THIRTY ONE

72 1 0
                                    

Kiesha Lee

"He doesn't want to go out. Mukhang apektado parin siya ng break up nila ni Keira." Sabi ni Jayden after niyang dumating sa bar na pagmamay-ari ng pamilya nina Chanlee.

Sina Shai, Kiefer at Keira lang ang wala ngayon dahil bumalik na ng Korea si Kei, habang si Kiefer naman ay hindi na nagparamdam sa amin after that incident. Wala na nga rin kaming balita kay Gianna. Ang huling nasagap ko nalang is bumalik daw ito ng New York. Si Shai naman hindi ko na alam ang nangyari sa kanya.

Nagstart narin ang panibagong school year at maraming nagtataka kung bakit wala na si Keira sa YGU at ang hindi pagpapakita ni Kiefer. Wala naman sa amin ang gustong magkumpirma ng mga umiikot na issue sa YGU tungkol doon sa dalawa, bahala na silang mag-isip.

"Aba, kahit ako din naman hindi ko na kayang magpakita kung ganun ang nangyari ano." Sabi ng kararating lang na si Jeron. "Hindi ko maintindihan kung paano niya nagawa kay Keira iyon. Alam natin kung gaano kamahal ni Kiefer si Kei diba."

Iyon nga rin ang iniisip ko, paano nagawa ni Kiefer iyon sa kapatid ko. Eh nagbreak nga kami dahil sa pagmamahal niya kay Kei diba. There is something na tinatago niya sa amin.

"Ang huling pag-uusap namin ni Kief ay yung time na kadadating lang ni Gi." Napatingin ako kay Yael dahil sa sinabi niya. "At may nasabi siya noon sa akin na nahihirapan siya sa sitwasyon nila ni Kei. Pero wala na siyang ibang sinabi bukod doon." Napakunot naman ang noo ko dahil doon, that's the same day na umuwi si halmeoni.

I hope hindi tama ang naiisip ko, dahil I'm sure sobrang masasaktan si Keira sa mga malalaman niya if ever tama ang naiisip ko. "That's the same day na umuwi ang halmeoni namin. And that's the same day na pinapili si Kei between our family and Kiefer." Napatingin naman sila sa akin dahil sa sinabi ko.

"So, may chance na baka kagagawan ng lola mo ang lahat ng ito?" Tanong ni Chanlee. Napatango lang ako sa kanya at napabuntong hininga. "How can she do that?" Bulong niya pero narinig parin namin ito.

"Ang tanging alam ko lang, ayaw ng halmeoni namin sa mga Kims. And we don't know the real reason behind that." Nakita ko ang pagkunot ng noo nina Jayden, siguro maging sila ay hindi rin alam ang tungkol doon. "And One's sudden appearance? Feeling ko talaga planado ni halmeoni ang lahat. Looks like si One ang gusto talaga ni halmeoni na makatuluyan ni Kei. At halata naman na may ayaw sabihin si Keira sa ating tungkol kay One diba?" Napatango naman sila sa sinabi ko.

"How did you came up with these conclusion?" Tanong ni Bobby sa akin.

Nginitian ko lang siya. "of course, walang hindi malalaman ang batang curious." Ginulo naman niya ang buhok ko kaya pinalo ko ang mga kamay niya.

"Sa tingin niyo may pag-asa pa?" Malungkot na tanong ni Darren.

"I don't know either. Alam ko namang mahal parin ni Kei si Kief eh." Nakikita ko iyon tuwing nagvivideo call kami tapos bigla niyang itatanong kung kamusta na si Kiefer.

"Well sa tingin ko, sa ngayon dapat natin malaman kung tama ba ang speculations ni Kiesha. Saka tayo gumawa ng move para magkabalikan yung dalawa pagnaayos na natin ang lahat." Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Bobby.

Weeks have passed at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagtagpo ang landas namin ni Kiefer. He was on the phone at mukhang hindi ramdam ang presence ko.

"You know I had my reasons, Gianna." He was talking with Gianna over the phone at sa lakas ng boses niya, hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila.

Nagtago ako sa may pader sa tabi kung nasaan siya, sapat na para marinig ko ang sinasabi niya. "I'm sorry, if nadamay ka pa sa gulong ito." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. What does he mean na gulo?

