TWELVE

148 2 0
                                    

EDITED

❇❤❇❤❇

Tinupad ni Bobby ang pangako niyang tutulungan niya ako na makalimutan si Kiefer.

Lagi niya akong dinadala sa kung saang saang place na makakapagrelax ako, and I felt really thankful to him.

Nakakahiya na nga dahil isang tawag ko lang talaga dumadating na siya. Specially kapag nasa bahay si Kief at Kiesha, madalas niya akong sinusundo atsaka kami mamasyal kung saan saan, madalas road trip ang ginagawa namin.

He is also being extra careful especially kapag tungkol kay Kief at Kiesha ang usapan. Lalo na sa harap ng barkada kaya nga lagi nila kaming inuusisa kung kami na raw ba, pero alam naman namin pareho na we're just friends.

"Hay nako, buong sem break kayo ni Bobby ang magkasama. I won't be surprised kapag naging kayong dalawa. Seriously." Sabi ni Shai habang naglalakad kami papunta sa registrar. Enrollment nanaman kasi.

"Whatever you say, Shaira Leanne Park." Sabi ko at inirapan siya.

I'm very open naman din with all those possibilities, but my heart was still on him. That guy who hurt me.

"Yeah yeah, sabi mo eh. But I'll be really happy if magkatuluyan kayo ni Bobby eh. Ever since that day kasi mukha ka nang namatayan. You look lifeless dati, mas mukha ka pang mas lifeless ngayon. And nakikita ko lang ulit yung saya mo tuwing magkasama kayo ni Bobby." Hindi ko na siya pinansin at kinuha ko na ang sched ko for this sem.

"Speaking of." Nakangiting sabi ni Shai at napalingon siya kay Bobby at Darren na kararating lang din. They were smiling at me kaya naman binigyan niya ito ng tipid na ngiti.

"Hi. Saan tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya while we're walking sa parking lot. Nakasunod naman sa amin si Shai at Darren na nagkukwentuhan din.

"Remember the underground rap battle? May laban si Kuya Bobby ngayon don." Nakangiting singit sa amin ni Darren.

Napapalakpak naman sa excitement si Shai, naikwento ko kasi sa kanya yung time na dinala ako ni Bobby sa laban niya nun, I was really amazed. Hindi ko akalain na ganun siya kagaling mag-rap. Noong una syempre natakot ako noong dumating kami sa place nung underground battle. Literal na underground kasi siya at yung mga andoon ay mukhang goons na may sobrang scary na mukha although yung place is mukhang bar na pangmayaman.

Hindi siya katulad noong mga napapanood sa tv na sa kalye lang or what so ever, at malalaki din ang pusta, he won a half million that time, and I was really amazed.

Si Bobby ang nagdrive while nasa front seat ako at nasa passanger seat naman yung dalawa. Shai was grinning the whole ride dahil kinikilig daw siya sa amin.

Pagkarating namin dun sa place, agad kaming sinalubong noong mga kakilala nila. While me and Shai were just following them. Nakabantay naman sa amin si Darren kaya hindi rin ako natatakot na.

"How are you doin' Keira?" Nakangiting tanong sa akin ni Darren dahil kaming tatlo lang ang magkakasama ngayon. Bobby was somewhere here dahil nagreready pa ata siya sa battle niya.

"Doin' fine." Nagkibit balikat lang ako at ininom yung juice na inorder nila for me. No hard drinks for us kasi.

"Stop that Darren, baka umiyak yan lagot tayong dalawa kay Bobby." Singit ni Shai. Napairap nalang ako sa sinabi niya.

After ilang minutes ay nag-announce na yung host na magsstart na yung laban. Nasa second floor kami nung place kaya tumayo na kami sa may balcony. Kitang kita ang buong place sa pwesto namin. I was amazed sa sobrang daming taong dumadayo dito para manood ng battle. Mostly mukha silang rich kids talaga.

"Are you ready?!" Nagsigawan ang mga tao. Mostly mga babae yung nasa baba. At obviously fangirl ni Bobby. "Bobby Kim!"

Halos mabingi kami sa sobrang lakas ng tilian, lalo na noong lumabas si Bobby with his signature halos-mawala-ang-mata smile niya. "Goodevening everyone! If you know the song sabayan niyo ako! Hey DJ drop the beat!"

[PLAY YGGR BY BOBBY. PAKINGGAN NIYO PARA FEEL NA FEEL]

Katulad ng sinabi niya. Nagsabayan nga ang mga tao sa kanta niya. Darren told me na si Bobby daw mismo ang nagcompose nung kantang iyon kaya ganun nalang siya kasikat sa underground hiphop world.

"My gosh! I didn't know na ganito ka-hot si Bobby pagnagpeperform!" Kinikilig na sabi ni Shai habang pinapanood namin ang pagbaba ni Bobby mula sa stage. Kita kita sa mata niya ang saya noong matapos siyang magperform.

"Bobby has always been this charismatic tuwing nagpeperform siya dito. Kaya nageexcite lagi ang crowd tuwing nalalaman nilang magpeperform si Bobby." Nakangiting kwento ni Darren. "Lagi kasi kaming kasama pagmay laban siya. Kaya nagulat ako na sinasama ka pala niya dito, Keira. Looks like Bobby is slowly introducing his world to you." Sabi ni Darren na nakasmile sa akin.

With that moment I realize how lucky I am na nameet ko ang isang Bobby Kim who's willing to let me in sa buhay niya kahit alam niyang darating ang panahong masasaktan ko siya sa mga magiging desisyon ko sa buhay.

And I'm really hoping na he won't fall for me like what happened between me and Kiefer, na ang ending ay sa wala rin.

Sa maikling panahon kasi I learned to appreciate every effort Bobby has exerted for me. Those little things made me realize that I'm really lucky to know him and I considered him as one of my bestfriends.

"And I'm happy that Bobby makes you happy. I hope I can always see you smiling from now on, Keira." Nakangiti niyang sabi sa akin. Natigil lang ang pag-uusap namin noong lumapit sa amin si Bobby na nanalo na sa battle.

"Congrats!" Masaya naming bati at tumabi siya sa akin.

From other people's perception siguro, iisipin nilang magboyfriend kami nitong si Bobby dahil sa sweetness na pinapakita nila. Many girls were looking at us, and obviously naiinggit sa akin. For the first time in my life gusto kong magyabang, dahil their idol was my bestfriend.

Alam mo yung feeling na iyon? Sila hanggang tingin lang pero ikaw nakakalapit sa kanila. That's how lucky I am and Shai. Kaya hindi nakakapagtaka na dadarating ang panahon na magkakaroon na talaga ako ng actual na hate club.

"Are you happy?" Tanong ni Bobby sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya. "Thank you for making me happy, Bobby."

"Sabi ko naman sayo diba? I will always be by your side. Kahit anong mangyari." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Napangiti nalang ako. I'm indeed really lucky.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon