa akin pagdating ko ng bahay.

Napadaan ako sa library ng bahay, since halos one block lang naman ang layo nito sa kwarto ko. Napakunot ang noo ko noong may narinig akong kausap ni halmeoni. Usually wala namang dumadalaw sa bahay namin bukod sa mga friends niya, at nakapagtataka dahil gabi na may bisita pa siya.

Bahagyang nakabukas ang pinto kaya curiosity really strikes me kaya naman sinilip ko kung sino ang kausap ni halmeoni. Napakunot ang noo ko noong nakita ko si Kiesha na nakaupo sa tapat ni halmeoni.

"Totoo po bang may kinalaman kayo sa nangyari kina Kei at Kiefer?" Hindi ko alam pero may nafeel na akong kakaiba dahil sa tanong niya.

"Lumipad ka pa talaga papuntang Korea para malaman kung totoo yan apo? Well, para sabihin ko sayo, yes totoo ang lahat ng iyon. Ako ang may kagagawan lang lahat." Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig dahil sa salitang binitawan ni halmeoni.

So it was her plan pala.

Binuksan ko ang pinto at nagulat silang dalawa sa akin noong nakita nila ako. Walang lumalabas na luha mula sa mga mata ko, siguro ay dahil pagod narin akong umiyak.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon