ONE

564 7 0
                                    

EDITED

❇❤❇❤❇

"Keira! Seriously, you should go out once in a while you know." Ibinaba ko lang ang librong hawak ko at binigyan ko ng isang bored na tingin ang kapatid kong nanggagalaiti nung nakita niya akong nakahilata nanaman sa kama at nagbabasa ng paborito kong libro.

"Nakakatamad. Mas gusto ko pang humilata kesa makipagplastikan sa mga kaibigan mong plastic." Bored kong sabi at muling itinuon ang atensyon ko sa pagbabasa.

"Aish! Stop calling them plastics!" Naiinis niyang sabi at inilayo sa akin ang minamahal kong libro. "Tumayo ka nga dyan at samahan mo akong magshopping." Sabi niya at walang anu-ano ay hinatak at tinulak ako papasok ng cr kaya wala akong ibang choice kundi ang maligo at mag-ayos.

Shopping was never been my forte since nung natutong mag-ayos ang kapatid ko. Lagi niya akong sinasama sa pagsashopping niya pero never akong nag-enjoy. Sabi nga niya, ang boring daw ng buhay ko.

Bakit, magkakaroon ba ng kulay ang buhay ko once na mahilig ako sa pagsshopping?

Excited na excited na pumasok sa mga boutique si Kiesha habang ako naman ay bored na bored at nakasimangot na nakasunod sa kanya.

Pareho kaming mayroong sariling card kaya panay ang kuha niya ng mga nagugustuhan niyang mga damit. Kaya minsan nagugulat nalang sila daddy sa laki ng bill niya. While me, well sa libro ko lang naman nagagamit yung card ko.

"Are you done?" Tanong ko sa kanya. Nahalata niya siguro talaga na hindi na ako natutuwa sa pagsshopping niya kaya napasimangot siya ng di oras.

"Seriously sis, di ka ba talaga nageenjoy sa shoppings?" Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya inirapan niya ako.

"Ikaw lang naman nageenjoy sa pagsshopping, well kayo ni ate Chae. Wala akong pakielam sa sasabihin ng tao sa akin. Hindi naman nila ako pinapakain." Inirapan lang niya ako at iniabot niya yung card niya sa cashier.

Actually, feeling ko nga ay nadala lang ng fame niya ang pangalan ko sa school namin. Everyone knew me as an Ice princess kasi daw I act really cold to everyone except my sister and my bestfriend Shai, unlike Kiesha who was known as a social butterfly at ang ate at kuya ko na kilalang fashionista.

Napangiti ako noong nakita kong tapos na siyang mamili. "At ngayon my dear sister, ako naman ang manghahatak sayo. Dahil sinama mo ko sa mall you need to buy me a book." Nakasmirk kong sabi sa kanya at hinatak siya sa pinakamalapit na bookstore.

Hindi ko pinapansin ang pagrereklamo ng mahal kong kapatid, instead itinuon ko ang attention ko sa mga librong nakapaligid sa akin.

Parang heaven talaga tuwing nandito ako sa bookstore. Hindi ko alam kung kailan ako nahilig sa pagbabasa, pero I really enjoy reading.

Hahawakan ko na sana yung libro na matagal ko nang hinahanap noong may kamay na humawak din doon. Pagtingin ko isang gwapong lalaki ang nakahawak doon. Kung isang normal na babae ang makakaencounter ng ganitong scene, matutulala sila at hahayaang makuha ang book kahit na gustong gusto niya iyon. Pero ibahin niyo ako.

"Bitaw." Walang emosyon kong sabi habang nakatitig sa mga mata niya at hawak parin ang libro. Hindi ko na papakawalan pa ang librong ito.

Ang tagal tagal ko na kayang hinihintay ang release ng book na ito at hindi ko hahayaan na isang gwapong lalaki lang ang aagaw nito sa akin.

"No. Ikaw ang bumitaw." Nakasmirk niyang sabi at bahagyang hinatak pa ang libro. Pero syempre hindi ako magpapatalo, hinatak ko rin ito papalapit sa akin.

"I said, bitaw. Hindi mo ba ako nakikilala? Isa akong Lee at walang ni isa ang nagtangkang makipag-agawan sa akin." Sabi ko at tinaasan ko pa siya ng kilay.

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon