EDITED
❇❤❇❤❇
"
Wala ka namang lagnat hindi ba?" Tanong ni Kiesh sa akin at hinipo pa ang noo ko.
"What's your problem?" Inis kong tanong sa kanya ang weird niya kasi makatingin simula kanina nung nakita niya akong nakikipagtawanan kay Kiefer.
"Tumatawa ka kanina eh, I'm just checking baka nilalagnat ka or what." Binatukan ko lang siya at napailing. Kung anu-ano ang naiisip nitong babaeng ito.
Pagkauwing pagkauwi namin ni Kiesh ay agad kaming sinalubong ng yakap ni kuya Keith.
"Hi mga dongsaengs kong magaganda, magkakaroon ng party this coming Saturday." Pag-aanunsyo ni kuya Kieth. "Our parents and ate Chaerin will be home on Friday." I groaned out of frustration. I hate parties. Alam nila iyon.
"And we need to come?" Bored kong sabi at tumango lang siya. Napabuntong hininga nalang ako. "Pwede bang hindi sumama? You know I hate parties." Umiling naman siya at mukhang wala na akong kawala doon.
"Ako nang bahala sa'yo Keira!" Excited na sabi ni Kiesh. Ngiting ngiti pa siya kaya binigyan ko lang siya ng isang masamang tingin.
"Kailangan ba talaga kasama ako?" Tanong ko ulit. Baka naman kasi pwedeng sina Kieth at Kiesha nalang. Bakit ba kasi kailangan kasama ako? Bakit pa kasi kailangan kumpleto kami pagdating sa mga ganitong parties?
The last party na inattenan ko ata ay ang debut party ni Shai. Nagtantrums pa talaga siya sa akin noong sabi kong hindi ako pupunta kaya pinilit niya ako ng pinilit hanggang sa pumayag ako.
Wala naman din akong ginawa nun kundi ang maupo sa isang tabi, buti nalang kasama ko nun si Kiesh kaso busy siya sa pakikipag-usap sa mga iba naming classmates na nandun.
"No. Sabi ni mommy dapat ay kumpleto tayo dahil ipapakilala daw niya tayo sa bagong friends niya." Napasimangot nalang ako. I know wala talaga akong laban lalo na pagkay mommy. Siya lang naman ang nakakapagpasunod sa akin pagdating sa mga ganito eh.
Dumeretso ako ng kwarto at naisipan kong buksan ang FB ko, at doon ko nga nakitang nagmessage si Kiefer sa akin. Agad naman akong nagreply at magkausap kami hanggang sa makatulog ako.
Pagdating namin ng school kinabukasan, sinalubong nanaman kami ng tingin at bulungan ng mga estudyante. Typical day.
"Are you coming to Kiefer's party this Saturday? I heard magiging bongga daw iyon dahil birthday niya and pa-homecoming din ng parents niya." Narinig kong bulong noong isang babae sa kaibigan niya.
"Of course! I cannot miss the chance na makilala ang future in laws ko ano." Kinikilig pang sagot nito. I mentally slap myself for eavesdropping sa usapan nila, I should take note to myself na wag makikinig sa usapan ng iba lalo na kung galing iyon sa fangirls.
Napaisip naman ako sa sinabi ni ate girl, may pupuntahan kaming party this Saturday at magtthrow din ng party ang family nila Kiefer for him this Saturday. Hindi ko alam pero naeexcite ako na ewan although I said na I hate parties. Pero baka naman hindi iyon yung pupuntahan naming party this Saturday, kaso hindi naman din sinabi ni kuya Keith kung saang party yung tinutukoy nila mommy. Hay, ewan.
Noong makarating kami sa room, agad hinanap ng mata ko si Kiefer na usually ay nauuna sa akin. Wala parin siya sa upuan niya. I wonder kung bakit? Napuyat ba siya kagabi or sadyang busy lang siya?
Why do I even care? Kailan pa ako nagkaroon ng pakielam sa taong nasa paligid ko?
"Wala siya. He's busy." Narinig kong sabi nung isang kaibigan ni Kief. I think si Chanlee ata ito.
BINABASA MO ANG
SPOILER • Kim Hanbin [FIN]
Short StoryWhen you think everything is already perfect but then problems rises up and drifted you apart. Is it just a coincidence or is it a spoiler of your The End? Are you going to stay or you'll walk away? What if there's a twist? Are you going to stay or...