No. Cailee can't leave. I have to chase her. I can't lose her. Panicking, I ran to my car but Arianne stopped me."Tito's waiting, Kevin—"
"Arianne, don't you care about your bestfriend?"I shouted at her which silenced her. "Kailangan ko siyang puntahan Arianne. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Cailee. Please... nagmamakaawa ako sa'yo. Tulungan mo 'kong kumbinsihin ang mga magulang natin."Pagmamakaawa ko.
"I'll talk to dad. I'll try. I cannot promise anything but I will try."Sinagot niyang walang kaemo-emosyon.
Halos paliparin ko na ang kotse papunta sa bahay nila Cailee. But fate again intervened. I was stuck in the gridlocked-traffic. Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko—magkahalo ang galit sa sarili, takot na mawala siya at ang sakit na pumipilipit sa puso ko. However, fate's intervention did not end there. After overcoming the traffic jam, my car stopped working. Naiinis man sa mga nangyayari, hindi ako nagpapigil. Tinakbo ko papunta ng bahay nila.
"Oh? Hijo, ano'ng problema? May naiwan ba sina Ma'am Carol?"Tanong ni Nanay Esmeralda matapos akong pagbuksan ng gate.
"Ano pong ibig niyong sabihin? Naiwan? Si—Si Cailee? Nay, kailangan ko siyang makausap."
Kumunot ang noo niya bago yumuko.
"Nay, alam ko pong galit ngayon si Cailee sa'kin pero kailangan ko po talaga siyang makausap."
"Wala namang kaso sa akin, Hijo. Kaso wala na sila dito. Nakaalis na sila ng mommy niya. Mag-iisang oras narin. Hindi ko alam kung saan pero may dala silang mga maleta. Narinig ko rin na sa airport sila nagpahatid kay Goryo."Mahabang kwento niyang nagpalugmo sa'kin.
Hindi. Hindi pwede! Hindi na ako nagpaalam kay Nanay Esmeralda; tumakbo ako kaagad at sumakay ng taxi nang may makita akong bakante. Pumunta ako ng airport. I checked everywhere, even crossed the departure gates but there was no trace of her and tita Carol. Umiiyak ako habang kinaladkad ng mga guwardiya palabas ng airport... all for nothing. Iniwan na ako ni Cailee, ng nag-iisang babaeng mahal na mahal ko.
"Kevin, anak. Dalawang linggo ka ng hindi lumalabas. Anak, buksan mo'ng pinto."Umiiyak na sinabi ni mom. "Anak. Tumawag na ang daddy ni Arianne. Hindi na matutuloy 'yong kasal."
Galit na napatayo ako saka binuksan ang kwarto ko na nagkalat saan-saan ang mga bubog ng mga bagay na nabasag ko.
"Wala akong pakialam mom! Wala na si Cailee! Iniwan na niya ako!"I angrily yelped at her. "Pumayag ako sa gusto niyo mom kasi sabi mo, ikakamatay mo kapag nawala ang kumpanyang minana mo kay Lolo."Totoong may sakit si mommy at ang lungkot lang dahil ginamit niya 'yon para pasunurin ako sa gusto niya. "Pumayag ako dahil ayokong mawala ka pero lihim kong hinihiling na sana makita mo naman ako bilang anak, hindi investment! Binenta mo 'ko mom e! Now what? You want to make up for it? Iuurong niyo ang kasal? Damn it!!! Wala akong pakialam! Wala na ang babaeng mahal ko!"
Kahit na nagagalit ako sa kanya, ayaw ko siyang nasasaktan. My mom was the one who helped me when lolo was gone. I was so devastated. Unfortunately, I didn't know that this day will come; na siya naman ang magiging dahilan ng pagkawasak ulit ng mundo ko. Gusto ko naman talagang sabihin kay Cailee lahat. Pero hindi ko alam kung paano. Ang alam ko lang no'n na darating ang araw na makikita ni mommy na sasaya lang ako kapag si Cailee ang papakasalan ko. Iniisip kong magbabago ang desisyon niya at iuurong ang kasal. Pero hindi, hinayaan niya akong saktan ko ang babaeng mahal na mahal ko. Now, she's gone.
"Kuya Kev?"Tala called out as she walked in my room. I smiled at her. "Why are you packing up?"She asked sadly upon seeing my things.
"Come here, princess."