TWENTY NINE

96 2 0
                                    

Keira Lee

Maaga akong nagising that weekend. Kagabi palang ay inayos ko na agad yung mga gamit ko. Gustong gusto ko na kasing bumalik ng Pinas. Gusto ko na rin makita ang mga kaibigan ko at syempre si Kiefer.

"Are you ready?" Nakangiting tanong sa akin ni One. Maaga siyang pumunta sa bahay para sunduin ako. 10am daw kasi ang flight namin kaya dapat ay maaga rin kaming makarating ng airport. Ngiting ngiti pa nga si halmeoni noong nakita niya si One, natutuwa daw siya at naging close kami agad.

Kung alam lang niya. Kung alam lang niya ang mga kalokohan naming dalawa. Kung alam lang niya na ang binatang pinagkakatiwalaan niya ay tinutulungan din akong makita ang boyfriend ko.

Napuno ng kwentuhan ang buong byahe namin papuntang airport. Tawa ako ng tawa sa mga kinukwento niyang mga kalokohan. Kung wala nga siguro akong boyfriend baka magustuhan ko pa tong si One eh.

Pero syempre hindi ko maiwasan hindi mag-isip ng kung anu-ano, lalo na noong huli kong nakausap si Kiesh, para siyang balisang ewan. Napaparanoid rin kasi ako, lalo na't hindi talaga ako kinocontact ni Kiefer.

Buong byahe akong dilat, hindi ako nakatulog dahil sa excitement ko. Naeexcite na kasi akong makita ulit si Kiefer, miss na miss ko na kasi siya. Samantala, si One naman ay tulog na tulog habang nakasandal sa akin. Kung tutuusin nga sandali lang talaga ang byahe pero ang bilis niyang nakatulog.

Napabuntong hininga nalang ako, parang kamakailan lang hindi naman ganito kagulo ang buhay ko. Dati lagi lang akong nakakulong sa kwarto at in a relationship with my books and bed, pero simula noong dumating sila sa buhay ko, nagkagulo na.

Kung pwede nga lang bumalik sa time na iyon gagawin ko na eh. Kung pwede lang bumalik talaga sa time na na-fall ako kay Kiefer, sana pinigilan ko nalang ang sarili ko.

Pero sobrang thankful ako na naging parte sila ng buhay ko, isang malaking leap nga halos ang nangyari e, from being a cold hearted bitch to a sweet girlfriend. I've never been this sweet kahit sa mga past relationships ko, which also causes me so much pain that I just choose to shut myself out of the world.

After ng ilang oras ay lumapag na ang eroplano sa NAIA. Napangiti ako, I'm finally home.

Nakita ko rin ang pagngiti ni Jaewon pagtapak namin sa airport. "First time mo ba?" at parang bata siyang tumango sa akin at hinatak niya na ako palabas.

Natawa naman ako sa ginawa niya, never knew na may pagkachildish pala itong si Jaewon.

Agad ko namang natanaw ang dalawa kong kapatid at si Bobby na ngiting ngiti noong nakita nila ako. "KEIRA!!" Sigaw ni Kiesha at tumakbo pa siya sa akin.

Iniwan ko ang bag ko kay One at sinalubong ang yakap ng kapatid kong halatang miss na miss ako.

"Sis! I miss you so much!" Sigaw niya habang yakap niya ako.

Natawa naman ako at napailing "I miss you too."

Lumapit din sa amin si Bobby at niyakap din ako ganun din si kuya Keith. Napatingin naman sila kay One na pinapanood lang ang mini reunion namin ni Kiesha.

"Who is he?" Bulong ni Kiesha sa akin.

Napalingon ako kay One at nginitian siya. "Jung Jaewon, apo ng kaibigan ni halmeoni." Nakipagkamay naman sila kay One at wala pa atang ilang minuto ay dinadaldal na siya ni Kiesha.

"Saan mo siya nakilala Kei?" Bulong sa akin ni Bobby habang tinitignan si One na natatawa nalang sa kadaldalan ni Kiesha.

"Korea. As I said, kaibigan ni halmeoni ang lola niya. At gusto nilang maging magkaibigan kami." Sagot ko but he's giving weird stares pero hindi ko lang siya pinansin at lumapit kina Kiesh at One na inaayos ang gamit namin sa compartment ng sasakyan.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon