[CAILEE's POV]
Makapagbasa na nga lang. Tss. Before I scan the book's pages, a picture on the table caught my attention.
"Kanino kaya to?"
Tss. Bahala na nga.
"Paano napunta si Eros dun?" I'm referring to the mystery-book I'm reading.
Arggh. I'm out of concentration. Sino ba kasi 'tong nasa picture. Di ko naman 'to kilala. Tsss. Di naman kita kilala. Baka nga artista. Ba't ko naman kasi kinuha 'to! Cailee, isauli mo 'yan!
"Cailee!!!"
Sina Aria! Buti pa, I'll keep this picture nalang baka makita pa ng mga shunga ang picture na 'to at panghihinalaan akong creep.
"Quiet!" the librarian reprimanded.
Hahahahahahahahahahaha. Ang iingay kasi! Papasok na nga lang ng library, ang iingay pa.
"Kung makatawa naman 'to, parang wala ng bukas."Aria commented at my reaction.
"Ano 'yang binabasa mo? Mystery-book?" kunot-noong tanong ni Eia.
"Yep! And I have a mystery to tell! You know what, mysterious things took place when I started reading this book."
Pareho namang na intriga ang dalawa.
"In every page na hinintuan ko kasi, the next time around, may mga papers na naka-sukbit do'n. Written in the papers are equastions to be solved at yun, nakatanggap ako ng mga minion stuff kapag nasasagot ko."
"What's the mystery there? Boring"
"Grr. Shut up, Eia! Don't you get it? How come he knew my favorites? How did he know the pages I stopped at?"
"Yeah. Yeah. I got that. How did he know?" Aria got intrigued.
"Aria, naisip mo ba ang naiisip ko?"tanong ni Eia.
"Yep!"
Ano na naman ang sekreto g dalawang 'to?
"What are you thinking?"
"Hahahahaha. Wala ka na dun." nakangising sagot ni Eia na sobrang nagpaasar sa'kin.
"Hmp! Diyan na nga kayo!"
Di talaga sumunod ang mga shunga. Kaasar. Ano kaya ang plano ng mga 'yon?
Sa pagmamadali ay muntik ko ng mabangga ang isang lalaking nagmamadaling lumabas ng library.
"Ay sorry." pagpapaumanhin ko.
Nakalayo na ako sa library when I remembered the guy's face. Mabalikan nga! Baka sakaling makasalubong ko pa 'yon. He's really familiar. Sa'n ko ba nakita ang lalaking 'yon?
"Wala na? Ang bilis naman!" Teka. 'Yong- "Right! Right!" I just uttered and took my wallet from my bag.
"Siya nga 'to! 'Yong lalaking nakabangga ko kanina, siya 'yong nasa picture!" Teka. "Ano naman ngayon? Ano'ng paki ko sa lalaki na 'to?"
Makaalis na nga lang.
"Aahhhh!"sigaw ko nalang nang may sira-ulong nanggulat sa'kin. Tawa pa ito ng tawa.
"Baliw ka ba?"di na ako nakapagpigil. Sa sobrang inis ay hinampas ko siya ng bag ko. Tawa parin siya ng tawa kaya hindi ako tumigil sa kaha-hampas sa kanya.