Special Chapter: Weddings

857 27 2
                                    

Araw ng kasal ni tita Carol at tito Andrew. Si Cailee ang naghatid sa mommy nila habang si Riri naman ang tumayo sa tabi ng daddy nila. I know it was Mrs. Fuentebella's day. Pero habang naglalakad silang mag-ina, nakikita ko na sa likod ng isip ko si Cailee na naglalakad papunta sa'kin.

She'd be wearing a simple white dress because she always wants things simple like me. It will be a beach wedding, a wedding witnessed by the sunset. That's Cailee's addiction after me, sunsets. She will be the most gorgeous face to behold like she always is. And maybe, I would forget how to blink on that day because I am certain that I would only want to stare at her, watch her walk to me.

Cailee Park Fuentebella, you should really marry me.

"Damn Kevin. Kanina pa kita kinakausap."Galit na bulong ni Dray.

"What?"Tsk. Panira e.

"Papakasalan ko na si Riri."Parang timang na sagot niya.

"Ngayon na?"

"Gago. E, ikaw ba? Kailan mo ba balak pakasalan si Cailee? Tingnan mo nga ang mga lalaki sa paligid, hindi naman ang bride ang tinitingnan nila e, 'yong girlfriend mo dude."

Sh.t. Tama nga si Dray. Parang gusto ko tuloy hilahin si Cailee para ilayo sa simbahan.

"Haha. Gago, ang seloso mo. Pagkatiwalaan mo naman ang girlfriend mo. Tingnan mo nga o. Sayo lang nakatitig."Bawi naman niya kaagad. Dray has a talent of pissing me off since before.

"Ikaw ba? Hindi ka nagseselos kay Riri?"

"Napipigilan ko. Sigurado naman akong mahal niya ako."

"Mahal din naman ako ni Cailee."

"Ang defensive. Wala naman akong sinabing hindi."Wika niya at tumawa. Kung hindi lang sana nagsimula ang ceremony, baka nasapak ko na siya. Kami ni Dray ang magkatabi dahil nasa kabilang pews sina Riri at Cailee. Wala sa'min ang atensiyon ng dalawa. Their arms are linking and head leaning against each other while watching their parents saying their vows.

"So ano? Bawal ikasal ng sabay. Next year, ikakasal sina Ivee at Kent. Bibigyan kita ng chance, ako ba ang unang magpapakasal after them o ikaw?"Tanong niya. Para siyang timang talaga. Hindi ko nga pinansin.

André Mercedes is someone everybody is so scared at. In reality, ganito siya. Gago. Sira ulo. Napaka-corny na tao. Haha.

"I now pronounced you husband and wife. Mr. Fuentebella, you may now kiss the bride."

"What now, Chen?"Dray asked again, showing me a coin. "Head or tail."

Hindi na ako sumagot. Tumakbo na ako papunta kay Cailee. Kasama niya ngayon ang mommy at daddy niya pati narin si Arianne para sa family picture.

"Kev?"Nagtatakang anas niya nang makita ako. She looked at her parents, gave them apologetic smile. "Kev? What are you doing?"

Lumuhod ako sa harapan niya sa halip na sumagot. Wala akong dalang singsing dahil suot na palagi ni Cailee ang singsing na binigay ni lolo at lola sa'kin para ibigay ko sa babaeng papakasalan ko. She's aware about what the ring is about. Sabi pa niya doon na rin naman kami papunta. But I just want it to be official.

"Cailee Fuentebella, I know that you really wanted to spend the rest of your life with me as I do the same to you. Honey, I just want to make sure you aren't a dream. I just want to make sure that everything is real."I said while my heart frantically beat. "Princess, will you marry your knight and be his queen forever? Will you marry me and be my wife, Cailee?"

Matapos akong titigan ng matagal, tumango siya. Excitedly, Cailee helped me up on my knees and even initiated a warm loving kiss. Everyone cheered.

Bad Love °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon