[Kevin's POV]
Before going home that afternoon, naisip kong puntahan muna sya. I just wanted to see her. My life is really upside down right now and Cailee's the only cute little thing that can make me forget the sh!ts in the world at the moment.
She's there, sitting on her favorite bench with her friends.
"Cailee ah! Parang ang close nyo na?" Ano naman ngayon? Pasalamat siya nakalimutan ko ang pangalan niya kundi lagot siya sa'kin.
"Kung alam mo lang Cailee,nagseselos na 'yang Arianne na yan. Hahahaha. Akalain mo, pinangarap niyang maikasal kay Baby Kevin ko—"
Lalapitan ko pa ba siya? Mukhang malabo naman kasing makausap siya. Makauwi na nga lang.
"Nagpapakabait lang ako sa baliw na 'yon para naman payagan nya akong mag-excuse, tulad ngayon. Hmm. Aria, ibinenta nyo na ba ang university?"
Tumango naman si Arianne.
Anong sabi niya? Nagbabait-baitan lang siya sa'kin? Wow. So ang totoo, ayaw niyang malapit sa'kin. Ayaw niyang kasama ako. Tss.
"At sila ang nakabili?"
"Pero alam mo ba Cailee. Wala syang special treatment sa mga professors at administrators. May subject ngang warning for drop out na siya."
"Talaga Eia? Hay naku. Wait. Do we have to talk about him?"
Nagpapakabait ka lang pala sa'kin para payagang mag-excuse. Huh? Humanda ka bukas Cailee Park.
"Kevin ano to?"salubong ng magaling kong kapatid pag-uwi ko.
"Anong ano 'to?"
"Ba't na sa 'yo ang keychain na 'to?"tanong niyang nagpakunot ng noo ko.
"Ano naman na sa'yo e kay Cailee yan. Teka? Sayo ba galing yan?"
Di siya nagsalita.
"Di mahalaga kay Cailee 'yan kaya nga napunta sa'kin eh. Lumabas ka nga ng kwarto ko!" bulyaw ko sa kanya.
"Kevin? Kent, why are you quarreling again?" mom interrupted.
"Bat ganyan kayo makatingin sa kin? Inisip nyo na namang kasalanan ko? Palagi nalang ba mom? Si Kent na naman? Porque siya 'yong mabait, magaling, matalino?"
"Kevin,son,what are you saying?"
"Tama naman ako eh. Kapag mali, ako lagi ang nakikita niyo dahil lagi namang tama si kuya!"
"Anak?"
"Leave me alone! You both get out of here!"
Walang kwentang buhay to oh! Badtrip na nga ako sa Cailee na yon! Dagadag pa 'tong isang magaling dito! Tss. Ang lakas pumapel.
Kinabukasan,maagang nasira ang araw ko.
"Kevin, sumabay kana sa 'kin sabi ni dad."bungad ng nagmamagaling na namang si Kent. Kinunutan ko siya ng noo.
"Kinuha na ni daddy 'yong susi ng kotse mo."
"Bullshit!!!" Nasipa ko yong sofa sa sobrang galit. Wala talagang modo 'tong lalaking 'to! Sana pala wala nalang akong ama! Ba't niya ba ginagawa 'to?
"Kevin! Where are going? Wag mo ng galitin si Dad—"
"Buwiset na buhay to! Punong-puno na ako! Nung una, mas mura yong kotse ko! Di kasing gara ng lamborghini mo! At ngayon, kinuha pa sa'kin ang pangit na kotseng 'yon? Anong susunod dito? Wala na akong allowance, wala ng—"