[CAILEE'S POV]
Nang yakapin niya ako kanina, nakita ko 'yong pendant ng necklace niya. KJ.
"Siya nga si Mystery-guy! Right! KJ! Kent Jan!"
Sabi ko na nga ba 'di si Kevin eh! Imposible naman kasi.
"Cailee, sweetheart? What's wrong? You look exhausted? Ang aga-aga pa?" nakakunot-noong tanong ni mommy.
Ikaw nga naman ang di makatulog ng maayos? Feeling ko nakadilat lang ang mata ko magdamag.
''Is there anything that bothers my princess?"
"Wala mommy."
"Preoccupied of someone?"tanong niya na may makahulugang ngiti.
"Ha? No, mom. Tss. Let's eat na nga lang."
Pero hindi niya ako tinantanan kahit nang kumakain na kami ng breakfast. Tss. Mommy talaga.
"Who's Kevin in your life, honey?"she asked, making me take a gulp of water.
"He's just my classmate."
"He seemed fond of you, Cailee."aniya pa. "The feeling seemed mutual though. Alam mo anak, ang totoo niyan. Masaya ako na makitang may kaibigan kang lalaki. I'm starting to think that I'm wrong about you hating boys because of what happened between me and your dad."
"I actually hate Kevin, mom."pag-amin ko. "Nakukwento mo kasi no'n, dad looked like a bad guy kaya nagustuhan mo siya. Gano'ng-gano'n si Kevin. Feeling ko nga minsan, worse pa."
"E ba't mukhang ang komportable niyo sa isa't isa?"
"Because he's kind of different too. He's really a bad guy, definitely not a good company for anyone. But he keeps me safe, mom. Feeling ko kapag kasama ko siya, walang pwedeng manakit sa'kin."
Right exactly when I arrived in the university, my two pretty girl-friends came toward me, asking if I've recovered of what had happened yesterday.
"Are you okay Cai?"
"O-Oo naman. Thank you."
"Alam mo ba Cai, inaway kahapon ni Aria si Chassie." Kumunot yong noo ko. Sino naman 'yang si Chasie? "Yung leader ng mga OA na sossy-girls? Ewan ko anong pangalan ng grupo nila. Sila kasi yung may gawa ng mga posts sa unofficial school site."
"Hayaan nyo na nga lang ang mga 'yon. Okay na ako."
"Teka! Di ba classmate natin ngayon si Kevin?"
Napalingon ako sa dalawang upuan namin. Naupo pa kasi ako sa tabi nina Aria.
"Ba't kaya absent yun?" Aria asked wondering.
Kent approached us after our class.
"E-excuse me."
Nangingislap ang mga mata ni Eia na tumitig rito. Nakangiti pa talaga na parang model lang ng close-up. Adik talaga sa boys 'tong babaeng 'to.