[ Kevin’s POV ]
She’s still crying?Napakaiyakin talaga ng babaeng yon. Mukhang nagustuhan pa n'yang yakap siya ni kuya.
Hinila ko sya at nang makalayo kami ay di ko napigilang sabihin ang gusto kong sabihin.
“Pwede ba Cailee? Tigilan mo 'yang pagiging iyakin mo! That won’t help! At wag mong uulitin ang ginawa mong pag-iyak sa harap ni kuya! Nagmumukha kang tanga. Halika na nga, ihahatid na kita!”
“Ku-kunin muna natin 'yong mga gamit ko.”
“Ako na ang kukuha, you wait here. Lagot ka kapag wala ka dito pagbalik ko.”
When I returned, Kent stood by her side. Tsk. Ano'ng ginagawa niya?
“Ako na ang maghahatid sa kanya Kevin—
“Ba’t di ka maghanap ng ibang ihatid mo? Tara na Cailee." Tawag ko sabay hawak ng kamay niya.
“Paano mo ba ihahatid si Cailee na wala ka namang kotse?”
Wala na nga pala akong kotse, Napatingin ako kay Cailee. Naguguluhan sya. Palipat-lipat ang tingin niya sa ‘ming dalawa. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya.
“Dahil ba wala na akong kotse? Di ko na sya pwedeng ihatid? Bakit? Di ba kami pwedeng maglakad?”
Hinila ko agad sya at nang makalayo kay kuya.
“Ke-kevin?
“Oh?”
“Talaga bang maglalakad lang tayo?
“Wag kang OA dyan, ang lapit lang nong bahay nyo.”
Oo nga naman, medyo malayo nga ‘yon. Pero okay namang lakarin—
“Sumakay nalang tayo ng taxi. Ang sakit na ng binti ko Kevin eh. Malapit naring dumilim.”
Damm! Wala akong pera! Ano na namang ibabayad ko? Kukutongin ko na naman ang taxi.
“Hay. Malapit na akong mainis sayo, Park. Sumakay ka na nga sa likod ko.”
“Ano? Ayoko nga?”
“Mag-iinarte ka pa ba? Sasakay ka o bubuhatin kita?”