Nasa tapat na kami ng bahay nang tanggalin ng lalaki ang suot niyang cap, sunglasses at mouth mask. Kumunot 'yong noo ko saka siya hinampas.
"Gago ka! Hindi dapat natin iniwan ang kaibigan mo do'n!"
"Cailee, you have to be safe first. Now get in."utos niya pa. "Babalikan ko si Kevin."
Natameme ako ng ilang segundo bago kumilos para bumaba ng kotse. Nakatapak na sa labas ang isang paa ko nang balingan ko si Zeus.
"Mag-iingat kayo. Ipangako mo Zeus na magiging okay si Kevin, magiging okay kayo."
"Oo naman. Hindi ako aalis do'n nang hindi kasama si Kevin."He assured me.
Hindi ko sinabi kay mommy 'yong totoong nangyari. I lied to her saying that I was held up. That the robber took all my things. Mom was so worried and convinced me to report it to the police. I can't do it. Siyempre, hindi naman 'yon totoo e.
Kung irereport ko kaya sa police 'yong totoong nangyari? E hindi ko rin naman alam ang lugar na 'yon. Wala rin akong maalala nang ihatid ako ni Zeus dahil sa takot ko kanina.
Nangako ka sa'kin Kevin. Maghihintay ako dito kaya tuparin mo ang pangako mo.
Sumapit ang umaga. Sinalubong ko ang pagtaas ng araw pero walang Kevin na dumating. Kailangan kong makausap si Zeus. Pero paano? Hindi ko nga alam kung sa'n siya nakatira. Ni apelyido niya, hindi ko rin alam. I messaged Kent and Tala asking if Kevin went home. Earlier after lunch, Tala responded no so I began panicking again. Kasalanan ko lahat 'to. Hindi na dapat kasi ako naglakad kahapon. Hindi niya na dapat ako niligtas do'n.
"Sweetheart?"
When I saw mom, I ran to her arms. I sobbed on her shoulder. Mom can only caress me on the back because she allowed me to cry my heart out.
"Mom, kapag may nangyari kay Kevin. Hindi ko kakayanin mommy."pag-amin ko.
Mom was apparently taken aback. She stared at me before cupping my face.
"My baby's a grown up now."She murmured. "You're in love. Do you love him?"
Hindi ako sumagot. Umiyak lang ako. Lumipas ang mga araw at wala paring balita tungkol kay Kevin. Kinausap ko narin si Kent through the phone over the weekend and he said that his brother hasn't gone home for almost a week.
"Cailee, pwede ba tayong mag-usap?"diretsong tanong ni Kent nang lapitan niya kaming tatlo sa cafeteria.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko bago sumunod sa kanya. Medyo kinabahan ako dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na nahihimigan kong galit ang isang Kent Jan Chen.
"Tell me what really happened, Cailee."He said straightforwardly.
"Umuwi na ba si Kev—"
"I told you to stay away from him!"Kent angrily shouted. "What if something happened to you? Cailee, ang tigas ng ulo mo. Mapapahamak ka lang kapag hindi mo lalayuan ang kapatid ko."
"Kent, I'm fine because your brother saved me—"
"Na kung hindi rin naman dahil sa kanya, hindi ka mapupunta do'n."
"Sino ang mga lalaking 'yon? Why is Kevin in that kind of mess—"
"It's a gang. Cailee, Kevin used to run that gang. Now, give me a reason why you shouldn't stay away from him. Layuan mo na ang kapatid ko—"
"I am in love with him."
Katahimikan ang namagitan sa'ming dalawa. Hindi ko matingnan si Kent.
"You didn't say that, Cailee. Sasaktan ka lang niya."