"Wala kasi akong laban kay Mrs. Lee, Gianna." Halos mabato ako sa kinatatayuan niya dahil sa sinabi niya. What the hell? Our halmeoni was involved sa nangyari?

"You know I can't do anything. Hawak niya ang malaking stock sa company namin at tinakot niya ako na ipupull out niya lahat kapag hindi ko hiniwalayan si Keira." Tears started to came out, I can't believe na kayang gawin ni halmeoni iyon.

"I love her so much, pero pinili ko ang pamilya ko over her. Ngayon pinagsisisihan ko na ang lahat. It fucking hurts na makita siyang masaya sa piling ng iba." Umalis agad ako kung saan ako nagtatago.

Hindi ko na kasi mapigilan pa ang paghikbi ko dahil sa pag-iyak, I know ang O.A ko pero hindi ko maintindihan ko kung bakit naging ganun ang ginawa ni halmeoni kay Keira at Kiefer. Paano pa kung si Keira mismo nakarinig ng lahat ng iyon.

Tinry kong tawagan si Kei pero busy ang phone niya kaya tinawagan ko si Bobby at sinabi sa kanya ang lahat ng nalaman ko. Maging siya ay nagulat.

"I knew it, may mali talaga. Kilala ko si Kiefer at hindi siya gagawa ng mga bagay na hindi niya pinag-iisipan." Humigpit ang kapit ni Bobby sa manibela habang deretso parin siyang nakatingin sa labas ng sasakyan.

"Hindi ko parin alam kung ano ang tunay na reason kung bakit nagawa ni halmeoni iyon." Hindi ko maiwasan na mag-isip ng kung anu-ano. Kailangan malaman ni Keira ito as soon as possible pero hindi ko naman siya macontact.

"May isang paraan pa naman Kiesh, ang tanungin mo sa halmeoni ninyo ang totoo." Napalingon ako kay Bobby na ngayon na seryosong nakatingin sa akin.

"Then if that's the case, then lilipad nako ngayon papuntang Korea." Sagot ko sa kanya at lumabas na ng kotse niya. Tinawagan ko rin si kuya Keith na busy narin sa trabaho niya, he was in Korea narin at tinutulungan si ate Chae na magpatakbo ng Lee Ent. nagulat pa siya sa biglaang kagustuhan ko na bumalik ng Korea.

Bakit ba ganito kakumplikado ang buhay namin? Bakit ba napakaraming kontrabida sa buhay ng kapatid ko? Gusto lang naman namin na maging masaya si Keira pero bakit ganito? Nakakafrustrate naman.

Buti nga ay nakakuha agad ako ng ticket papuntang Korea. Kailangan ko talagang malaman ang lahat for the sake ng kapatid ko. She had done so much things for me at kahit ito man lang ay maging daan para makabawi ako sa mga nagawa niya para sa akin.

"Oh, napauwi ka ata?" Gulat na sabi ni mommy noong nakita niya ako. Agad ko naman siyang niyakap.

Hindi ko alam kung alam din ba nila mommy ang ginawa ni lola two years ago. "Namiss ko na si Kei eh. Hindi niya na ako tinatawagan dahil busy siya." Nakasimangot kong sabi. "By the way, mommy. Nandyan ba si halmeoni?"

"Nasa library anak, I think you need to say Hi din sa kanya since she misses you too." Tumango lang ako kay mommy at umakyat na papuntang library ni halmeoni.

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa pinto ni halmeoni. Saka lang ako pumasok noong narinig ko na yung pagsagot niya.

"Halmeoni." Napalingon siya sa akin at nginitian ako.

Hindi ko alam kung paano ko itatanong sa kanya ang mga gusto kong malaman, pero feeling ko alam narin naman niya ang dahilan ng pagbalik ko ng Korea. "Itanong mo na sa akin ang mga gusto mong itanong."

Huminga muna ako ng malalim. "May kinalaman po ba kayo sa nangyari kina Keira at Kiefer?"

Nakita ko lang ang pagngiti niya. Isang ngiti na makakapagpakilabot talaga sa iyo. For the first time ever, natakot talaga ako kay halmeoni.

*

[A/N: Hi guys! Two more chapters to go! Don't forget to vote and leave a comment. Gomawo~]

SPOILER • Kim Hanbin [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon