During vacant hours, Kevin always accompanies me within the school campus. Kaya wala ng nang-aaway sa'kin. They're afraid of him. Minsan nga nawe-weirdo-han ako sa mga tao sa university dahil hindi nila ako magawang tingnan man lang. Para bang ikakamatay nila ang makita ako.
I kept insisting not to but he also won our argument about him driving me home. May mga pagkakataon ngang kinukuha niya ako sa bahay. Kaya naman, di ko masisisi si mama na mag-isip na may namamagitan sa'ming dalawa. And for that, nope! That won't happen.
"Park!"Tawag niya sa'kin isang umaga. Naglalakad ako sa corridors ng building para pumunta sa classroom.
"Stop doing that, Kev!"sigaw ko matapos niyang guluhin ang buhok ko.
"Arte mo. Di ka naman gumanda diyan sa buhok mo."
"Sira-ulo. Ba't ang aga, nangungulit ka na naman?"tanong ko rito dahil malapit na ako sa room namin.
"Miss kita e. Hindi ka nag-reply no'ng weekend. Sa'n ka nagpunta?"seryosong tanong niya.
"Tambay sa bahay."
"Oh."
Hindi na siya nagsalita ulit kaya nagtaka ako. Hinarap ko siya at tiningnan siya ng mabuti.
"Ano'ng drama 'to, Kev?"
Sa halip na sumagot, niyakap niya nalang ako bigla. I was too startled to say something until I just felt my arms snaking around him too.
"Hindi mo 'ko namiss?"He asked after letting me go.
Takte. Ang cute niya. Pwede bang i-freeze ang moment na 'to? Ba't lalo siyang naging hot sa pagbi-babytalk niya? Ang unfair ng mundo.
"Alam ko namang magkikita tayo e."
"Alam ko din naman 'yan pero tini-text parin kita."tugon niya sa tonong nagdadamdam.
Ugh. I'm just guarding myself because I've noticed how vulnerable I was these days. Pati pagtanggol sa sarili ko, inaasa ko pa sa kanya. Pero sana 'yon lang kasi matatanggap ko pa 'yon dahil dati pa naman akong weak at hanggang iyak lang. Nag-iiba na kasi ang ihip ng hangin. Sa isang buwan na araw-araw ko siyang kasama, kahit na siya ang pinakanakakaasar na tao sa buhay ko, siya lang din 'yong napakadaling pangitiin ako. Iyon ang ayaw ko, ang 'di ko pahihintulotang mangyari. We will still be friends but I will just place a barrier to guard my vulnerable self. Ayokong iasa sa kanya pati kasiyahan ko. Baka hindi ko kakayanin kapag lalayo siya.
"Kev, I'm doing my research paper. You know that."I lied.
"Is it done?"
"No. Why?"
"Good."sagot niyang nakangisi na. Badboy radar is on again. "I'll help you."
"Hindi na. Malapit narin namang matapo—"
"Fine. Kasi hindi ako dean's lister gaya ninyo ni kuya, minamaliit mo na ako. Tsk."
"Kev, alam mong hindi totoo 'yan!"galit na asik ko. Akusahan ba naman ako!
"E di hayaan mo 'kong tulungan kita."
Napapikit ako kasi naiinis na naman ako sa kanya. Kapag talaga magkausap o magkasama kami, hindi talaga nangyayaring hindi ako napipikon, naiinis o nagagalit sa kanya.
"Lunch."He mouthed. "Later."He added. Ano'ng pinagsasabi niya? "We'll finish your paper after lunch."paliwanag niya.
"Fine. Sige na. Male-late na ako."
Tama ba 'tong ginagawa ko? Para akong tanga e. Nagsisinungaling ako sa kanya tapos nakokonsensiya ako. Hindi ko naman siya boyfriend kaya okay lang dapat diba? Well, makokonsensiya ka pero hindi 'yong tulad ng intensity ng guilt na nararamdaman ko.