I felt someone putting weight on my stomach. Only one person loves doing this. Ugh. She's really annoying especially during mornings! I'm still so sleepy.
"Arie, go away."I shooed her as I swatted her head off my tummy. Yes, I'm her human pillow.
"It's ten already Cailee! You're oversleeping again!"
"I slept at five this morning, idiot."
"What?"
Bumangon nalang ako tutal ang ingay niya rin naman. Damn. Ang sakit ng ulo ko. Parang malalaglag. Kapag kinulang ka nga naman sa tulog.
"Is dad and mom going home for lunch?"I asked her after brushing my teeth.
"I don't know. I'll make a call."
"Please do."
I checked a few emails while Aria called mom. Everything's good. It's a good morning indeed.
"So? Are they coming home? Will I haul the kitchen now or will it be just the two of us again?"
"Uhm. They're coming home."
Nagluto ako para sa lunch namin. But for the nth time, naloko na naman ako ni Aria. Hindi umuwi si mom at dad. Sinabi niya lang 'yon dahil alam niyang mag-oorder lang ako ng pizza or McDo kapag kami lang dalawa. Tss.
Busy sina mommy at daddy sa pag-aasikaso ng papeles nila para sa kasal. It's been two years since I've decided to do the right thing. Mapapatawad ko lang ang sarili ko kapag napakawalan ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko. That's what I told myself. Pero iba pala talaga. No'ng nalaman ko ang pagkawala ni Kevin, do'n ko pinatawad ang sarili ko. I didn't punish myself because the past years were already a punishment—living in pain and anger. Because of Kevin, I have forgiven myself. I have forgiven Arie. I have forgiven dad.
Kung hindi dahil sa desisyon kong 'yon, hindi ko mabibigyan ng bagong buhay ang sarili ko. Masaya pala. Masaya palang maging malaya sa galit. Yong kay mommy at daddy na love story? Hindi naman pala isang trahedya. As I've mentioned, they're going to be married. As for their past, they were both victims of dad's parents. Mayayaman nga kasi ang mga magulang ni dad at hindi nila matanggap si mommy noon. Mahal naman talaga nila ang isa't isa. The reason dad planned kidnapping me and Arie was to protect us from his own parents. Hindi nga lang siya nagtagumpay.
Totoo nga ang sinabi nila. Kapag hindi pa okay, ibig sabihin hindi pa tapos. Hindi pa katapusan.
"Hoy! Titig ka na naman diyan."Sita ni Aria nang mahuli niya akong nakatitig sa picture ni Kevin.
"Namimiss ko parin siya, Arie."
"Kahit naman ako e. Minsan, kahit na sinasabi mo sa'kin ng paulit-ulit na 'wag sisihin 'yong sarili ko, hindi ko maiwasan Cailee. Galit na galit lang talaga ako sayo nang malamang may anak sa iba si dad. Kung sana hindi nagsinungaling si daddy sa'kin. I was only hating you because I thought you were illegitimate. Gusto kitang saktan kaya pinlano ko lahat—"
"Tsk. Arie, namimiss ko si Kevin pero okay na ako. Hindi na ako uumiiyak sa tuwing tinitingnan ko ang pictures niya. I'm really okay. Kung hindi naman nangyari lahat ng 'yon, hindi mabubuo ang pamilya natin diba? Sabi nga nila, may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat. Promise, Arie. Okay ako."
"Maniniwala lang ako kapag may ipapakilala ka na sa'min."Nakangiwing deklara niya.
"Hoy. Sira ulo ka. E wala pang dumating e. I tried going out with different people, alam mo 'yan. It just won't work. No sparks. No connection. I'm just twenty three, ba't mo ba ako minamadali?"
"Oo nga naman pero alam mo, sa tingin ko talaga bagay kayo ni Xenon."
"Oh. Nope. Ayoko sa kanya. Masyado siyang nakakaasar. Ang hambog nya rin. Ayoko sa tulad niya."I said immediately.