FIVE

145 2 0
                                    

EDITED

❇❤❇❤❇

Isang malakas na palakpakan ang bumalot sa buong venue sa pagpasok ng magkakapatid na Kim.

Nakatingin lang ako sa kanila; lalo na sa kanya habang ngiting ngiti siyang naglalakad sa gitna with his partner. Hindi ko man lang magawang ngumiti dahil sa nakikita ko, which is really weird.

Hindi ba dapat maging masaya ako dahil alam kong hindi na niya ako kukulitin kung girlfriend man niya talaga yang kasama niya? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Something is really weird with me na talaga. Should I go for a check up?

"Shiz, ang ganda talaga ni Hanna at Seira." Narinig kong bulong ni kuya Keith at naabutan niya akong nagtatakang nakatingin sa kanya. "What? Magkakapatid sila, obvious naman diba?" Sabi naman nito at ngumiti ng nakakaloko, nahalata niya siguro na nag-iiba ang expressions ko.

Umiwas lang ako ng tingin kay kuya Keith at tinignan muli si Kiefer na ngayon ay nakatayo na sa stage kasama ang pamilya niya. Malaki ang ngiti nito sa mukha dahil narin siguro kaharap niya ang halos lahat ng business partners ng pamilya nila.

Noong nagsasayawan na ay mas pinili ko nalang na lumabas ng venue para sana magpahangin. Masyado na kasing nakakasakal yung atmosphere sa loob dahil nag-uumpisa na ang plastikan, ang ibig kong sabihin ay payabangan nila sa businesses nila and everything. Maging kaming mga anak ay kinocompare nila sa isa't isa. Kaya talaga makakaramdam ka ng insecurities paminsan minsan.

"So you're here." Napalingon ako sa nagsalita. "Of course you need to be here, you're a Lee." And there I saw him wearing his signature smile. Nakaformal attaire siya kaya naman lalong lumabas ang kagwapuhan niya. I can't lie with that.

"Yeah, I'm here." Sagot ko at muling itinuon ang tingin sa overlooking view ng city.

Nasa isang mataas na lugar kasi ang venue na ito kung saan makikita mo talaga ang kabuuan ng lungsod. Tahimik lang kami pareho at napalingon lang ako sa kanya noong naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin. "Dapat ay nasa loob ka diba?" Tanong ko sa kanya.

Niyuko niya lang ang ulo niya at umiling at muling ngumiti. "I hate parties. Nakakasuffocate eh. Those formalities. I hate them." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pareho pala kami.

"Same here. Napilit lang ako nila mommy kaya ako napasama dito." Sabi ko at hinubad yung suot kong 5 inches na heels. Sakit kasi sa paa eh.

"You look pretty tonight." Seryoso niyang sabi habang titig na titig sa akin. Halos malunod naman ako sa titig niya kaya ako na mismo ang unang umiwas ng tingin.

"Thanks." Sabi ko at niyakap ang sarili ko. Medyo nilalamig narin kasi ako dahil sa suot kong tube gown.

Nagulat ako noong ipinatong niya sa balikat ko ang coat na suot niya at nginitian ako. "Know what, my sister likes you alot." Sabi ko. Mukhang nagulat naman siya dahil sa inopen kong topic. I know I shouldn't say this to him. Pero I'm just saving myself from falling, alam ko kasing unti unti na akong nafafall sa kanya.

"Ilang beses niyang kinukwento na she really wanted to meet you personally kaya sobrang saya lang niya noong lumipat ka sa YGU." Tahimik lang siyang nakikinig sa akin.

"Why are you saying this?" Tanong niya.

Huminga muna akong malalim. "You should court her." Seryoso kong sabi. Kitang kita naman sa mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko.

"Akala mo ba ganun lang kadali yon, Keira?" Seryoso niyang sabi. "Hindi ako ganung klase ng lalaki. I'm sorry but hindi ko gagawin ang gusto mo." Sabi niya at naglakad na siya palayo.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon